IVY
Chapter: 70
Tinanghali na nang baba si Ivy dahil na din sa matamis na pagpupuyat nilang dalawa ni Damian, agad niyang hinanap ang asawa. Araw naman kasi nang linggo kaya alam niyang sa bahay lang ito, depende na lang kung gusto nila mamasyal. Pagkadating sa sala ay nakita niya itong may mga kausap na pulis, bigla siya nagtaka kung bakit may mga alagad nang batas sa kanilang tahanan. "Damian." Tawag niya at lumapit.
Napalingon si Damian pati ang dalawang pulis na kausap nito.
Pansin ni Ivy ang ekspresyon nang mukha ni Damian, malungkot na tila namumula ang mga mata. "Damian, what's wrong dear?" Tanong niya. At tumingin sa mga pulis.
"Ivy, please..." Sabay hawak sa mga kamay ni Ivy. "Huwag kang mabibigla."
Napalunok si Ivy at tila nakatitig lamang kay Damian.
"Aiza was murdered last night."
Halos hatakin ni Ivy ang mga kamay sa asawa at tila napa atras. Na shock siya nang husto sa nadinig. Itinakip niya ang palad sa bibig, halos pigil ang kanyang boses pero ang luha ay hindi napigilan. Umiling siya, makailang ulit siyang umiling.
"Ivy, baka makasama sa baby. Please calm down dear." At hinawakan ang kamay ni Ivy. "Please.."
Napailing siya. "No, please tell us this is a big joke!" Sigaw niya sa mga pulis.
"We're sorry Mrs. Branson. May nakakits na naka bukas ang apartment niya, may dugo silang nakita kaya tumawag sila ng pulis. Ayon sa imbestiga, mukhang nilooban nang mga magnanakaw ang bahay ni Miss. Aiza Enriquez. Base na din sa mga nawawalang gamit nito." Paliwanag ng pulis.
Muling pumatak ang luha ni Ivy. "No, it can't be... " naiiyak niyang sabi at muling tumingin sa mga pulis. "I want to see her, please..." At nilingon si Damian. "I want to see her Damian." Hiling niya sabay yakap.
"Okay, pupuntahan natin siya." Bulong ni Damian.
********
Halos hindi pa din makapaniwala si Ivy sa balita, naging malapit at mabait si Aiza sa kanya. Ito ang unang babaeng nakilala niya sa opisina ni Damian nang pabilhan siya ng damit, ang nagturo sa kanya sa academics na pinapagawa ng kanyang Tutor. At ang taong tumulong para alamin ang mga kaganapan sa buhay niya noon.
Napahinto siya nang nakatapat na sila sa morgue, naghahalo ang takot at galit sa kanyang dibdib. Takot dahil ayaw niyang maniwala na patay na eto, at galit sa mga taong gumawa nito sa kanyang naging kaibigan.
"Ivy."
Huminga nang malalim si Ivy at tumango kay Damian. Nakita niyang binuksan nito ang pintuan at naunang pumasok, sumunod siya sa asawa. May isang doktor duon na tila naghihintay sa kanila.
Tulad niya ay ulila na di Aiza, mahilig talaga tumulong si Damian sa mga nag iisa sa buhay. Kaya sila ang kauna-unahang pinuntahan ng mga pulis. Napalunok siya nang lumapit sa bangkay na nakahiga at natatakpan ng kumot, lumapit na ang doctor at bahagyang ibinaba ang kumot.
Halos napakagat ng labi si Damian sa nakitang itsura ni Aiza, hindi niya mapigilan ang hindi maiyak.
Lumapit si Ivy, kitang-kita niya ang mga pasa at tila sugat sa mukha at katawan nito. Pansin din niya na labis itong nahirapan. "Can i know, how she died?" Tanong niya.
"Nagtamo siya nang mga bugbog at halos labing dalawang saksak sa katawan, nakita din siya nakatali at may busal sa bibig. Hubo't-hubad na tila ginahasa—"
"Enough please..." Sabat ni Damian at hinawakan si Ivy, "Baka makasama sayo ang pag iisip Ivy."
Umiling si Ivy, naalala niya noong isang araw ay masaya silang kumain sa labas at nagsabi na gusto mag ninang sa magiging anak nila. "Alam ko na hindi mahina ang loob ko Damian, kaya sigurado na kakapit ang anak ko." Tugon niya at nilingon si Damian.
"Maiwan ko po muna kayo." Wika nang Doctor at lumabas.
"Ivy."
"I know, na sinadya patayin si Aiza." Sabay piglas niya para makawala sa pagkakahawak. I Damian.
Napakunot ang noo ni Damian. "How could you say?" Tila takang tanong nito.
"I know... Dahil may inutos ako sa kanya, at sigurado ako. Maalin man sa dalawa ang kalaban ko." Tugon niya at tumalikod
"Ivy." Habol ni Damian.
Huminto si Ivy at bahagyang nilingon ang asawa. "I'm not done yet." Sambit niya at muling pumatak ang luha. "Kailangan ko puntahan ang pinagawa ko kay Aiza." At humakbang.
"Then i'll go with you." Sabay muling hawak niya sa braso ni Ivy at pinaharap ang asawa. "Hindi ako papayag na mapahamak ka."
Napatitig si Ivy sa asawa.
"Si Aiza ang namatay, parang kapatid ko na siya." Sabay patak ng luha ni Damian. "At kung totoo nga na sinadya ito, hindi ako papayag na hindi makuha ang hustisya."
Napasinghap si Ivy at tumango, sabay hawak sa palad ni Damian.
"Let's do this together dear." Dagdag ni Damian.
Ngumiti ng pilit si Ivy, talagangas lalu lang siya lumalakas dahil nasa tabi niya si Damian, at ngayon parehas nila hahanapin ang katotohanan.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomansaSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...