[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| T H I R T Y - T H R E E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
INIS akong lumabas ng classroom bitbit ang mga gamit ni Ms. Layla. Kasunod ko ay naglabasan ang mga kaklase kong patay-gutom, dismissal na kase at heto napag-utusan lang naman ako ng gurang na dalhin kuno itong mga gamit niya sa faculty room. P1steng yawa, wala ba siyang mga kamay at ako pa talaga ang napili niyang utusan? Sa ganda kong 'to, seriously? Sana naman ay mahiya yung mukha niyang mukhang alipunga no. Dejoks, sobra naman iyong alipunga.
Nakakainis pa sila Ley at Bea kase ni hindi manlang ako sinamahan. Kesyo hintayin nalang daw nila ako sa cafeteria. Naku, kahit kailan talaga, oo.
So ayun nga, tulad ng gusto ni Ms. Layla ay nagtungo ako sa faculty Room. Nadatnan ko pa roon sila Professor Gord, Ms. Mathilda, saka si Sir Hylos. Abala silang tatlo sa kung anong ginagawa nila. Malay ko, wala akong pakealam doon. Bumati pa ako kahit labag sa precious kalooban ko bago dumeretso sa table ni Ms. Layla at inilagay doon ang mga gamit niya.
Pagkatapos noon ay lumabas na rin naman ako. Mahiral na at baka mautusan na naman ako. Nakasalubong ko pa si Ms. Layla at may kung ano siyang tinanong sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bingi-bingihan ang peg ko, pakealam ko sa gurang na yun, tsk.
Imbes na dumeretso sa cafeteria ay bumalik ako sa classroom. Plano kong ilagay muna sa locker ko ang ibang gamit sa bag ko bago ako pumunta sa cafeteria. Pagdating ko sa classroom ay kinuha ko ang bag ko at nagtungo na papuntang lockers room. Nasa hallway palang ako patungo doon ay nakasalubong ko si Chance. Para itong haring naglalakad habang ang bag nito ay nakasabit sa isang balikat niya. Tumigil siya para harangin ako kaya't mabilis na nalukot ang noo ko.
Kung noon ay halos himatayin na ako sa kilig kapag nakikita o saglit kong naaagaw ang atensyon niya ay iba na ngayon. Wala akong nararamdaman na kahit na ano. Siguro galit, kase ni hindi manlang siya tumutol sa engagement-chuchu na iyon. Pero hindi rin naman ako pwedeng magakit as in sa kaniya, alam kong pareho lang din naman kaming naiipit sa sitwasyong 'to kaya slight lang, oo. Mga 1 inch siguro?
"Nag-text si mom. We have a dinner later, sa Vallente's Restaurant. Dun na sila dederetso galing sa comoany together with your parents. She said sabay na tayong pumunta roon." Napairap ako matapos ang kaniyang sinabi. Dinner? Baka naman pag-uusapan na naman ang tungkol sa engagement-thingy na iyon. Psh, mga paandar talaga nila, ka-bw1sit.
"K." Napakurap siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Iniisip niya siguro na sa haba ng sinabi niya ay iyon lamang ang sinabi ko. Tsk, what for? Kesa naman magreklamo pa ako eh wala din naman akong magagawa. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at nilampasan na lamang siya. Nagtungo na ako sa locker ko at ginawa ang planong gawin. Pagkatapos noon ay agad na rin akong nagtungo sa cafeteria.
Nagpaalam lang ako sa dalawang bruha na sa court nakang ako magre-recess. May pa-tampo effect pa nga sila kesyo hinintay-hintay daw nila ako tapos sa iba rin ako sasabay. Kaya ayun, binigyan ko lang naman sila ng masarap na sapak.
Dala ang dalawang sandwiches, frappe, at hotdog sandwiches ay dumeretso na ako sa court. Naabutan ko silang nagpa-praktis pa rin doon kaya napanguso ako. Kanina pa silang umaga nagpa-practice, kawawa naman si tukmol, fir sure pagod na yun. Naupo ako sa bench kaya mabilis nila akong napansin. Kahit si Coach Clint ay natigilan din ngunit mabilis din naman akong nginitian.
Ilang saglit pa ay pinagpahinga na rin sila ni Coach. Dumeretso sa tabi ko si Davon habang nagpaalam naman ang mga ka-members niya na pupunta sa cafeteria. Pati si Coach Clint ay mabilis din na naglaho. Kaya ngayon ay kami lamang ni Davon ang natira dito sa loob ng gym.
"May practice pa kayo after this?" tanong ko habang matamang nakatingin sa kaniya. Uminom siya frappe na dala ko at tila uhaw na uhaw. Nang mapansin ko na halos maligo na siya sa pawis ay kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng aking skirt.
"Mamayang hapon daw ulit, after dismissal," he answered. Umusog pa ako palapit sa kaniya at pinunasan ang kaniyang mukha at leeg. Havang ginagawa ko iyon ay ramdam ko ang titig niya sa akin. Naka-bend siya dahil mas mataas siya sa akin. Ang kaniyang isang kamay ay nakatukod pa sa gilid ng hita ko.
"Zayara."
Napataas ang kilay ko sa kaniya at itinigil ang ginagawa. Itinago ko ukit sa bulsa ko ang panyo bago siya tiningnan. Naramdaman ko na naman ang mga pasaway na paru-paro sa tiyan ko dahil sa paraan ng titig niya.
"Hmm?" tanging tanong ko sa kaniya.
He smiled at me before he answered, " Ang ganda mo, talaga." And with that, pinakawalan ko na ang kinana pang pinipigil na ngiti sa labi ko. Gamit ang isang kamay ay hinapit niya ang bewang ko para ngayon ay magdikit na ang mga katawan namin. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko at natatakot ako na baka marinig niya iyon.
"Matagal ko nang alam iyon, Davon." Sa kabila ng kilig at ilang na nararamdaman ay nagawa ko pang magyabang sa mukha niya. He smirked on what I said before he steal a kiss on my lips. Nagulat pa ako sa kaniyang ginawa at hinampas siya sa braso. Ayan na naman, nagsisimula na naman siya sa kalandian niya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan." Pagak akong napatawa sa kaniyang sinabi. Makapal daw ang mukha ko? At least maganda ano. Akala mo naman ay hindi ako gusto kung makapagsalita, naku. Baka busted-in ko 'to, pigilan niyo 'ko.
"May ikakapal pa 'to kapag binusted kita," I smirked at him. Namilog ang mga nata siya sa aking sinabi at mabilis na umangal. Natawa pa ako nang paulanan niya ako ng halik sa mukha ko.
"Joke lang naman, hindi ka mabiro," aniya pa at muling ninakawan ng halik ang labi ko. Aba at, nakakadalawa na 'to ha!
"Tigil na, sinasamantala mong tayo lang dalawa dito," pagsasaway ko sa kaniya at bahagyang tinulak ang mukha niya pero ang loko, ayaw paawat. Kinulong oa niya ang mukha ko sa mga palad niya at binigyan ng mumunting halik ang mukha ko.
"Nah, you know you can't stop me with this."
And like what he said, hindi ko na nga siya napigilan nang sakupin na niya ang labi ko at ginawa ang nais. We kissed as if we're a couple, as if we're not inside the school. Bahala na, wala naman sa batas ng university na bawal ang maghalikan. Kung mahuli nila kami, edi manood sila, dejoks.
|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces
![](https://img.wattpad.com/cover/309559772-288-k323679.jpg)
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...