[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| T W E L V E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Huwaaaw, where's the sun?" Walang gana akong naupo sa armchair ko at hindi pinansin ang nakasunod sa aking mga bruha,my friends I mean. Napahikab ako nang makaramdam ng antok. Anak ng tofu, wala pa akong tulog. Kasalanan 'to ng bw!sit na Davon na iyon eh. Nakakainis, I want to burry him 6 feet under the ground. Nang dahil sa kaniya naging twinie kami ngayon ni Kung Fu Panda, aish.
"Anong arte yan? Bat may pa sunglasses ka, ineng? " Naupo si Lesley sa may tabi ko habang nakatayo naman si Beatrix sa harapan ko. Ano, nakikichismis ba sila sa eyebags ko?
Napaiwas ako ng akmang tatanggalin ni Lesley ang sunglasses na suot ko. Sinamaan ko ito ng tingin at pinakita ang middle finger ko. Nagtawanan naman silang dalawa, parang nga t@nga.
"Huwag niyo nga akong pakealaman. " Inirapan ko ang nga ito kahit alam kong hindi naman nila makikita. Badtrip, sobrang badtrip ng umaga ko. Kapag nakita ko lang talaga ang mokong na yun, naku, siguradong...
tatakbuhan ko yun. Sa nga nasabi ko ba naman kagabi sa kaniya, may kapal pa ba ako ng mukha na magpakita sa kaniya?
Dumating na si professor Gord kaya nakinig na lamang kami sa itinuturo nito. Ngunit nasa kalagitnaan pa ito ng pag lelecture nang tumigil ito at napatingin sa gawi ko. Lumapit ito sa akin at inihampas ang hawak na meter stick sa armchair ko kaya mabilis akong napaayos ng upo. Nakatukod kase ang siko ko sa armchair at nakapatong ang baba ko sa aking kamay. Ngayon, inaantok ako.
"Ms.Quinzon, maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit nakasuot ka ng sunglasses? " Napakagat ako sa pang ibabang labi saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Walang pinagbago, ang pangit niya pa rin, tsk.
"May sore eyes po kase ako, professor, " pagsisinungaling ko rito. Nag-angat ang isang kilay niya saka dalawang beses na pinukpok ang hawak na stick sa armchair ko.
"Hmm, if that so. " Napahinga ako ng maluwag nang maglakad na ito pabalik sa unahan at nagpatuloy na sa pagli-lecture. Mabuti naman at hindi na niya ako kinulit. Nagpatuloy ang klase hanggang sa dumating na ang ang oras ng recess namin. Mabilis na nagliparan palabas ng classroom ang aking nga kaklase. Mga walangh!ya, nauna pa sila kaysa kay professor.
Hindi makapaniwalang napailing-iling na lamang si professor Gord bago siya umalis. Tumayo na rin ako at nagligpit ng gamit, gayun din naman ang ginawa nila Beatrix at Lesley. Nang maisara ko ang bag ko ay binalingan ko ang dalawang bruha.
"Pupunta lamang ako sa library. " Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa at lumabas na agad ng classroom. Tulad ng aking sinabi ay nagpunta ako ng library. Naghanap ako ng mapupwestuhan, doon sa pinakasulok para walang makapansin sa akin. Bago ako maupo doon ay kumuha muna ako ng isang libro at pabukas itong itinayo sa table.
"Ahh, sa wakas, " nasambit ko sa sarili bago hinubad ang sunglasses at sinimulan ang kanina ko pang nais gawin. Ang matulog. Ha! Akala niyo magbabasa ako? Well, for your information, library is not a reading place for me. Library is a perfect place for me to sleep. Sus, parang hindi niyo naman ako kilala eh kailan ba ako nag-aksaya ng precious hours ko para lang magbasa ng libro?
NAGISING ako nang may maramdaman akong dumampi sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ko pa ito masyado makita dahil medyo blurred pa ang paningin ko. Umayos ako ng upo at kinusot ang mga mata saka tiningnan kung sino ito. Halos mahulog na yata ako sa kinauupuan ko nang makita ang mukha na gustong gusto kong iwasan ngayon. Anak ng tokwa, anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...