IVY
Chapter: 76
Nagpatawag nang meeting si Devin, alam niya na halos lahat ay nagluluksa at mahal ang kanyang Uncle. Pero ngayong wala na eto, siya na ang tatayong bagong Presidente sa kumpanya ng Branson. Lahat nang kawani at mga empleyado ay halos naroroon, sa isang Session Hall ito ginanap dahil marami ang empleyado ng kanyang Uncle. Kasama na din ang mga opisyales at Directors na close ng kanyang Uncle Damian.
Ngumiti si Devin nang lihim, habang pinagmamasdan ang mga magiging tao niya sa kumpanya. "Alam ko na lahat kayo ay malungkot at nagdadalamhati sa pagkawala nang mahal ninyong Presidente, at dahil sa nangyaring insidente. Napili nang Branson Corp, na pamunuang kumpanya nang bagong magiging Presidente ng kumpanya." Huminga nang malalim si Devin. "And that is—"
"Me!"
Naputol ang sasabihin ni Devin at nakita ang pagsabat ni Ivy. "I-ivy?" Sambit niya akala niya ay magmumukmok lang ito sa kwarto lalu at isang linggo na ang nakakalipas mula mamatay at mailibing ang Uncle Damian niya.
Kita ni Ivy ang pagtingin ng mga tao sa paligid, naka full white siya na damit. Talagang nahiligan niya ang puti dahil mabuti siyang tao, ang terno with coat na white suit ay bumagay sa kanya, naka flat doll shoes siya na color white din at ang buhok niya na halos naka halter side ang style.
"Auntie." Sambit ni Devin na tila pinilit ngumiti. "Wh-what do you mean, earlier about the word me?"
Ngumiti si Ivy at lumapit kay Devin. "It's clear that you heard what i say. Ako na ang Presidente nang Branson corp."
Umiling si Devin. "Impossible, i'm the vice President here." Pag didiin ni Devin.
"I'm the wife, and i have a legal proofs with Damian's signed." Sabay lingon niya. "Atty. Rocco."
Lumapit ang Atty ni Damian at inilabas mula sa attachecase ang papel. "This is the legal last will of Master Damian Branson." Sabay pakita nang papel na seal at pirma ni Damian. "Sinasabi na kung anuman ang mangyayari sa kanya, si Mrs. Ivy Branson, at ang anak nila ang may karapatan at pumalit sa kanyang pwesto bilang Presidente nang Branson Corp. Malinaw na lahat-lahat nang ari-arian nito at kumpanya ay mapupunta kay Ivy at sa kanilang anak." Paliwanag ng abogado.
Napatitig si Devin kay Ivy.
"Kaya ako na ang bagong President nang Branson, and you'll stay as the Vice President. If you like yout position." Seryoso niyang sabi.
Napilitan ngumiti si Devin at tumingin kay Ivy. "Malakas lang ang kapit mo, dahil may anak na kayo." Ngumiti na si Devin at bahagyang humakbang.
Binangga siya ni Devin ngunit hindi siya nagpatinag sa kinatatayuan. "Just like what you said, don't trust anyone." At nilingon ito ni Ivy.
Hindi umimik si Devin at kusa na siya nag walk out sa Session Hall.
Napatingin si Ivy sa mga dating tao nang kanyang asawa, lahat ay nakangiti sa kanya. Ang iba ay lumalapit bilang pagkagalang at pagkamay dahil siya na ang bagong Presidente. "Para sa'yo 'to Dear." Sa isip niya at pinilit na ngumiti, isa- isa sa mga taong naroroon.
*******
"Aaahh!" Sigaw ni Devin at halos ibalibag lahat nang gamit, umuwi siya sa kanilang at tila gustong magwala nang mga oras na 'yun. "Nooooo! Pinaghirapan ko 'yun!" Sigaw niya at tila hindi matanggap na si Ivy ang papalit sa pwesto ng kanyang tiyuhin. "Isang boba, tanga! At mula sa putikan! Lintek kang Ivy ka, dapat talaga pinapatay na lang kita..." Inis niyang galit at lumapit sa alak na nasa table, nagsalin siya sa baso at dali daling ininom eto. Nang matapos ay mabilis niyang, inilapag padabog ang baso. "Gusto mo talaga nang laban Ivy, sabagay ikaw na lang sagabal. Kung ayaw mo na sa'kin, ipapadama ko na lang sayo ang pinaka ganti ko." Gigil niyang sabi at tila nagpupuyos sa galit ang dibdib, pero bago siya gumawa nang hakbang kailangan muna niya tapusin ang kanyang lolo.
********
Mabilis na nakarating si Devin sa Hospital, agad na siyang dumiretso sa kwarto nito. Pero pagbukas niya ay malinis at wala nang tao sa kwarto, agad siyang lumabas at pumunta sa nursing station. "Excuse me."
"Yes?" Wika nang nurse.
"Can i know where is Alfonso Branson? My Lolo."
"Oh, Mr. Branson... Kinuha na siya nang kamag anak niya." Sagot nito.
Nagtatakang napakunot ang noo ni Devin. "Kamag-anak?"
"Yes sir."
"Can i know, who is it?" Muling tanong ni Devin.
"Sorry po sir, we don't give much information nang patient for there privacy. Hospital policy po kasi 'yun." Muling sagot nito.
Napahinga nang malalim si Devin at tumango, tumalikod na siya. "Ivy." Ang babae agad ang pumasok sa kanyang isipan, kaya mas lalu siyang nagalit at ngmamadaling lumakad para lisanin ang Hospital.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...