Chapter:71

169 2 0
                                    

IVY

Chapter: 71

"Saglit!" Sigaw ni Luna, naiirita siya dahil tanghaling tapat at tila kanina pa tumawag ng tumawag ang bantay sa kanya. Mabilis na niyang hinawi ang kulay pulang makapal na kurtina at napatingin sa mga dalawang bulto na ngayon lang niya nakita.

"Mama Luna, may importante daw sila sasabihin sayo." 

Nilingon niya ang isa sa mga babae niya na may naka sando at tila walang suot na bra, maikli din ang short nito na maong at halos nakikita na ang mga tinatagong pisngi. "Pumasok ka na nga duon, lumalandi kapa." Inis niyang sabi, dahil pansin niya ang panay pa-cute sa lalaking naka fitted na t-shirt at sumbrero. Napatingin din siya sa babae na naka pormal na damit, at tila ang walang emsoyon ang mukha. "Ano'ng maipaglilingkod ko?" 

"Kilala mo si Monica, hindi ba?" Tila tanong ni Ivy 

Nangunot ang noo ni Luna. "Anu naman kung kilala ko?" Mataray nitong tanong at itinaas ang kilay.

Lumapit si Ivy at sinakal eto sabay dikit pader...

"Dear." Tila saway ni Damian.

"Pa-pa-patayin mo ba ako!" Sigaw ni Luna, na halos masindak nang idikit siya nito sa pader, pero maya-maya ay lumuwag din ang nakahawak sa kanyang leeg.

"Namatay ang kaibigan ko after niyang mag imbestiga dito, it means... May nakakaalam na talagang pinapunta ko siya dito." Tila gigil pa din si Ivy at nangangatal ang buong katawan sa galit.

"Di ko alam sinasabi mo, at bitiwan mo'ko bruha ka!" Sabay alis nang kamay nito, tumingin siya maigi sa babae. At tila naalala niya ang mukha nito. "I-ivy?" 


"Buti naman at naaalala mo'ko." Tugon ni Ivy.

"Kaya mo pala tinatanong si Monica? Aba, mula masira ang mukha niya lumayas na siya... Di ko alam kung bakit siya sinabuyan nang lalaki ng asido."  Daldal nito at tila nakahawak sa leeg.

Nagkatinginan silang dalawa ni Damian. "Lalaki?" Ulit na tanong ni Ivy. "Akala ko, ikaw ang sumira sa mukha niya, dahil sa pagtakas ko?" 

"Ano?!!!! Di ko gagawin 'yun noh, tsaka malaki ang kabayaran mo. Kahit nagbigay ako nang sampung libo kay Monica, hindi kita hahabulin." Mataray nitong sabi. "Pero—" putol nito at muling tumingin kay Ivy. "Pinahabol kita, para mapunta ka sa kalsada, tulad nang utos lang sakin nang gabing 'yun. Para daw maaksidente ka at mamatay sa kalsada, akala ko talaga patay ka." Nagulat ito nang lumapit naman ang lalaki.

"Baka gusto mo mauna ka?" Wika ni Damian na tila nanggigil na sa pagiging matabil ang bibig ng baklang kausap. "Sino ang lalaking nag utos sayo?" 

Napalunok si Luna. "Hindi ko talaga siya kilala, pero gwapo siya..." May takot ang boses nito. "Isang beses ko lang talaga siya nakita, noong sinabuyan niya ng asido si Monica, pero hindi ko alam pangalan niya." 

Napabuntong hininga si Ivy. "Sigurado ka?" 

Tumangon si Luna. "Side view ko lang siya nakita noon, pero alam ko na gwapo siya. Kung ako sa inyo, si Monica na lang  talaga tanungin ninyo. Kasi ako, binayaran lang ako... Promise!" At lumuhod na eto.


Lumapit na si Damian kay Ivy.

"We have no choice, kundi ang dalawin si Monica." Ani ni Ivy at muling tumingin kay Luna. "At ikaw wag kang magdiwang na balewala na ang lahat para sa akin. Dahil hindi pa ako tapos, sa ngayon, ako na may ari nang club mo." Tugon niya at tumalikod.

Tila napanganga si Luna sa nadinig at napatayo, hindi siya makapaniwala na ang isang baliw ang nakabili ngayon nang nalulugi niyang club. 


Agad nang sumakay sina Damian at Ivy sa kotse. Nang tumunog ang cellphone ni Damian. "Yes?" 

Nakatingin lang si Ivy kay Damian


"What! Okay, papunta na ako." Agad nang pinatay ni Damian ang cellphone.

"Why?" Tanong ni Ivy.

"Dinala si Papa sa Hospital, bigla daw inatake." Sabay lingon kay Ivy. "Ihahatid na muna kita sa bahay."

"No, sasama na ako." Sabya hawak ni Ivy sa kamay ni Damian. "Please, be calm magiging okay din ang Don." 

Tumango si Damian at agad nang pinaandar ang kotse.



**********


#AuthorCombsmania


IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon