Chapter 8

1.4K 23 0
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| E I G H T ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Hoy, Zayara!"

"Ay, Chance mahlabs! " Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang hampasin ni Lesley ang armchair ko. Bw!sit talaga ang isang 'to. Balak niya ba akong patayin sa gulat? Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Katabi niya si Beatrix na nakatayo sa harapan ko at tinatawanan ako. T@ng!na talaga ng mga pakshet na 'to, problema ba nila?

"Ano ba, ha? " Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at inirapan. Nagkatinginan naman silang dalawa at saka muli na naman akong tinawanan. Ha! Anong nakakatawa? Mukha ba akong clown at tuwang-tuwa silang dalawa sa akin? Like duh, sa ganda ko namang 'to, pang clown lang ako? Never in he!l I will accept that, tsk.

"Mukha kang t@nga kanina, 'lam mo ba yun? " natatawang aniya ni Beatrix at sabay na naman silang tumawa. Aba at mukha daw akong t@nga? Siraulo to ah. Siya nga mukhang butiki eh, hmp!

"Problema niyo ba? Panira kayo ng moment eh, nagdi-daydream ako rito eh. Mga pakshet talaga kayong mga gurang kayo, tsk. " Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at ngumuso. Mga panira tong mga ito eh. Iniimagine ko pa naman na liligawan daw ako ni Chance tapos syempre, dahil marupok ako, naging kami agad. O diba, gising na gising pa ako pero nananaginip na ako.

"Daydream, na ano? Na magiging kayo ni Chance? Friend, alam mo, wag ka nang umasa, wala kang CHANCE dun, te. " Lalong sumama ang timpla ng mukha ko, and later on, I act like a child crying. At ang mga bruha, lalo lamang lumakas ang tawanan.

"Ewan ko sa inyo, bala nga kayo dyan, hmp! " Tumayo na ako at kunwari ay nagtatampo na naglakad papalabas ng classroom. Patuloy pa rin ako sa pag-iiyak iyakan ko nang may bigla na lamang akong nabunggo kaya na-out balance ako at napaupo sa sahig. Na panguso ako at parang bata na umiyak.

"Waaaa, ang sakit-sakit! " iyak ko sa kalagitnaan ng hallway. Wala akong pakealam kung maraming nakakakita sa akin at least alam kong maganda pa rin ako. Pero pvta, ang saket ng pwet ko!

"Hey, are you okay? Why the fvck are you crying? D@mn, hush now, slave. What's the matter? " Napatigil ako sa kaartehan ko nang marinig ang boses ni Davon. Nag-angat ako ng tingin at tama nga ako, siya nga ang bw!sit na bumunggo sa akin.Nakasquat siya sa harapan ko at nakahawak sa balikat ko like he's checking me if I'm okay.  Kasama niya ang mga kampon niya at pare-pareho silang nakajersey. Perhaps, galing na naman sila sa practice. Malapit na kase daw ang laban nila with other school so naghahapit sila ng practice although hindi naman na nila kailangan. Hindi naman sa nagmamayabang pero magaling talaga ang basketball team ng school namin which is the Red Warriors.

"Parang t@nga 'to. Kita mo na ngang nakasalampak ako dito, magtatanong ka pa kung okay kang ako?" singhal ko sa kaniya at inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nagtawanan ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko. Mas lalong humaba ang nguso ko, mukha ba talaga akong clown? What's wrong with them at tuwang-tuwa sila sa akin?

"Tss, sorry okay? " Napairap lamang ako sa kaniyang sinabi at hindi na nakaangal nang hilahin niya ako patayo. Ngunit nanlaki ang mga mata ko at naalerto nang bigla na lamang lumapit ang mukha niya sa akin. Maya-maya ay bigla na lamang siyang bumulong sa tenga ko.

"Kita yung panty mo. " Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Tila lahat yata ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Tinulak ko siya palayo sa akin at sinamaan ng tingin.

"Bastos! " sigaw ko pa sa kaniya bago nagtatakbo palayo. Ilang saglit pa, sa kakatakbo ko yata ay namalayan ko na lamang na nakarating ako sa girls CR. Ako lamang ang naroroon at wala nang iba. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin at hindi nga ako nagkamaling namumula ang mukha ko. Nararamdaman ko rin na umiinit ang pisngi ko. Pakshet talaga yung Davon na yun, how dare he? Arg, nakakahiya, siya pa talaga ang nakakita ng underwear ko, well sino ba ang gusto ko? Arg, basta, pang ilang kahihiyan ko na ba ito this day? Mukhang kasama ko na naman si kamalasan waaah!

Pagkatapos ng halos ilang minutong pakikipag titigan ko sa repleksiyon ko sa salamin ay inayos ko na ang sarili ko. Ilang saglit ay naisipan ko nang lumabas ng Girls CR. Siguro ay nasa cafeteria na ang mga bruhilda kong kaibigan. Ganun nga ang ginawa ko, dumeretso na ako sa cafeteria at tama nga ako na naroroon na sila. Kumuha muna ako ng pagkain bago ako naupo kung saan naroon sila.

"Oh, san ka galing girl? " Sinulyapan ko si Lesley sa kaniyang tanong. Pati si Beatrix ay naghihintay sa sagot ko at hindi pa nakalagpas sa paningin ko ang multo ng ngiti sa kanilang labi. Sigurado akong nakita nila iyong nangyari sa amin ni Davon sa hallway kanina at tiyak na ginagawan na naman nila iyon ng issue. Mga kampon yata sila ni Marites.

"Sa Mars, hinanap ko yung nawawala kong aso. " Nagkatinginan silang dalawa at tinawanan ako. Ayan na naman, tumatawa na naman ang mga kampon ni S@tanas.

"Oh, nakita mo ba? " tanong ni Beatrix. Napangisi ako sa naging tanong niya matapos kumain ng fries ko.

"Oo, kaharap ko, dalawa pa nga eh. " Napa kunot parehas ang mga noo nila bago nagkatinginan. Nang makuha siguro nila ang sinasabi ko ay sabay nila akong inirapan.

"G@GA! " sabay pa nilang aniya.

PAGKATAPOS ng breaktime namin ay bumalik na kami sa classroom. Kung pwede lang, deretso uwi na sana ako. Eh pano, si Ms. Layla pa naman yung next teacher namin. Naku eh dinaig pa nun yung tigre, parang sasakmalin ako. Ewan ko nga kung bakit mainit dugo nun sa akin eh. Though hindi lang naman ako yung pinapagalitan niya pero napansin ko lang, palaging ako yata nakikita niya. Konti nalang, iisipin ko nang insecure siya sa kagandahan ko eh. Well, masisisi niyo ba ako, eh noong umulan ng kagandahan, nagtatampisaw ako sa labas ng bahay.

At the end, kahit labag sa napakagandang kalooban ko ay pumasok kami sa next class. Kahit ang mga aso este ang mga kaibigan ko ay ayaw rin kay Ms. Layla pero wala kaming magagawa, teacher namin eh. Pagkapasok sa classroom ay naupo na agad kami sa designated area namin.

Nasa kalagitnaan kami ng paghihintay kay Ms. Layla nang biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ng skirt ko at nakita ang un registered number. Sino naman 'to? Out of curiousity, I answered the call.

"Hello? Who's this? " tanong ko nang ilapit ko sa tenga ko ang speaker ng phone ko.

[Hey, slave, I'm here at the gym. ] Based on the name he calls me, tiyak kong si Davon ang nasa kabilang linya. Nalukot ang noo ko, eh ano ngayon? Pakealam ko kung nasa gym siya? Kahit nasa outerspace pa siya, wala akong pake. Bw!sit, is he planning to ruin my mood na naman?

"Pakealam ko? Problema mo ba at may patawag-tawag ka pang @nimal ka? Saka saan mo nakuha number ko? Ha? " inis kong singhal sa kaniya. Paano niya nga ba nakuha ang number ko? Nung nakaraang araw may nagmessage rin sa akin na un registered number. Nakapagtataka naman, saan nila nakukuha number ko?

[ Slow down with your words, my slave. Baka nakakalimutan mo, ALIPIN kita so once I called you, dapat sumunod ka. And about your number? I have my own ways. Pumunta ka sa gym, may ipapagawa ako sa'yo. ] And we that, he ended the call. Ang kapal ng mukha na pagbabaan ako, mamaya talaga siya sakin.

"Saan ka pupunta? Baka paparating na si Ms. Layla, naku yari ka na naman dun, " wika ni Lesley nang tumayo ako dala ang bag ko.

"Hayaan mo na yung gurang na yun. Sige na, may gagawin lang ako, bye bye! " Hindi ko na sila hinayaang magsalita pa at lumabas na agad ako ng classroom. Hindi bale nang makita ko na naman ang kupal na yun, basta hindi lang ang pagmumukha ng tigreng gurang na yun.

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon