Chapter: 4

663 7 1
                                    

IVY

Chapter: 4

"Sir, hanggang kelan po ba bakasyon ninyo dito?" Tanong ni Mang Vicencio na siya din nangangalaga nang bahay Hacienda.


"Depende po iyon Mang Vicencio, alam niyo naman si Papa. Kapag walang abiso, hindi ako basta-basta makakabalik." Sabay upo niya sa gilid nang kama. "Malapit na pala ang tag ulan." Tugon niya at nilingon si Mang Vicencio. "Dapat pala na makaani na bago pa ulanin ang sakahan?" 

"Oo nga po, naghahanda na din ang mga tao natin about sa bagay po na 'yun." Tugon ni Mang Vicencio. "Maiwan ko na po kayo para makapagpahinga." At tumalikod na  para lumabas.

Napahinga nang malalim si Devin at saglit na sumandal sa headboard ng kama. Ngayon lang talaga siya nakarating dito, madalas kasi na sila Mang Vicencio ang lumuluwas para lang ihatid ang mga naiani nang kanilang mga tao. Nagpunta lang talaga siya dito para naman alamin ang kalagayan ng kanilang lupain. Saglit siya napatigil at tila naalala na naman si Ivy, para bang nanghihinayanh siya lalu sa itsura nito. Napakaganda at tila napaka inosente, para bang mahirap sa isang katulad nito sa palayan lamang nag ta trabaho. "Bakit kaya mas pinili niya ang maging magsasaka?" Bulong niyang tanong.


*******


"Ivy!" 

Napalingon siya kay Monica kaya siya huminto, pansin niyang palapit na eto sa kanya. "Bakit?" 


"Bakit ka ba umiiwas sa'kin?" Biglang tanong ni Monica

Nagtaka siya sa sinabi nito. "Hindi naman ako umiiwas, hindi talaga lang ako sana'y na makihalubilo." Nahihiya niyang tugon at napayuko.

Ngumiti si Monica at inangat ang mukha ni Ivy. "Uy, hindi porke't na galing ako ng maynila— mahihiya ka na sa'kin." Sabay abot niya nang supot kay Ivy. "Eto bigay ko sayo, bagay na bagay sayo 'yan. Tsaka, wag mo naman sayangin sarili sa bukid. Ang ganda-ganda mo kaya!" Nakangiting sabi nito.

Napatitig siya sinabi ni Monica, at tila namula siya sa pagpuri nito. "Salamat, at salamat sa bigay mo." Tugon niya.

"No worries. Sige maiwan na kita, basta suotin mo 'yan sa sayawan ahh. Di ba may sayawan sa isang gabi." 

Napatango si Ivy. "Pero— hindi ako mahilig duon."


"Anu ka ba? Nasa tamang edad ka na para mag enjoy, noh." At lumapit bahagya. "Basta hihintayon kita duon." Sabay kindat niya at natatawang tumalikod.


Naiwan si Ivy at tila pinagmasdan ang hawak niya, naiiling na tumalikod siya at nagpunta sa kanilang bahay. Wala ngayon ang kanyang ina dahil nasa bayan— agad na siyang nagtungo sa kwarto at kinuha ang nasa supot na bigay ni Monica. Pansin niya ang kulay rosas na bestida, tila ang harapan nito ay malalim at masyadong maikli. Napailing siya pero wala sa loob niya na hubarin ang suot niyang duster.


Agad na sumilip ang tatlong lalaki na malapit sa bahay nila Ivy, pansin nila ang nakabukas na bintana nito at ang paghuhubad ng damit. "Grabe ang sexy talaga niya." Wika nang isa

"Oo nga, tang'na kapag nagkataon talaga hahanap na tayo ng tyempo para makuha natin 'yan. Takam na takam na ako." Sabay marahan na hinipo ang kanyang pagkalalaki.

Napatango naman ang isa. "Basta unahan tayo." Tugon ng pangatlong lalaki.



Ngumiti si Ivy nang masuot niya ang damit na bigay ni Monica, sumobra ata ang sexy niya lalu  at hanggang hita lamang niya ang bestida, masyado din ito masikip na parang hinukab ang katawan niya at ang bandang dibdib ay tila mapapansin na masyado. 


"Buset, sobra talagang nakakatakam si Ivy." At di sadyang napaluhod kaya ang halaman ay gumalaw.

Napalingon si Ivy, at sumilip sa bintana, pero wala siyang nakita kaya mabilis na sinara ito at tumalikod.

Binatukan ng isang lalaki ang gumawa ng ingay. "Yan tuloy, nawala na pinapanuod natin." Inis nitong sabi.

"Sorry na." Sabay hawak nito sa ulo.

"Wag na kayo magtalo, di bale. May araw din si Ivy na 'yan." Nakangisi nitong sabi.



*******


Namamasyal si Devin nang araw na 'yun, tila naglibot siya sa Hacienda maging sa ibang lugar hanggang sa makarating sa may ilog, duon siya naupo sa may batuhan. Masarap talaga ang simo'y ng sariwang hangin, at tila nadidinig lang niya ang agos nang tubig. Nang makadinig siya nang tila tumatawa, napalingon siya at inunigan ang pinagmumulan. Hanggang sa tumayo na siya at hanapin iyon, na curious talaga siya hanggang sa makita ang pinagmumulan ng mga tawa. 

Nakaupo si Ivy at tila nakikipag laro sa mga bata na naglalaro sa ilog. Panay ang kanyang wisik ng tubig, at masaya na kasama ang mga bata na lagi niyang kasama kapag siya ay naglalaba. 

Napatigil si Devin sa nakitang ginagawa ni Ivy, bigla tuloy siya napangiti.

"Lagot kayo sakin!" Sigaw ni Ivy sabay muling wisik ng tubig.

"Ate Ivy, tama na!" Hagikgik ng batang babae at saglit na tumigil ng makitang may lalaki sa likuran nila. "Ate Ivy!"

Napatigil si Ivy at lumingon, mabilis siyang umayo at tila tinakpan bahagya ang kanyang katawan dahil bumakat na ang panloob niya anng mabasa siya ng mga bata— maliligo na din naman kasi siya kaya nagpakabasa siya. "Kayo po pala, sir Devin." 

"Sorry interupt, namasyal kasi ako. Sige ituloy niyo lang ang paglalaro ninyo." Tugon nito at tumalikod lumakad siya sa may di kalayuan at duon muling naupo.

Napatigil si Ivy at pansin niyang nakatalikod na ito sa kanila.

"Ate iVy, ang gwapo niya." Wika ng isang bata.

"Oo gwapo siya." Wala sa loob niyang naisagot.

"Uyyy si ate IVy!" Tukso ng mga eto.


Mabilis siyang lumingon. "Sssh, wag kayo maingay. Baka madinig tayo." Saway niya.

"Si ate Ivy, namumula." Muling tukso sa kanya sabay wisik ng tubig.

"Aba!" Natatawa siyang lumusong sa tubig at muling tinuloy ang kanilang laro.

Palihim na lumingon si Devin at nangingiting pinagmasdan si Ivy habang nakikipaglaro.



*********

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon