Chapter:47

248 3 0
                                    

IVY

Chapter: 47

Pansin ni Ivy na nawala si Greta, hindi niya alam kung nasaan ito nagpunta kaya mabilis niyang ginalaw mulinang mga kamay para matanggal na ang tali. Hindi naman siya nabigo dahil sanay siya sa gawaing mabibigat, agad na niyang napakawalan ang sarili at tinanggal ang nasa labi na tape, tiningnan niya maigi ang pinaglalagyan niya. At ang tali na naka konekta sa kanya na para bang anuman ay pwedeng hilahin para siya malaglag. Huminga siya nang malalim, at sinubukan na tumayo dahan-dahan.

"Nagbabalak ka talagang tumakas?" 

Napatingin siya kay Greta na bigla na lang sumulpot kung saan, pansin niyang hawak nito ang lubid.

"Hindi mo ba alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo? Makukulong ka, paano mga anak mo? Akala ko ba— mahal mo si Devin kaya binawi mo siya sakin?"  Pinapakalma niya lang eto para hindi gumawa nang anumang bagay.

Ngumiti si Greta at nilabas ang baril sa kanya g likuran. "Mahal? Mga anak?"


Napansin ni Ivy na nasa likuran na si Devin at Damian, kaya lalu siyang napalunok. Pinagbutihan niya ang pakikipagusap kay Greta para malibang sa kanya. "Greta, kapag pinatay mo ako. Hindi ka na makakalabas sa kulungan, maawa ka sa sarili mo." 

Tumawa lang si Greta. "Maawa? Atlis makakaganti na ako sa ginawa ng ama ko sa amin. Wala akong pakielam sa mga batang iyon, dahil hindi ko talaga sila anak. Wala kaming anak ni Devin.." At muling tumawa ng nakakaloka. "Alam mo ba kung sino ang gusto ko, si Damian!" 


"Anu?" Tila napakunot ang noo ni Ivy.

Napatingin si Devin sa kanyang Uncle, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Greta. Kaya pala nuon ay mas gusto nito na nasa opisina at hindi sumasama sa kanya, at laging nakikibalita sa Uncle niya nuon sa state. 

Tumingin si Damian kay Devin, sumenyas siya na siya na ang bahala kay Greta. Basta kunin si Ivy. Agad na siyang umayos at mabilis na lumabas sa pinagkukublihan. "Greta." 

Nadinig ni Greta ang boses ni Damian, agad na siyang lumingon at ngumiti. "Damian, tatapusin ko lang eto. Pangako, aalisin ko lang sa landas natin si Ivy." Sabay ngiti niya.

Napalunok si Damian lalu at nakita niya ang baril na hawak nito, lumapit siya bahagya  kay Greta at hinawakan ang kamay nito. "Huwag mo na idamay si Ivy, andidito na ako. Di'ba gusto mo'ko?"

Ngumiti si Greta at tumango.

Mabilis na lumabas si Devin, at dahan-dahan na pinuntahan si Ivy, sumenyas siya na huwag maingay. 

Dahan-dahan na humakbang si Ivy hanggang sa makahawak sa kamay ni Devin. 

"Just kiss me Damian." Hiling ni Greta.

Napatingin siya sa dalawa, pero tila hindi pa makaalis si Ivy gawa sa tali nang nasa paa nito kaya kinabig niya si  Greta at hinagkan. 

Napatingin si Ivy, alam niyang gumagawa ng paraan si Damian para makawala siya. 


Naramdama ni Gret na hinawakan ni Damian ang baril kaya agad na tinulak niya si Damian at mabilis na humarap sabay baril.

"No!" Sigaw ni Damian at inawat si Greta.

Natamaan si Devin sa balikat kaya nabitawan niya si Ivy at dumulas sa flywood, mas lalung naging kumplikado dahil isang kamay lang ang nakahawak. 

"Devin!" Sigaw ni Ivy at hinawakan ang kamay nito, biglang gumalaw ang tinutungtungan niya kaya mas lalu siyang kinabahan. 

"Tama na Greta!" Sigaw ni Damian at sinuntok ito, dalawang beses iyon hanggang sa bumagsak ang babae. Mabilis na tinakbo ang dalawa, ngunit ang tali na pumipigil ay kumalas na kaya ang flywood ay bumitaw. Mabilis siyang tumakbo at hinawakan si Ivy. "Ivy!" Tawag niya at nakita si Devin kaya agad niya din na inilahad ang isang kamay. 

"Damian." Napalunok si Ivy at nakaramdam ng takot, pansin niyang nahihirapan na si  Damian, nilingon niya si Devin at dumudugo ang sugat nito. Mabilis na siyang kumapit at umakyat para makaahon, sa pagkakalambitin. 


Muling nagkamalay si Greta at nakita ang sitwasyon ng tatlo, kaya mabilis siyang bumangon at hinanap ang baril. Bumaril siya at sa pagkakataong ito ay si Damian naman ang natamaan. 

"Damian!" Sigaw ni Ivy.

Nabitawan ni Damian si Devin, mabuti na lang at kumapit ito. Humarap si Damian kay Greta, lalu at nakita niyang palapit ito kay Ivy. "Greta, huwag!" Sabay harang niya kay Ivy.

"Umalis ka Damian! Ikaw lang kailangan ko, kahit na mamatay silang dalawa!" Sigaw ni Greta...

Umiling si Damian. "Hindi ako papayag na saktan mo ang mahal ko." Tugon niya at mabilis na yumuko sabay patakbong binuhat si Greta at tinulak ito sa gilid nang ginagawang gusali, kaso ay nadala din siya kaya pati siya ay nahulog, mabuti na lang at nahawakan siya ni Devin. 


"Damian!" Agad na sumilip si Ivy.

Pansin ni Devin na nakahawak sa paa nang Uncle niya si Greta. 

"Damian! Devin! Humawak kayo maigi!" Sigaw ni Ivy at nilahad ang mga kamay para sa dalawang lalaki. 

Sinubukan na abuti ni Damian ang kamay ni Ivy, maging si Devin. Ngunit hindi kakayanin ni Ivy lalu at may nakahawak pa kay Damian.

"Damian! Kung hindi ka mapupunta sa akin, isasama na lang kita sa hukay!" Sigaw ni Greta na natawa pa.

Pansin ni Devin na nahihirapan na si Ivy "Ivy."

Napatingin si Ivy kay Devin. 


"I'm sorry. And i love you." Sambit ni Devin.


"Ano'ng sinasabi mo?" Tila tanong ni Ivy lalu nang bumitaw ang kamay nito sa kanya. "Devin!" 


Tumingin si Devin sa uncle niya. "Salamat sa pag aalaga mo sa kanya, tunay kang lalaki Uncle. "


"Devin, don't!" Sigaw ni Damian.

Pero mabilis nang bumitaw si Devin at kumapit pababa sabay hatak kay Greta. 

"What are you doing?" Tanong ni Greta.

"Dalawa tayo nagkasala, kaya tayong dalawa ang dapat magsama!" Sabay ngiti ni Devin at mabilis na tinanggal ang kamay nito, at bumitaw na siya sa hinahawakan na bakal.


"Devin!!!" Sigaw nila Damian at Ivy.

Wala na silang nadinig na sigaw hanggang sa bumagsak ang katawan nang mag asawa sa pinaka unang palapag, halos sa may mga hallowblocks at bakal ito, pansin nila na parehas tumusok ang katawan nang dalawa.

Mabilis na hinila ni Ivy si Damian, at nang maka akyat na ito tuluyan ay niyakap niya ang lalaki. "Damian." Sabay iyak sa dibdib nito, natakot siya sa kung anuman ang mangyari lalu kay Damian.

"Sshhs..." Saway ni Damian at muling sinilip ang dalawa. Hindi siya makapaniwala na iaalay ni Devin ang buhay para lang sa kaligtasan nila....




*******

#AuthorCombsmania



IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon