IVY
Chapter: 58
Halos kanina pa nakahain ang pagkain, pero wala pa si Damian, tila hindi din nasagot ang mga messages at tawag niya dahil naka off ang cellphone nito.
"Baka busy si Uncle."
Napalingon siya kay Devin at pinilit ngumiti. "Baka nga, ahmm sayang lalamig ang mga pagkain. "
"Pwede naman tayo mag start na kumain, malay mo bigla dumating si Uncle."
"Sabagay, please help yourself." Wika ni Ivy at tila tahimik na kukuha nang kanin, nang kuhain iyon ni Devin.
"Ako na." Prisinta nito.
Ngumiti muli si Ivy, at hinayaan na si Devin na maglagay nang kanin niya. Sinunod nito ang paglalagay nang ulam.
"Dear!" Sabay pasok ni Damian at nakita si Devin na halos inaasikaso si Ivy.
Agad na ngumiti si Ivy at tumayo. "I thought na hindi ka makakarating." Salubong niya at humalik sa labi nito.
"Sorry, nakapatay kasi ang phone ko, isa pa nasa meeting ako kanina." Sagot ni Damian at tumingin kay Devin. "Gladly you awake, kelan kapa lumabas?"
"Noong isang araw. Tamang-tama ang pagdating mo, kanina pa namin pinagtulungan ni Ivy ang pananghalian." Tugon ni Devin.
"Really?" Tila nangunot ang noo ni Damian.
"Nagprisinta kasi siya na tulungan ako, sabi ko nga huwag na at baka mabinat siya." Sabat ni Ivy. "Halika na, kumain na tayo..." Yaya muli ni Ivy at hinila na ang kamay ni Damian.
Ngumiti si Damian at naupo na din sa hapag-kainan. Pansin niya ang pagiging magiliw ni Devin sa asawa, pero tila binalewala niya iyon. Kung tutuusin ay malaki pa din ang utang na loob niya sa pamangkin. "About last time Devin, gusto ko pa din magpasalamat." Wika niya at hinawakan ang kamay ni Ivy.
Napatingin si Devin sa dalawa, lalu sa mga kamay na magkahawak.
"Salamat, at niligtas mo kami— isa pa sorry kung hindi na kami nakapunta sa Hospital, you know Papa." Wika ni Damian.
Ngumiti lang nang tipid si Devin. "It's alright Uncle." Sabay titig kay Ivy. "I hope both of you have a great life."
"Of course Devin, lalu sa ngayon na magkaka baby na kami." Sabay ngiti ni Ivy.
"Baby?" Tila tanong niya,
"Yes, Ivy is pregnant. And i will be soon to be father." Si Damian at ngumiti.
Ngumiti na lamang siya, ngunit naroroon ang selos sa kanyang dibdib. Bakit ngayon ay hinayaan ni Ivy na magbuntis. Wala na ba talaga siyang puwang sa puso nito? Napilitan siyang inumin ang juice na katapat niya, parang manunuyo ang lalamunan niya lalu sa paglalambing ni Ivy sa kanyang Uncle. Ang pag aasikaso nito na noon ay sa kanya ginagawa. Kelan pa nangyari ang lahat nang ito?
"Devin, are you okay Iho?"
Napukaw ang iniisip niya nang magtanong ang kanyang Uncle. "Yes Uncle, ahmm congratulations sa inyong dalawa ni Ivy."
"Thank you." Tugon ni Ivy at muling kumain.
"Kung gusto mo, dito ka na magpalipas ng magdamag. Ipapaayos ko ang guest room." Muling saad ni Damian.
"Sure Uncle, para naman ma enjoy ko na kasama kayong dalawa." Tugon niya at ngumiti muli sa mag asawa.
********
Ngumiti si Gregoria nang makita ang mga litrato na hawak niya— lihim din niya na sinusubaybayan si Caroline at sa mga pasimple na plano nito, at lahat nang magagandang eksena at anggulo ay napakuhaan niya nang larawan. "Ewan ko lang kung hindi magalit si Ivy kapag nakita ang mga eto." Ngiti niyang sabi at tumingin sa taong kinuha niya.
"Ma'am duon po yata matutulog si Master Devin, at isa pa po ay nalaman ko din na buntis si Ma'am Ivy."
Nilingon niya ang inutusan niya at naningkit ang mga mata. "Hindi dapat siya tinatawag na Ma'am dahil sampid lang siya, maging sa pamilya ko. Isa lang siyang hampaslupa. " inis niyang tugon. "At ngayon buntis pa ang babaeng 'yun, dapat na pahirapan natin damdamin niya. Ewan ko lang kung saan pa siya pupulutin. " sabay ngiti niya at inabot na ang sobre na may lamang pera. "Huwag mo aalisin ang mga mata mo kay Damian, kailangan natin maka-kolekta nang madaming larawan, para mas doble pa ang maging sakit ni Ivy kapag nagkataon."
"Masusunod po." Tugon nito at tinanggap ang pera sabay talikod.
Naupo na si Gregoria at pinagmasdan ang picture ni Greta, pumatak ang luha niya. "Hindi ako papayaga na maging masaya ang babaeng 'yun! Sinusumpa ko!" At hinaplos ang frame nang kaisa-isang anak.
***********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...