IVY
Chapter: 90
Tuluyan nang gumaling ang Don at sa wakas ay naigalaw na nito paunti-unti ang katawan na halos naging lantang gulay, unti-unti na din nanunumbalik ang pagsasalita sa tulong na din nang mga therapist nito.
Halos masaya ang lahat sa kumpanya nang Branson sa pagbabalik nang kanilang pinakamamahal na Presidente. Wala na silang ibang hinihiling kundi ang bumalik sa ayos ang lahat-lahat.
********
Naghihintay na si Damian mula sa labas nang operating Room, kabado siya dahil nanganganak na si Ivy. Kaninanpa siya pabalik-balik nang lakad.
"Iho, baka mahilo ka na niyan?" Imik ni Aling Ising.
Napailing si Damian. "Sana okay lang ang mag ina ko." Sambit ni Damian at muling tinuloy ang paglalakad.
Natawa lang si Alng Ising at napailing, sakton bukas nang Operating Room kaya napahinto si Damian at mabilis na lumapit sa Doctor.
"How's my wife and my child?" Agad niyang tanong.
Ngumiti ang Doctor at nilahad ang palad. "Congratulations Mr. Branson, you have a healthy baby Boy."
Halos kagat labing ngumiti si Damian at tinanggap ang palad nito. Pansin niyang nilabas na si Ivy. Kaya agad siyang lumapit at nakitang nasa dibdib nito ang sanggol.
"Mr. Branson ililipat lang po muna namin ang pasyente." Wika nang nurse.
Nakahinga na siya nang maluwag at tila ngumiti.
"Sabi ko sayo, magiging maayos din ang lahat." Wika ni Aling Ising.
Napatango si Damian at ngumiti, napansin niyang patakbo si Caroline na lumapit sa kanya.
"Nanganak na si Ivy?"
"Oo huli ka na." Tugon ni Damian.
Napasimangot si Caroline. "Sayang, teka nasaan na ang baby?"
"Dinala na sila sa kwarto, halika sumunod na lang tayo duon." Yaya ni Damian at maging si Aling Ising ay kanyang niyaya na...
*******
"Ang gwapo niya." Bati ni Caroline habang buhat ang baby nila Damian at Ivy.
"Saan pa ba magmana, kundi sa lolo." Sabat ni Don Alfonso.
Natawa lang silang lahat sa sinabi nito.
"Parang hindi kayo pumapayag?"imik muli nang Don.
"Opo papa, kamukha niyo na— pero syempre mas kamukha namin siya ni Ivy." Sabat ni Damian at kinuha na ang sanggol kay Caroline. "Hello Isaac, i'm your dad."
Ngumiti si Ivy habang pinagmamasdan si Damian na tuwang-tuwa sa kanilang anak.
"Iha, gumawa ako ng sabaw para madali ka magkagatas at bumalik ulit ang lakas mo." Wika ni Aling Ising.
"Salamat po Aling Ising, mabuti po at andiyan kayo." Tugon niya.
Ngumiti lang si Aling Ising at hinawakan ang kamay niya. "Ako din kasa-kasama nang inay mo nang ipanganak ka, kaya natutuwa ako na naririto ako at nasilayan ang panganganak mo."
Ngumiti si Ivy at tila hinalikan ang palad nang matanda, bilang pasasalamat niya.
"Ahmm, hayaan muna natin kaya ang family bonding..." Sabat ni Caroline at lumapit sa Don pati kay Aling Ising. "Bigyan muna natin sila nang moment." Sabay kindat sa mag asawa.
Natawa silang dalawa sa ginawa ni Caroline.
"Gusto ko pa malaro apo ko." Reklamo nang Don.
"Uncle, di pa siya malalaro okay." Tugon ni Caroline at hinila na niya ang mga eto palabas.
Ngumiti si Ivy lalu nang ibigay na ni Damian ang kanilang anak. "You're so handsome." Sambit ni Ivy. Sabay tingin kay Damian. "Kamukha mo siya.
Ngumiti si Damian at kinuha ang palad ni Ivy sabay halil sa pinakapalad nito. "Magpalakas ka ahh."
Tumango si Ivy at biglang may naalala. "Dumalaw ka ba kay Devin?"
Napatango lang si Damian at tumitig kay Ivy. "Nakakapagtaka na kahit halos naapektuhan na ang buto niya sa ulo ay nabuhay pa siya. Pero, tila nasiraan na talaga siya." Huminga nang malalim si Damian. "At sa tuwing nakikita niya ako, sinasabi niyang patay na ako."
"Di na kinaya nang konsensya niya, at sa tingin ko eto ang pinaka impyerno niya ang mabuhay at dalhin lahat sa isipan lahat nang ginawa niya..." Tugon ni Ivy at tumitig kay Damian. "I love you Damian."
"I love you too, kayong dalawa ni Isaac ang buhay ko Ivy." Sagot niya at lumapit ang mukha para hagkan si Ivy sa labi.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomantikSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...