IVY
Chapter: 3
"Señorito Devin, hanggang kelan po pala kayo dito?" Tila tanong nang Mang Vicencion habang nilalatagan siya ng pagkain.
"Siguro medyo, matagal-tagal din ang bakasyon ko." Tugon niya at tinanggap ang bigay nito. Napatingin muli siya kay Ivy, pansin niyang kumakain eto mag-isa. "Mang Vincencio, wala ho ba siya kasama kumain?"
Napalingon ang matanda, at nakita nito ang tinutukoy. "Umalis siguro si Aling Zeny." Sabay muling lingon sa lalaki. "Ganyan talaga 'yan si Ivy."
Napatango lang siya at kumuha na nang sariwa na isda. Mayroon din manok na niluto sa sampalok at mga seafood na sinadyang ihain dahil isa siyang bisita. "Why don't you invite her, para personal din ako magpasalamat sa pagta tiyaga niya sa bukid."
"Ah, sige po. Saglit lang." Tugon nito at tumayo.
Kumakain si Ivy nang mapansin na lumapit si Mang Vicencio sa kanya.
"Ivy, iha. Iniimbita ka nang may ari nang lupa na kumain kasabay siya."
Napatigil si Ivy, at tumingin sa lalaking nakaupo na sinasabi ni Mang Vicencio. "Mang Vicencio, nakakahiya naman po."
"Naku, si Sir Devin kasi ang nagsabi na imbitahan ka. Pumayag ka na— gusto din kasi niya magpasalamat."
Muling napabuntonghininga si Ivy kaya napilitan na siya tumayo. Magkasabay sila ni Mang Vicencio na lumapit, nakita niyang tumayo ang may ari ng lupa.
"Hi!" Bati ni Devin at nilahad ang palad.
Napatingin lang siya sa kamay nito. "Madumi po kamay ko sir." Tugon ni Ivy sabay tago ng kamay niya
Ngumiti lang si Devin at lumapit, kusa ninyong kinuha ang kamay ni Ivy at kinamayan.
Nagulat si Ivy sa ginawa nito, at gusto sana umatras. Pero mapilit na hinawakan ang kamay niya.
"Gusto ko ulit mag-sorry, about sa nangyari. Kaya sana tanggapin mo ang pakikipag kamay ko, at pasasalamat sa ginagawa mong pagta trabaho dito." Buong pusong pasasalamat ni Devin.
Napatango lang si Ivy. "Walang anuman po." Nahihiya niyang sabi.
"Iha, dito ka na kumain." Yaya ni Mang Vicencio.
"Po? Nakakahiya po" tanggi niya, pero maagap ang lalaki na nahawakan ang kamay niya at pinilit na maupo.
"Join us, masyadong madami ito." Sabay tingin ni Mang Devin kay Mang Vicencio. "Paki invite na din po ang iba para sabayan tayo sa pagkain."
"Sige po sir." Saad nito at mabilis na sinunod ang utos.
Tila napayuko si Ivy, nahihiya talaga siya sa kaharap at hindi siya sanay. Itinago niya ang mga kamay na medyo madumi.
"Ahm, anu nga pala name mo?"
Napa angat ng tingin si Ivy. "I-ivy po sir." Maikli niyang tugon.
Napatango si Devin. "I'm Devin, wag mo akong i-sir. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad."
"Pag galang po 'yun lalu at kayo po may ari nang lupaing eto." Tugon niya.
Ngumiti si Devin. At pansin niya na lumapit na ang mga magsasaka.
Napatingin si Ivy dito, pansin niya na nakikipag usap na ito sa ibang kasamahan. Nahihiya man siya ay agad na pasimple siyang tumayo. Hindi kasi siya sana'y na kinakausap nang ibang tao at makihalubilo. Dahil naiilang siya, lalu at baka hindi niya maintindihan ang ibang usapin nang mga eto.
Pansin ni Devin na tumayo na si Ivy, at muling bumalik sa pwesto hindi na niya nagawa na tawagin ito dahil nakikipag usap na din sa kanya ang ibang magsasaka....
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...