Chapter 47

895 19 3
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| F O R T Y - S E V E N ||

Y A R A 's P O I N T O F V I E W

IT'S 7:35 PM nang bumaba kami sa hotel para magtungo sa may poolside. Doon raw kami magdi-dinner. Hinati kami by department dahil may kaniya-kaniya kaming putahe ng pagkain. Sa bawat department ay may naka-assign talaga na magluluto tonight at bukas and sa next night ay iba naman. 6:00 PM pa lamang kanina ay nagsimula na silang magluto and good thing, hindi ako kasama. Syempre, pagsisisihan talaga nila na i-assign ako sa pagluluto ano. Baka imbes na deep fried chicked ay baka deep roasted chicken ang maluto ko. Parang yung nangyari sa amin ni Chance. Wait, speaking of him, hindi ko alam kung nasaaan ang lalaking yun.

Gumawa sila ng buffet by department para makapila ng maayos at makakuha ang lahat. Stand-by lang muna kami nila Ley sa gilid, panghuli daw kase yung magaganda—char. Pumila na rin kami nang konti na lamang ang nakapila. Kumuha lang ako ng kaya kong kainin saka isa pa, busog ako. Bago kase kami bumaba nila Bea ay nilantakan pa namin yung chocolate na dala ni Ley so ayun. Bale tama na muna yung kaunting rice, pork adobo, and yung buttered shrimp. Naghanap kami ng map-pwestuhan at sa kasamaang palad, isa na lamang ang bakante.

"Doon ka muna kila Captain maki-share. Doon kami ni Ley kina Cy."

Aangal pa sana ako at sasama sa kanila pero wala na akong nagawa nang mabilos silang umalis. At isa pa, wala dalawa na lang ang bakante sa table nila Cy. Napatingin ako sa nag-iisang bakanteng upuan sa table nila Davon,  kasama niya roon sila Yoshi and his other friends. Bale lima sila sa table at kung magkataon ay pang-anim ako. Abala sila sa pag-uusap tungkol sa kung ano ngunit nang mapansin nila ako ay naputol iyon. Hindi ko alam ang gagawin at tumayo lamang sa pwesto ko. Kalaunan ay itinaas ni Yoshi ang kamay niya at sinenyasan ako na maupo sa tabi niya. Kung uupo ako roon ay mapapag-gitnaan nila ako ni Davon.

"Zayara, sige na, para ka namang others. Dito ka na maupo," ika pa ni Yoshi na sinang-ayunan nilang lahat except Davon. Napakagat ako sa ibabang labi at nag-aalangang naglakad patungo roon para maupo. Tila biglang lumamig ang paligid nang maramdaman ko sa tabi ko ang presensya ni Davon.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang tahimik lamang kaming pareho ni Davon. Tila pareho kaming ayaw kibuin ang isa't isa. Masaya ang pinag-uusapan nila pero para kaming pinaglalamayan ni Davon dito. Halos hindi ko na malunok yung kinakain ko dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa akin. Nung una ay ipinagsawalang-bahala ko lang iyon pero kalaunan ay hindi ko na napigilang lingunin si Davon. Sabi ko na nga ba at tama ako.

Nakasandal siya sa inuupuan niya at nakakrus ang mga braso habang seryosong nakatingin or should I say, nakatitig sa akin. Sinubukan kong labanan ang nga titig niya pero ako rin ang kusang sumuko. Napatikhim ako, hindi ko iyon kayang tagalan. Para akong matutunaw sa mga titig niya. Ilang saglit pa ang lumipas ay isa-isang nagtayuan sila Yoshi.

"May kukunin lang kami, dyan muna kayo."

Sabay-sabay silang nag-alisan at walang lingon-lingon sa amin. Kaya heto, ang ending, kaming dalawa na lamang ni Davon ang natira sa table. Lalo tuloy akong natuod sa kinauupuan ko. Nagdadalawang isip ako kung mananatili ba ako o tatayo na para umalis. Oo, gusto ko siyang makausap pero tila nawala na yung lakas ng loob ko ngayon narito na siya sa tabi ko.

"A-ahm—"

Pagkatapos ang ilang minuto na mukhang t@nga roon ay naisipan kong kausapin na siya. Pero hindi ko pa man natagapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa na humawak sa kamay kong nakapatong sa aking hita. Napalunok ako nang maramdaman ang malamig niyang palad na dumampi sa hita ko. Nilingon ko siya ngunit wala sa akin ang kaniyang atensyon. Napakagat ako sa ibabang labi. Oh ghad, why do he have to act like this for a sudden kung panay naman ang iwas niya sa akin the last time O checked?

Maya-maya ay bigla na lamang siyang tumayo. Napakunot ang aking noo at tinanong siya, "a-alis ka na?" I sound likae disappointed na bakit aalis agad siya? He looked at me with a blanked face before saying, "Come with me." Pagkatapos iyon ay bigla na lamang siyang umalis. Napakurap-kurap ako bago mabilis na tumayo at sumunod sa kaniya. Papasok kami sa hotel kaya't hindi ko maiwasang magtaka.

Humawak ako sa kaniyang braso saka ko siyang tiningala para tawagin ang atensyon niya. "Saan ba tayo? Anong gagawin natin?" tanong ko pa sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot hanggang sa sumakay na kami sa elevator. "Davon," pangungulit ko pa pero wala talaga siyang pakealam. Ilang beses ko nang tinawag ang pangalan niya pero hindi niya ako pinapansin.

Hanggang sa...

"Babe, pansinin mo naman ako. Bakit ba ganyan ka ha? Hindi na kita maintindihan. 2 weeks mo na 'kong iniiwasan. Ano ba? Tayo pa ba?"

I cried in front of him nang hindi ko na makontfol ang emosyon ko. And finally, he looks at me. Nang makita niyang umiiyak na ako ay umigting ang kaniyang mga panga. Bumukas ang elevator tanda na nasa tamang floor na kami. Pinunasan ko ang aking mga luha bago siya nagsimulang maglakad paalis. Mapait akong napangiti. Great!

Sumunod ako sa kaniya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Inilibot ko ang paningin sa buong floor saka ko napag-alamang nasa pinaka-taas kaming floor. Kung hindi ako nagkakamali, this floor is for VIPs. Teka bakit narito kami? Ibubuka ko na sana ang aking bibig para tanungin siya nang sa isang iglap ay narito na kami sa loob ng kwarto. Oh ghad, what the fvck are we doing here?


[ U N E D I T E D ]
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon