Chapter:91

228 1 1
                                    

IVY

Chapter: 91

Nakakabingi ang paligid, halos hindi umiimik si Devin sa kanyang kinauupuan. Kulay puti lamang ang nakikita niya wala siyang makita, kahit bintana ay wala sa kwartong iyon. Naramdaman niyang bumukas ang pintuan at may pumasok, pero hindi siya umiimik. 

 Natawa lang ang lalaking bantay at nilapag ang pagkain nito, lumapit siya kay Devin at tila may kinuha sa kanyang nakasukbit na bag, nang malaglag ang magazine niya mula sa likuran.

Napatingin si Devin sa magazine, nakita niya ang mukha ni Ivy at ni Damian at mas lalu siya napatitig nang makita ang hawak na sanggol nito. Nakaramdam siya nang kakaiba sa kanyang ulo, para bang bigla ito sumakit kaya siya napahiga.

Nataranta ang lalaking nurse kaya mabilis na nilapag ang gamit sa sahig at agad nitong hinawakan si Devin.

Unti-unti na naalala ni Devin ang lahat, maging ang mga naganap sa kanya. Napadilat siya at mabilis na kinuha ang gamit ng nurse sabay hatak nang injection at itinusok sa binti nito.


"Aggghh!!!" Sigaw ng lalaki at napaluhod.

Ngumiti si Devin at kinuha pa ang dalawang panturok sabay tusok niya sa magkabilang sentido nito hanggang ang laman ay maubos...  

Bumagsak ang katawan nang lalaki na halos dumudugo ang mga mata , ilong at teynga. 

Napatitig si Devin dito, ay hinatak ito.


******

Sinuot ni Devin ang sumbrero at nakalabas siya nang walang nakakaalam na kahit sino, ginamit niya ang damit at ID nang lalaking napatay.  Iniwan niya ito sa kanyang kwarto at muling kinuha sa bag ang magazine, binasa niya ang nakalagay duon. "Tila nag celebrate na sila after nilang baliwin ako." Galit niyang sabi at nilukos ang magazine. "Humanda kayong dalawa." Bulong niya.



********


"Yaya, bakit patay pa ang ilaw?" Sigaw ni Caroline, pagkapasok ay agad siyang lumapit sa switch para buksan. Pero tila pundido ang ilaw sa sala. "Yaya?" Tawag niya at biglang may natapakan, napaupo siya at nakita ang tila paa na naroroon, napalunok si Caroline lalu nang maramdaman niya ang likido sa kamay. Napatingin siya at tila inilawan ito, ngayon ay nakita na nang dalawang mata niya ang dugo na at nagkalat sa sahig, pati ang bangkay nang katulong niya. Napa atras siya ngunit agad na may humawak sa buhok niya at hinila siya. "Agghhh!!!" Sigaw niya habang sabu-sabunot ang kanyang buhok. 


"Ano masakit ba?" 

Napatigil si Caroline nang makilala ang boses nito, agad siyang itinayo nang lalaki at pilit na pinaharap. "De-Devin." 

Ngumisi si Devin at itinutok ang kutsilyo na hawak. "Nag enjoy ba kayo?" 

Napalunok si Caroline. "A-akala ko..."

"Akala mo ano?!" Sigaw nito at muling nilapit ang kutsilyo sa leeg ni Caroline. "Nasaan sila?" 

Umiling si Caroline. "Hindi ko alam." Muling hinila ni Devin ang kanyang buhok kaya tila nababanat ng husto ang leeg niya. "Aaghhh!"

"Hindi mo talaga alam?" Muling tanong ni Devin.

"Hindi ko sasabihin." Sabay dura niya kay Devin.

Natawa lang si Devin. "Masyado kang tapat sa Presidente mo." At nawala ang ngiti niya.

Halos manlaki ang mga mata ni Caroline nang bumaon ang kutsilyo nito sa kanyang leeg. Agad na sumirit ang dugo, pero tila hindi pa nakuntento si Devin at tinuluyan na gilitan ang leeg niya.

Binitawan na ni Devin ang katawa ni Caroline. "Hindi na ako natatakot, at lalung hindi niyo na ako maiisahan." Sabay kuha niya sa bulsa nito nang cellphone. Ginamit niya ang kamay ni Caroline para gamitin na pang open sa cellphone nito, nakita niya na may messages si Damian dito. Muli siyang napangiti lalu at nabasa niya kung saan naroroon ang mga ito ngayon. "Tama si Ivy, Hide and seek kami. Ngayon, kayo naman ang huhulihin ko." Sabay tawa niya at tumalikod na.


**********

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon