[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| E P I L O G U E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Pak! Napakaganda mo madame!"
I faked a smile and secretly rolled my eyes on this pathetic ugly frog na baklita. Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko, kanina pa ako wala sa mood. Sinong hindi? Ilang oras na lamang ay isa na akong ganap na Mrs. Roberts! The fvck!
Padabog akong tumayo at nagtungo sa isang malaking salamin ng aking silid. Kung saan kitang-kita roon ang buong repleksyon ng katawan ko. I'm wearing white wedding gown, of course. Tube style ang sa taas na at napakaraming glitters kaya't tiyak na kikinang ako sa aisle mamaya. Err, iniisip ko palang na naglalakad ako sa red carpet ng simbahan habang may hawak na bulaklak ay naiinis na ako.
Hindi ko pa nakikita sila mom and dad. Basta kaninang umaga ay may bigla na lamang sumundo sa akin sa condo namin ni Chance at isinama ako rito sa bahay. Kahit si Chance ay wala aking nakita ni anino niya. Baka naghahanda na rin para sa seremonya mamaya?
"Zayara, sweetie."
Matamlay akong umikot at napairap nang marinig ang boses ng magaling kong ina. Isinara niya ang pinto ng kwarto matapos niyang palabasin ang mga makeup artists. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa harap ko at pinagmasdan ang kabuoan ko gamit ang namamangha niyang mga mata. Napairap ako. Natutuwa ba siya na ikakasal na ako at sa lalaking hindi ko naman mahal?
Syempre natutuwa siya, sila ni daddy dahil sa wakas ay mas mapapalago at mapapatibay nila ang bwisit na kumpanya nila.
Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa labi ng magaling kong ina habang hinihimas nito ang aking pisngi. Para akong isang napakagandang regalo sa kaniyang mga mata sa paraan ng titig niya. But I know, she's not really happy dahil ikakasal ako. She's happy dahil sa wakas ay matutupad na ang plano nila n daddy. Afterall, ginamit nila ako para sa sarili nilang kasiyahan. Para sa bwisit na businesses nila!
"Napakaganda ng, prinsesa ko. Ilang oras nalang at titira ka na rin sa sariling palasyo na ikaw ang reyna kasama ang-"
"I don't wanna be a queen in this freakin' hell mom."
Doon napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi at naging mariin ang pagkakahawak niya sa aking pisngi. Gusto kong dumaing sa sakit but I still managed to plaster a smirk on my lips. Her horror face made me think she's a witch.
Nanlisik ang kaniyang mga mata. "Matagal na nating napag-usapan 'to, Zayara. And today is the day. Akala mo ba matatakasan mo pa 'to?" she said bago niya marahas akong binitawan. Tumalikod siya sa akin at nakita ko pang inayos niya ang kaniyang sarili.
Mapait akong napangiti.
"I still can't believe na kaya niyong gawin sa akin ito mom."
"Ginagawa namin 'to ng dad mo para sa'yo, Zayara," she said habang hindi man lang ako nililingon.
Mapakla akong napatawa at mahinang nagmura.
"Para sa akin? O baka naman para sa bwisit ninyong negosyo? You know what mom? All my life, tiniis ko yung mga panahong wala kaya sa tabi ko. Yes you gave me everything but do you think that's enough? All I need is your attention, your love, your care. Pero lahat ng yun, hindi niyo kayang ibigay sa'kin dahil lahat ng atensyon niyo ay nakatuon lamang sa pesteng kumpanya na yan! Sana kung ganito rin lang naman ang mangyayari sa buhay ko, sana hindi niyo nalang ako pinanganak. Tutal yung kumpanya niyo lang naman ang mahalaga sa inyo eh. Mukha kayong pera!" I shouted with tears falling down on my cheeks.
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...