IVY
Chapter: 48
Hindi umalis si Ivy sa tabi ni Damian, lalu nang gamutin ang tinamo nitong sugat sa ulo at balikat. Tuluyan ngang namatay si Greta, pero hindi si Devin, kasalukuyang ginagamot ito sa mga natamong sugat. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang pagkakatusok nito sa bakal, na hindi katulad ni Greta.
"Damian!"
Napatayo silang dalawa nang makita ang Don. "Papa." Mabilis niyang pinang harang ang sarili lalu at nakikita niya ang galit sa mukha nang ama.
"Where is Devin?! How's my grandson!" Bulyaw nang ama ni Damian at tumingin ng masama kay Ivy. "Ikaw! Nang dahil sayo nagkagulo ang lahat!" At akmang lalapitan.
Mabilis na hinarang ni Damian ang katawan niya. "Inosente si Ivy dito Papa." Sabat niya "Hindi ninyo siya magagalaw hangga't naririto ako!"
"Greta!" Sigaw ni Gregoria at nagmamadaling lumapit, nakita nito si Ivy at gustong sugurin. "Nang dahil sayo! Namatay ang anak ko!" Awat- awat itong nang mga nurse na kasama.
"Tumigil kayo! Alam ninyo ang ginawa nang anak ninyo! At walang alam si Ivy." Sabat ni Damian at hinawakan ang kamay nang asawa. "Bakit hindi ninyo sabihin sa Papa, na alam ninyo ang nangyari sa'kin, na alam ninyo na pukpukin ako ni Greta."
Lumingon ang Don kay Gregoria. "Anung ibig sabihin ni Damian?"
"Hindi tunay na anak nila Devin at Greta ang mga bata— ginawa lang ni Greta iyon para hindi hiwalayan ni Devin, at ang isa sa mga mabigat na katotohanan. Si Greta ay may gusto sakin Papa." Paliwanag ni Damian.
"Sinungaling!" Agad na sigaw ni Gregoria at masamang tumingin sa dalawa. "Nang dahil sa babaeng 'yan kaya nagawa ni Greta iyon! At ikaw babae ka, tama lang 'yan sa kalandian mo dahil nagmana ka sa iyong ina!"
"Huwag ninyo madadamay ang nanay ko dito, dahil hindi niya ginusto ang maki apid. Kung alam niyang may asawa ang lalaking minahal, sigurado ako na hindi mamahalin na inay ang asawa ninyo! At hindi lang 'yun, kung gusto talaga niya sirain kayo sana hindi siya umalis at lumayo!" Sabat ni Ivy at humarap. Kapag dinadamay talaga ang kanyang ina ay lalu siyang nagagalit. "Sabihin na ninyo lahat nang masasakit na salita, wag lang ninyo idamay ang inay ko."
"Ibig sabihin anak ka sa labas?" Ang Don at muling tumitig kay Ivy. "Damian, ganito bang klaseng babae ang papatulan mo at ihaharap sa Branson! Inuutusan kita na hiwalayan ang babaeng yan!"
"Hindi!" At hinawakan ang kamay ni Ivy. "Nasa tamang edad na ako para mag desisyon nang buhay ko, at si Ivy ang babaeng pakikisamahan ko." Hindi siya nagpapakita nang galit at tanging gusto pa din niya na maging kalmado.
Napatingin si Ivy kay Damian, pati sa kamay nitong nakahawak. Alam niya na wala na siyang makikilalang lalaking katulad ng asawa, nakita niya kung paano siya nito ipaglaban. Kaya nga mas nanaig ang pagmamahal niya dito, dahil nakikita niyang tunay talaga siyang mahal ni Damian.
"Nakakahiya ka Damian Branson!" Muling singhal nang ama at tumingin sa mag-asawa. "Hindi kita titigilan babae ka! Hangga't hindi ka humihiway sa anak ko!" Sabay talikod.
Masamang tumingin din si Gregoria sa dalawa lalu kay Ivy. "Hindi ako papayag na mamuhay ka nang masaya! Ipaghihiganti ko si Greta."
"Tama, nagmana nga si Greta sa kabaliwan mo." Si Damian ang sumagot. "At hindi din ako papayag na may masamang mangyari sa asawa ko."
"Pagsisihan mo Damian na sinaktan mo si Greta ko!" Matalim na tumingin si Gregoria kay Ivy. "Magbabayad ka." Sabay talikod.
"Hindi ako natatakot. Dahil alam ko na inosente ako." Si Ivy.
Hindi na sumagot si Gregoria at agad nang lumakad palayo.
Napahinga nang malalim si Ivy, at tila naupo. Mabilis na inalalayan siya ni Damian.
"Are you okay?"
Tumango si Ivy, akala niya ay si Greta lang ang kaaway niya ngunit eto at siguradong tutol ang ama ni Damian sa pagmamahalan nilang dalawa. "Natatakot ako na paghiwalayin tayo ng Don." Sabay kibit balikat.
Ngumiti si Damian at naupo sa tabi niya, kinuha nito ang mga kamay ni Ivy at hinawakan. "Walang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin, at hinding-hindi ako papayag na may mangyari sayo na masama ulit."
Napatitig si Ivy sa asawa at agad na niyakap ito. "Salamat Damian, at nar'yan ka."
"Nangako naman ako sayo, na hindi kita pababayaan. "Tugon ni Damian at gumanti nang yakap sa asawa.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomansaSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...