IVY
Chapter: 72
Mabilis ang mga hakbang nila mag asawa, agad na napansin nila si Devin at Caroline na naghihintay sa labas.
"Uncle." Agad na salubong ni Devin at yumakap. "Si lolo." Umiiyak nitong sabi
Kumalas si Damian. "Ano'ng sabi ng Doctor?"
Umiling lang si Devin. "Wala pa siyang malay." Muling iyak ni Devin.
Napahinga nang malalim si Ivy, pansin niyang umiiyak si Devin at ang lungkot sa mukha ni Caroline bigla siya napayakap sa sarili at naalala si Aiza, bakit pa tila nagkakasabay-sabay ngayon. Agad siyang tumingin kay Damian lalu nang pumasok na eto sa kwarto, pansin niyang sumunod si Caroline. Humakbang siya palapit nang tumunog ang kanyang cellphone, agad niyang kinuha ito at sinagot ang unknown number. "Hello?" Pero tila wala naman sumasagot sa kabilang linya. "Hello?" Naiiling na pinatay na lang eto, wala siya sa mood na makipag biruan.
"Okay ka lang ba Auntie?"
Napatingin siya kay Devin at tumango.
"I'm sorry about what happened to Aiza." Malungkot na sabi nito.
"Yeah, sobrang nakakabigla." Tugon niya at agad na lumapit sa pintuan.
"If you need a help, i'm willing... Para lang mahuli ang nasa likod nang krimen."
Huminto si Ivy at nilingon si Devin. "Why? Are you expecting na sinadya 'yun?"
Lumapit bahagya si Devin. "Yes, and i guess. Malapit lang siya sayo."
Napatitig lang si Ivy kay Devin, maya-maya ay binawi na niya ang titig dito at pumasok na sa loob.
Ngumiti si Devin nang pumasok na si Ivy, kagabi ay mas ginanahan siya habang nadidinig ang sigaw ni Aiza. Sinadya niya na paunahin ang mga tauhan sa tinutuluyan nito, para malinis ang pagkakagawa nang krimen. "You're next Monica." Bulong niya sabay talikod, wala na siyang pakielam sa babae natikman na din niya eto, ang mahalaga ay may bago na siyang laruan at 'yun ay si Caroline.
********
Pansin ni Ivy na hindi makatulog si Damian, agad siyang lumapit nang makita ito sa balkonahe at mabilis na yumakap mula sa likuran.
Ngumiti si Damian at humarap kay Ivy. "Hindi ka din ba makatulog?"
"First night ng burol ni Aiza pero maaga tayo umuwi para makapag pahinga, kaso hindi naman ako makatulog." Tugon ni Ivy. "Okay na ba ang Don?"
"Andun naman si Devin, sigurado ako na mababantayan niya ang Papa."
Tumango si Ivy at tumitig kay Damian. "It's okay lang kung di mo'ko masasmahan para harapin si Monica. Kailangan ko na talaga siya mapuntahan, para malaman ko kung sino talaga ang gumugulo sa isipan ko."
Huminga nang malalim si Damian. "Ivy."
"Please, hindi na ako tulad ng dati Damian. I'm much stronger than before." At hinaplos ang mukha nito.
"May tiwala ako sayo, pero mag iingat ka. Ipapasama ko na si Jose."
"Pa'no ka, wala kang kasama?" Pag aalala ni Ivy.
"Don't worry to me. Mas mahalaga ang kaligtasan mo at nang anak natin." Sagot ni Damian.
Ngumiti lang si Ivy at muling niyakap ang asawa.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...