Chapter 19

1K 17 1
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| N I N E T E E N ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

Araw ng lunes at tila tinatamad pa akong pumasok. Puyat na naman ako dahil magdamag na naman akong nag-ml kagabi. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang kumilos na maligo at magbihis. Hanggang sa makarating ako sa school ay tila wala pa ako sa sarili, ni hindi na nga ako nakapagsuklay eh. Hindi na bale at maganda pa rin naman ako.

"Zayara! Hoy, bruha hintayin mo kami! " Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang dalawang bruha sa likuran ko. Nagtatakbo sila papalapit sa akin. Napahikab naman ako ng wala sa oras na tinawanan nilang dalawa nang makalapit sila sa akin.

"Kaka-ml mo yan! "

Napatawa ako nang sabay nila iyong sabihin sa akin. Mukhang alam na talaga nila kung ano ang dahilan ng puyat ko. Kung sana ay hinayaan nilang maimpluwensyahan ko sila, edi sana tatlo kaming naghihikab at kulang sa tulog ngayon.

"Mauna na kayo sa classroom, may pupuntahan lang ako. "

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Beatrix at Lesley dahil nagtatakbo na agad ako palayo. Dumeretso ako sa cafeteria dahil balak kong mag-coffee ,pampawala ng antok ko. Pagdating doon ay may pailan-ilang estudyante ang nakita kong nakatambay. Halos lahat ay mga babae na nang makita ako ay agad na nagbulungan. Nitong mga lumipas na araw  ay ako ang laging chismis sa loob ng school. Kesyo nagdedate daw kami ni Davon , fake news nga naman.

Bakit ba ang hilig ng mga tao ngayon na magkalat ng mga balitang hindi naman totoo? Kung kumikita nga lamang sana sila sa chismis na iyan ay baka mayaman na ngayon ang mga mamamayan sa bansa. Sa dami ba naman ng mga tsismosa sa panahong 'to. Iyong tipo na nananahimik ka lamang naman sa isang tabi tapos maya-maya ay ikaw na ang main topic. Like what th fvck is wrong with them?

Pagdating sa counter ay ginawa ko na ang pakay, iyon ay ang kumuha ng kape. Papalabas na ako nang isang pangit na frog ang humarang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang humalukipkip pa siya sa harap ko.

"Hoy, Zayara, totoo ba? " Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ang pangit niyang mga mata ay bilog na bilog at nanlalaking nakatingin sa akin. What the fvck is with this ugly girl?

Tinaasan ko siya ng kilay sa kaniyang tanong. Ang alin ang totoo? Kung itinatanong niya ay kung totoo ba na pangit siya, well, absulutely YES.

"What? " iritang tanong ko sa kaniya.

Kulang ako sa tulog at isang pangit na nilalang pa ang makikita ko ngayong araw. Of all frogs, bakit siya pa? Anyway her name is Hilda, ang pinakapanget na frog sa balat ng earth. She always wear her make up na hindi naman pantay. Para bang iningudngud ang mukha niya sa espasol dahil sa kapal ng foundation. Yung kilay niyang parang kilay ng angry birds. And lastly, her lipstick na lagpas-lagpas.


"Nagdate daw kayo ni Captain noong Sabado! "Napataas lalo ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kalat sa buong school na may crush ang frog na 'to kay Davon. Ngunit kahit na anong gawin niyang pagpapapansin ay hindi naman siya pinapansin ng binata. Naalala ko noon sumali pa siya aa dance contest para magpapansin kay Davon kahit alam naman niyang parehong kaliwa ang paa niya.

"Eh ano naman sayo kung nagdate kami? "

Humalukipkip ako sa harap niya at nginisian siya. Mataas ako sa kaniya ng I think mga 1 inch? Pero dahil mataas ang takong ng suot kong school shoes ay lalo iyong nadagdagan, halos nakatingala na tuloy siya sa akin. Kita ko ang pagdaan ng galit at selos sa mga mata niya. Aww, the ugly froggy is jealous?

"M-Malandi ka! "Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. What the fvck? Ako, malandi? How dare she say that to me?

"Anong sabi mo! " Tumaas ang boses ko at wala akong pakealam kung may nanonood sa amin. This ugly duckling is getting to my nerves.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, MALANDI k-"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Sa lakas noon ay napasalampak siya sa sahig. Alam kong malakas iyon lalo na at nag-init ang palad ko. Gosh, ang sakit ng precious palad ko, sa gaspang ba naman ng mukha nito. Nanlalaki ang mga mata niya nang tingalain ako, nagulat yata sa ginawa ko,pati ang mga nakakakita sa amin ay nagulat rin. Tsk, you deserve that b!tch, wala pang naglakas ng loob na tawagin akong malandi.

"Try to say that words on me again, ako mismo ang magbabayad ng kabaong mo."

Right after I said those words, I left the cafeteria, dala pa rin ang kape ko. Ghad, lunes na lunes eh sira na agad ang araw ko. Nagtungo na lamang ako sa field para magpahangin, kumukulo ang dugo ko sa palakang yun, bw!sit. Ang kapal ng mukha na harangin ako at sabihang malandi samantalang wala pa nga siya sa kalingkingan ng mga daliri ko.

Pagkarating ko sa field ay may nakita akong lalaking nakaupo sa bench, sa ilalim ng silong ng mangga. Hindi pa man ako nakakalapit dito ay kilala ko na kung sino ito. Napangiti ako at inayos ang sarili. Sinuklay ko ang precious hair ko at nagsalamin pa sa cellphone ko. Ilang saglit pa ay naglakad ako papalapit sa lalaki at naupo sa tabi nito. Mukhang galing pa siya sa pakikipag-usap sa telepono niya nang makarating ako. Itinago niya ang mamahaling cellphone sa bulsa ng coat niya saka ako tiningnan. D@mn, ang gwapo talaga ni Chance Keyshawn.

"Hi." I smiled as I greet him. Hindi siya nagsalita at tumitig lamang sa akin. Oh no, wag mo 'kong tingnan ng ganyan, baka mahimatay ako sa kilig, ack!

"Good morning, Zayara. " Wala sa sarili akong napakapa sa garter ng panty ko nang bigla niya akong ngitian. Shet, wag naman ganyan, Chance! Napakunot ang kaniyang noo at sinundan ang kamay ko saka muling nabaling ang tingin sa mukha kong sa tingin ko ay namumula na.

"What are you doing? " nagtataka niyang tanong.

"Wala, baka kase nahulog na yung panty ko dahil sa ngiti m-"Mabilis akong napatakip sa bibig nang mapagtanto ang sinabi. Sh!t, what the he!l? Bakit ko sinabi yun? Arg, fvck you self, baka mabuko ako nito, paktay na!

"A-Ahm... "

Hindi ko malaman ang sasabihin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi malaman ang gagawin. Pvtangina, nagtotoothbrush naman ako ng mabuti, bakit ang dumi ng lumalabas sa bibig ko? Nakakahiya, paktay talaga ako nito. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Chance ngunit nang tingnan ko siya ulit ay nakangisi na siya sa akin. Fvck, baka kung anong isipin niya sa'kin. What if malaman niya na ctush ko siya? Naman oh!

"M-Mauna na ako, bye! " Kumaripas ako ng takbo pabalik sa classroom. Hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa labis na kahihiyan. Pvtangina, remind me to drink a holy water, later. Nang makarating sa tapat ng classroom ay saka ko lang napansin ang hawak kong kape. Mabuti na lamang at may taklob iyon kaya't hindi natapon nang tumakbo ako.

Sa tindi ng kaba na nararamdaman ko ay mabilis ko itong binuksan at ininom. Ngunit naibuga ko ito ng wala sa oras dahil sa kat@ngahan ko. Pvtang!n@-

"Ang init! "

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon