Chapter 50

1K 17 6
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| FIFTY ||

Y A R A 's P O I N T O F V I E W

NASA library ako nang mga oras na iyon nang bigla akong makaramdam ng gutom. Kakagaling ko lamang sa cafeteria pagkatapos kumain ng lunch pero heto at nagugutom na naman ako. I'm craving for something na hindi ko maintindihan. Medyo inaantok din ako kahit na iniiwasan ko na ang magpuyat. Siguro ay pagod lamang ako. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng aking palda para i-text si Ley at sabihing magpapadala ako sa kaniya ng cheese burger. Pero ang ending, tinawagan pa rin ako ng g@ga kaya't hindi ko naiwasan ang mapairap.

[Taena nito, kakakain lang ng lunch ah? Hindi ka pa busog?]

Napanguso ako sa naging tanong siya saka tumango-tango. Pero nagmukha lamang akong t@nga sa ginawa ko dahil hindi niya naman pala ako nakikita.

"Sige na kasi, Ley. Kung ayaw mo, edi si Bea nalang," ika ko kay Ley. Gusto ko sanang kumain ng maasim na mangga ngayon pero saan naman ako kukuha?

Ni hindi pa naman tag-mangga ngayon.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Ley sa kabilang linya kaya't kumurba agad ang aking labi. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

"Sige na, dadalhin ko riyan? Aba sosyal ka talaga, ginawa mo pa akong foodpanda, may bayad ito ha!"

Napatawa na lamang ako nang pagbabaan niya na ako ng tawag. Mabuti at nasa pinakasulok naman ako ng library kaya't walang makakarinig sa akin dito. Itinago ko na ulit sa aking bulsa ang cellphone saka ipinagpatuloy ang pagbabasa nitong Romance book habang hinihintay si Ley at ang pagkain ko.

Ilang minuto pa pagkatapos ay sa wakas dumating na rin si Ley dala ang pinabili ko. Nagningning ang mga mata ko at hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pwesto ko ay tumayo na ako para salubungin siya. Napamaang siya sa akin nang kunin ko ang plastic bag na may lamang tatlong cheese burgers saka ako bumalik sa aking kinapupuwestuhan kanina. Tuwang-tuwa ko itong binuksan agad at nilantakan. Nang magtaas ako ng tingin kay Ley ay para itong t@ngang nakamulagat sa akin.

Napakunot ang aking noo saka siya tinanong, "Ano? Para kang t@nga dyan."

Matapos kong wikain iyon ay hindi makapaniwala siyang napatawa at naupo sa tabi ko. Napakurap-kurap ako dahil sa pagtataka nang bigla na lamang niyang ilagay ang likod ng palad niya sa noo ko saka sa leeg na tila pinakikiramdaman ang temperature ko. Napakunot ang aking noo saka ko iwinakli ang kamay niya. Anong problema ng isang 'to?

"Problema mo?"

Inirapan ko pa ito saka nagpatuloy sa pagkain. Napapapikit pa ako sa sarap habang ninanamnam ang aking cheeseburger. Para akong nasa langit, ack!

"Pvtangina, may sakit ka ba?"

Muling nalukot ang aking noo dahil sa narinig kay Ley. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa ang magkabilang balikat ko saka ako pinihit paharap sa kaniya. Sa inis ko ay bahagya ko siyang tinulak dahilan para muntik na siyang mahulog sa kinauupuan. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi makapaniwala akong tiningnan.

"Hoy,t@ngina, anong problema mo?" pabulong na tanong pa nito sa akin. Para kaming nga tanga dito na nagbubulungan, para kaming mga bubuyog. Mahirap na at baka palabasin kami ng supladang librarian na si Misis Ruby.

Ha! At ako pa talaga ang tinanong niya? Eh siya nga itong kanina pang oarang t@nga umasta eh. Bruhang 'to talaga oo.

"Ano ba kasi? Parang t@nga 'to."

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon