Chapter 22

1.1K 30 3
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T W E N T Y - T W O ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Problema mo? Kanina ka pa tulaley diyan? " tanong sa akin ni Bea matapos ko siyang samaan ng tingin. Sinong hindi maiinis aber? Batukan ba naman ako, mapanakit na sila ha. Inilibot ko ang tingin sa loob ng classroom at napamsing kaming tatlo na lamang nila Lesley ang nandito. Dismissal na pala, hindi ako aware. Paano, kung saan-saang kalawakan na yata napadpad ang isip ko, geez.

"Oh, dismissal na bhe. Nasaan ba kasing planeta iyang isip mo kanina? Pati si Propesor Gord ay hindi ka maabala kanina. Ano bang nasa isip mo ha?" sermon naman ni Ley sa akin at napaaray ako nang hilahin niya ang buhok ko.

Grabe, ganoon ba ako katulala? Ganoon ba kalalim ang nasa isip ko at hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa paligid ko kanina? Eh paano naman kasi, hindi ko maalis-alis sa isip ko yung kanina. Nakapagtataka kase iyong kinikilos ng tukmol na yun kanina. Hindi kaya nababaliw na siya? Tama, baka may malubha siyang sakit kaya ganun ang kinikilos niya.

"Sa tingin niyo, nababaliw na ba si Captain Conner?" wala sa oras na tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan sila pareho at maya-maya ay bigla nalamang humagalpak ng tawa. Tinasaan ko silang dalawa ng kilay. Ano na naman? May nasabi ba akong mali?

"Pfft, so si Captain pala ang nasa isip mo? Umamin ka nga, Yara. May guayo ka ba kay Captain?" Napantay ko ang labi ko dahil sa mapanuksong tanong ni Beatrix. T@ngna naman, anong klaseng tanong yun? Saka anong connect nun sa tanong ko? Mga bruha talaga, oo.

"Ewan ko sa inyo. Bahala nga kayo diyan!" Inirapan ko silang dalawa bago padabog na tumayo at kinuha ang bag ko.

"Ayiee, hindi tinanggi! Crush mo pala si Captain ah!"

Maglalakad na ako papalabas ng classroom nang mang-asar itong si Lesley. Sinamaan ko naman siya ng tingin at itinaas ang middle finger ko sa kaniya kaya tinawanan ako nilang dalawa. Mga bw1sit talaga.

"Ay crush!" Napatalon ako sa gulat nang paglabas ko ng classroom ay may bigla na lamang sumulpot na kapre. Shala, bakit may kapre sa loob ng university?

Tiningala ko siya at sa ikalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili. Masyadong corny pero nanng tignan ko ang kaniyang mukha ay tila nagliwanag iyon sa paningin ko. Para bang siya lamang ang nakikita ko habang napakalakas ng tibok ng puso ko. It seems like gusto na nitong lumabas sa ribcage ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at wala sa sariling sinampal ang sarili. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko dahil tila nag-iinit na ito. Shocks, ano na naman ba ang nangyayari sa earth at nadadamay pa ako?

"Are you sick? You look red-"

Tinabig ko ang kamay niya nang akmang idadampi niya iyon sa leeg ko. Nang tingnan ko siya ay may bahid ng pag-aalala sa mukha niya. Hey, what's with him? Kanina pa kakaiba ang kinikilos niya.

"Problema mo? Baka ikaw ang may sakit. Kanina pa 'ko nawi-wierdohan sa'yo. Mamamatay ka na ba, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay samantalang mahina lamang siyang natawa sa aking sinabi.

"Me, neither. I don't know what I am doing, I just feel like being weird today." Nagkibit balikat siya kaya napairap ako. Ang labo niya.

"Tsk, malala ka na," iiling-iling na sambit ko at tinapik-tapik ang kaniyang balikat saka ko siya nilampasan.

Hindi pa ako nakakarami ng hakbang ay naramdaman ko na ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa naramdaman ko na naman ang mabigat na bagay sa balikat ko. Nakaakbay na naman siya sa akin kaya siniko ko agad siya sa tagiliran. Napaaray naman siya ngunit nanatili ang braso sa balikat ko. Why is he being clingy? Baka mamaya ay kung ano ang isipin ng iba sa amin.

"Ang bigat, Master!" reklamo ko pero hindi siya nakinig at kinaladkad lamang ako hanggang sa makapasok kami sa cafeteria. Tulad ng inaasahan ko sa isip ko, pagtuntong pa lamang namin sa entrance ay naagaw na namin agad ang atensyon ng mga naroroon.

Kung kanina ay naiinis ako dahil sa pag-akbay sa akin ng tukmol na 'to, now, I changed my mood. Taas noo akong naglakad habang nakaakbay pa sa akin ang tukmol. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin, lalo na ng mga fangirls nitong kasama ko. Ha, mainggit kayo!

Napuno ng bulungan ang cafeteria, pati ang mga nakapwesto sa second floor ay sumisilip pa rito sa baba. Naks, nakakatuwa naman, famous na ba ako? Dinala ako ni Davon sa counter saka siya kumuha ng kaniyang pagkain. Mamamatay na yata talaga 'to, ang dami ba namang laman ng tray niya.

Nang matapos siya ay ako naman ang kumuha. Ngunit nang aktong aabutin ko iyong tray na paglalagyan ko ng mga pagkain ay nahila na agad ako ni Davon paalis doon.

"Hoy, kakain din ako, ano ba?" singhal ko sa likuran niya at nagpupumiglas. Nilingon niya naman ako at sinamaan ng tingin.

"Wag kang magalaw, matatapon 'tong dala ko." Napairap na lamang ako at nagpahila sa kaniya. Wala ba siyang balak na pakainin ako? Nagugutom din ako, hoy!

Hanggang sa nakarating kami sa isang table,nasa pinakadulo iyon ng cafeteria. Naroon ang mga ka-team niya sa basketball. Pinagdikit lamang nila ang dalawang lamesa para sama-sama sila. Nang makarating kami roon ay nagtatawanan pa sila, nagkukulitan. Pero nang mapansin nila kami ay natahimik sila habang may nakakalokong ngiti na nakatingin kay Davon, sa aming dalawa. Ano na naman ang nasa isip ng mga 'to?

"Captain, hindi naman kami aware na by partner ang lunch ngayon," pang aasar ni Yoshi nang maupo na kami sa bakanteng upuan.

"Shut up, m0r0n," asik naman sa kaniya ni Davon na tinawanan nilang lahat.

Natahimik lang ako, hindi ako makasabay sa kanila, ako lang kaya babae rito. Napatingin ako sa entrance ng cafeteria at nakitang paparating sila Ley At Bea. Tumayo ako para sana puntahan sila ngunit agad akong nahila paupo ng tukmol na 'to.

"Ano ba? Dun ako sa friends ko sasabay." Napataas siya ng kilay sa aking sinabi.

"You'll eat with me, that's what I want so obey me. I'm still your master, remember?" Marahas akong napabuntong hininga sa kaniyang sinabi at inirapan siya. Nakakainis, gusto ko nang matapos 'tong slave thingy na 'to. Nabu-bw1sit na 'ko sa isang to, arg!

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon