[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| F O R T Y - N I N E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
PAGKATAPOS nang gabing iyon akala ko ay magiging okay na ang lahat. Akala ko ay ayos na kami ni Davon. Pero hindi, doon ako nagkamali. Pagkatapos ng gabing iyon, kinabukasan paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Hanggang sa natapos ang outing ay hindi siya nagpakita. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi niya sinasagot. Wala akong nakuhang kahit anong response mula sa kaniya. Pagsapit ng lunes, sinubukan ko siyang kausapin ngunit bigo ako. Naging mas mailap siya at halos hindi ko na nga makita. Minsan naririnig ko na lamang ay madalas daw itong cutting sa klase.
Ngayon ay nasa cafeteria kami para kumain sana ng lunch pero nawalan na ako ng gana. Sino bang gaganahan kung nasa harapan ko ang boyfriend ko at nakikipaghalikan sa babae niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa. Dahil pa rin ba 'to sa utos ni mommy? Pero napag-usapan na namin ang tungkol doon diba? Gulung-gulo na 'ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Sa huli, napagdesisyunan ko na kausapin siya. Nagtungo pa ako sa kanilang section para puntahan siya pero ang sabi ni Yoshi ay cutting na naman daw ito at nakatambay sa gym. Gaya ng plano ay tinungo ko iyon at tama nga siya. Naroon si Davon at nakahilata sa sahig ng court. Nakasuot siya ng Jersey at maraming nakakalat na bola sa paligid niya. Tanaw ko rin ang malalalim niyang paghinga, hakatang pagod siya.
"Can we talk?"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nilapitan na siya. Tulad nang mga nagdaang araw, malamig ang titig niya sa akin. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha kaya't hindi ko malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya. Tahimik siyang bumangon at pinagpagan pa ang suot. Akala ko ay makakausap ko siya ng matino ngunit hindi. Pumulot siya ng bola at nag-dribble saka shinoot iyon sa ring. Kapagkuwan ay saglit niya akong sinulyapan at sinabing, "Wala tayong pag-uusapan."
Mapakla akong napatawa sa narinig. "Ano bang problema mo? Akala ko ba, okay na tayo?" Biglang tumaas ang tono ng boses ko kaya natigilan siya. Pero ilang segundo pa lamang ang lumipas ay pinagpatuloy niya ang paglalaro mag-isa. Inis akong napairap dahil sa inaasta niya. Kaunti na lamang takaga ay sasabog na ako sa inis. What the fvck is wrong with him?
Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Gusto ko siyang singhalan dahil sa nagawa niyang makipaghalikan sa ibang babae na parang wala lamang ako sa kaniya. Pero hindi ko ginawa iyon. Pinagmasdan ko siya na tuluy-tuloy sa ginagawa at tila walang balak na kausapin ako. He's acting like wala ako rito, like hindi niya ako girlfriend.
I sighed, " Let's end this, Davon," wika ko pa na ikinatigil niya. Ang hawak na bola na dapat sanang isho-ahoot niya sa ring ay kaniyang nabitawan. Bumagsak ang kaniyang balikat kasabay ng pagbuntong hininga niya. Naghintay pa ako ng ilang sandali hanggang sa bigla siyang humarap sa akin. Napakalamig ng kaniyang mga titig katulad ng pakikitungo niya sa akin.
"Okay."
Para akong sinaksak ng libo-libong palaso sa dibdib nang sabihin niya ang salitang iyon. Nawalan ako ng lakas at tuluyang bumagsak sa sahig nang iwanan niya ako. Kasunod noon ay ang tuluy-tuloy na pagbagsak ng mga luha ko. Ganun na lamang iyon? Okay? Ganoon na lamang kadali sa kaniya na bitawan ako? Napahagulhol ako sa labis na sakit at halos dumapa na sa sahig ng gym. Parang nawala lahat ng lakas ko. Tila isa akong baterya na unti-unting nawalan ng energy.
Why? Do I really deserve to get hurt like this? Kasalanan bang nagmahal lang naman ako? Sa lahat-lahat ng bagay na mawawala sa akin, iyon pang lalaking nagbibigay ng lakas, kasiyahan,at nagturo sa akin na magmahal ulit. Gusto kong ipaglaban ang relasyon namin sa mga magulang ko kahit alam kong mahirap ngunit tila hindi ko na kailangan pang gawin iyon. Dahil ang lalaking mahal ko ay sumuko na at iniwan ako. Bakit kailangang ganito kalupit sa amin ang tadhana? Sa dami ng maaaring sagabal sa relasyon namin ay ang mga magulang ko pa?
"HEY, dinner na." Nagtalukbong ako ng kumot nang marinig ko ang boses ni Chance. Ayoko lamang na makita niyang umiiyak ako.He would probably laugh on me and say I'm such a crybaby. Bukod doon ay baka tanungin niya ako kung bakit ako umiiyak. Hindi niya alam yung nangyaring break up scene namin kanina ni Davon, walang nakakaalam. Hi di ko siya pinansin at umaktong hindi ko aiya narinig.
Akala ko ay umalis na siya nang marinig kong sumara na ang pinto. Kaya naman inalis ko ang comforter sa akin ngunit nagulat ako nang makita ko siyang nakasandal sa pinto habang nakatingin sa akin. Naka-krus ang kaniyang mga braso sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas ngunit may suot na apron. May hawak din siyang sandok, halatang kakagaling lamang sa pagluluto.
"Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko pagkatapos mag-iwas ng tingin. Pasimple ko pang pinunasan ang luha ko at umaktong parang walang nangyari. Narinig ko ang palatak niya bago siya lumapit at naupo sa paanan ng kama. Nakaharap siya sa akin habang naka-krus pa rin ang kaniyang mga braso sa dibdib.
Napakunot ang aking noo nang ngumuso siya na tila may kung anong tinuturo sa mukha ko saka niya sinabing, "What's the matter? Why are you crying?" Umiling-iling ako at muling iniwasan ang tingin niya. Nagulat na lamang ako nang biglang narito na siya sa tabi ko. Ibinaba niya ang hawak na sandok sa sidetable saka ako hinarap.
"Para kang basang sisiw," he joked pero hindi iyon bumenta sa akin. Tahimik lamang ako at hindi nagbitiw ng kahit anong salita. Hanggang sa nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hinigit at niyakap. Sinuklay pa jiya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri habang binibigkas ang mga salitang, "Tahan na, ikwento mo sa'kin. Makikinig ako."
Muling tumulo ang mga luha ko at hindi na napigilang humagulhol sa kaniyang balikat. Hindi naman siya nagsalita muna at hinayaan lamang akong basain ang balikat niya ng aking mga luha. Ilang sandali din akong umiyak ng umiyak hanggang sa kumalma ako. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Davon at nakinig naman siya sa akin.
"Let him be. Baka hindi siya ganoon katapang para ipaglaban ka, Zayara. You don't deserve a man like him. You deserve a man na handa kang ipaglaban ano man ang mangyari."
KINABUKASAN, pagpasok sa school ay naging matunog ang tungkol sa break up namin ni Davon. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari gayong kami lamang naman dalawa ang naroon sa gym nang mga oras na iyon. Habang naglalakad ako sa hallway ay rinig ko ang mga usap-usapan ng mga estudyante tungkol sa kumakalat na issue. I rolled my eyes at hindi na lamang sila pinansin.
Hanggang sa makarating ako sa classroom, sinalubong agad ako nila Ley at Bea ng napakaraming tanong. Like kung totoo ba raw yung nangyaring break up? Like kung bakit daw kami naghiwalay? But I chose to shut my mouth. Ayoko munang magsalita tungkol doon. Mabuti at hindi naman na nila ako kinulit pa pero ang ibang mga kasama namin sa loob ng classroom ay panay ang bulungan. Tsk, pagdating sa issue ay ganyan sila samantalang halos hindi sila makaingaw sa recitation. Well, ako rin naman pero basta!
[ U N E D I T E D ]
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomantikZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...