IVY
Chapter: 84
Nilapag ni Ivy ang kanyang baso na may lamang juice, muli siyang napatingin kay Damian. Hindi niya akalain na may resthouse si Damian sa bayan malapit sa San Isidro. "Well, medyo curious pa din ako sa lahat nang nagyayari?"
Ngumiti si Damian at tumayo, lumapit siya sa nakatayong Caroline at hinawakan ang kamay nito. "Dear meet Caroline Herra, my Bestfriend."
Napatigil si Ivy at napatingin sa dalawa. "Bestfriend?"
Ngumiti si Caroline. "Yes deae Ivy."
"She was a actress from theater, mga live musical theater sa state. Kaya magaling siya umarte." Paliwanag ni Damian.
"You mean?" Hindi makapaniwala si Ivy.
"Yes Ivy, lahat nang nakita mo ay palabas lamang. At lahat 'yun ay pagpapanggap ko sa utos ni Damian." Sabay tingin kay Damian. "Pinauwi niya ako sadya dito, nang malaman niyang buhay pa si Devin, at dumiretso ako kay Uncle Alfonso, para magkunwari na paghihiwalayin ko kayo."
"May nakita kasi ako na katulad nang gamot sa mga gamit ni Devin, gamot na katulad sa iniinom ni Kuya Gustavo noon. Nabuo ang curiousity ko, at para mapaamin sa mga ebidensya si Devin. Pinag aralan ko ang gamot at itinanong." Sabat ni Damian. At bumuntonghininga. "Ang gamot ay lason, at ang buong akala namin ay gamot 'yun."
"My god." Naisambit ni Ivy.
"Mula nang malaman ko na gusto din makipag sabwatan ni Gregoria kay Papa para paghiwalayin tayo gamit si Caroline at Devin ay mainabuti ko na i-secure ikaw. Lalu at buntis ka na, kaya ginamit ko si Caroline. Mula sa party na pasimpleng bigay niya ng mga maliit na notes." Muling paliwanag ni Damian.
"And sorry Ivy, kung wala ako nagawa about Aiza. Wala talaga akong ideya na siya 'yun." Malungkot na sabi nito.
"Teka, pero— paano nasali si Gregoria dito? Kung sobra ang galit niya sakin?" Tila tanong ni Ivy.
Nakatinginan sina Damian at Caroline.
*******
"May meeting ka mamaya." Wika ni Caroline at nilapag na ang papel.
Tumayo si Damian, lumapit si Caroline at pasimple na humawak sa kanya para ilagay sa bulsa ang papel na ginawa niya.
"Mag ingat ka." Bulong ni Caroline, alam niya kasi na may mata si Devin sa opisina.
Tinulak ito ni Damian at naiiling na kinuha ang papel. "You're fired!" Singhal niya at lumabas.
Mabilis siyang nagtungo sa elevator, at kinuha ang nasa bulsa.
Caroline:
Puntahan mo si Gregoria sa mall, nasa second floor, sa women's wear may importante siyang sasabihin sayo.
Basa ni Damian at mabilis na nilukot ang papel at ibinulsa na.
*****
Tulad nang nasa sulat ni Caroline ay nagmadali na siyang magpunta sa sinasabi nito. Nakita niya si Gregoria. Kaya agad na siyang lumapit. "Ano'ng kailangan mo?" Pasimple niyang tanong habang kunwari ay naghahanap ng damit.
"Si Devin ang may kasalanan ng lahat, dinamay niya lang si Greta." Sagot nito at huminto. "Pinatay niya ang kapatid mo, at plano niya na patayin ka. Gusto niya makuha ang Branson, kaya siya nag Vice President."
Huminga nang malalim si Damian. "Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat nang eto?"
"Gusto ko maghiganti, dahil sa nangyari sa anak ko. Pero alam ko na wala din kasalanan si Ivy, alam ko na naging sobra akong makasarili, pinahirapan ko silang mag ina." Pumatak ang luha nito. "Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na maibabalik si Greta at Iñigo, dahil mas mahal ni Iñigo si Zeny."
Napabuntonghininga si Damian.
Tumingin si Gregoria kay Damian. "Magkita tayo sa Restaurant, alam ko na anumang oras ay susundan ako ni Devin. Nalaman ko na pasasabugin niya ang kotse mo, kaya sana mag ingat ka." At tumalikod na eto.
Agad na kinuha ni Damian ang kanyang cellphone. "Yes, it's me... Please, i need a car na katulad nang ginagamit ko. Thank you." At pinatay na ang cellphone.
****
Tulad nang kanilang plano ay mabilis nagpunta si Damian sa sinabi ni Gregoria, nagkunwari siyang hindi nakikinig dito hanggang sa lumabas. Alam niyang naroon si Devin at nakita siyang sumakay, pero mabilis siyang lumabas sa kabila. Ginamit niya nang automatic ang kotse para umandar ito mag-isa. Nagtago siya at nakita niya si Devin lalu nang sumabog ang kotseng gamit niya, napahinga siya nang malalim. Hindi ito ang tunay na kotse kundi ang replika na bago niyang bili. Nakita niya si Devin na tumatawa— tila hindi siya makapaniwala.
Agad siyang nagtungo sa Hospital, at pinagmasdan ang ama. Kinausap niya din ang Doctor at ibinigay ang kanyang mga gamit, pinaghanap niya ang mga eto ng sunog na katawan. Para magkunwari na siya talaga ang namatay.
Kahit nasasaktan siya na nakikita si Ivy ay kailangan niya magtiis. Lalu nang gabi na nakita niya si Devin na may balak nang masama sa kanyang ama kaya pinapunta niya ang nurse para lang maasikaso ito at mapaiwas kay Devin.
Nagbigay siya nang utos kay Caroline para magsulat ito at itakas ang ama niya, maging ang pag iingat ng asawa niya kay Devin. Pero hindi naman siya umaalis sa tabi ni Ivy kahit palihim at natutuwa siya na mas naging matapang ito.
*******
Muling pumatak ang luha ni Ivy at yumakap kay Damian.
"Exite muna ulit ako." Paalam ni Caroline.
Natawa lang silang dalawa at nagkalas sa pagkakayakap. "Salamat Damian, at buhay ka talaga."
"Salamat din, at mas lalu mong tinatagan ang sarili mo." Tugon ni Damian at hinaplos ang buhok niya.
"Pero— nakakulong si Gregoria, dahil sa kanya nakaturo ang mga ebidensya?" Wika ni Ivy.
"Ginawa talaga namin 'yun, para maging safe siya." Tugon ni Damian
"Oh my..." Sambit ni Ivy at hinalikan ang labi ni Damian.
Saglit lamang ang kanilang pinagsaluhan na halik at muling humiwalay siya dito.
"Isa na lang ang kailangan natin harapin, at si Devin." Sambit ni Ivy.
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...