Chapter 20

1.1K 20 1
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T W E N T Y ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W


"T@ngna talaga ni Propesor Gord, bakit naalala niya pa yung assignment? Epal rin kase si Eunice eh, maayadong sipsip, mukha namang ipis, tsk. "

Naglalakad kaming tatlo nila Beatrix papunta sa cafeteria. Kakatapos lamang ng klase namin ngayong umaga at heto, panay ang himutok nila. Paano ba naman, imbes na hindi sana naalala ni Propesor Gord iyong assignment ay pinaalala naman ng epal at sipsip naming kaklase na si Eunice. Sus, akala mo ay kung sino, itlog lang din naman ang nakuhang score.

"Well, deserve niya ang makakuha ng itlog ,ano, "said Lesley and we laugh in unison. Kami ang pinakamaingay na naglalakad sa hallway, nagi-echo na na nga ang tawanan naming tatlo at napapatingin na lamang sa amin ang ilang mga estudyante. Sinaway pa nga kami nung isang guro kanina sa nadaanan naming classroom dahil nagpapaquiz pala ito doon.

Malapit na kami sa cafeteria nang may marealize ako. Ipinilig ko ang ulo ko at sandaling inilibot ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko ay may kakaiba, parang may mali? Tama, hindi ko pa nakikita simula kanina si Davon. Teka, ano naman ngayon? Mas maganda nga iyong wala siya dahil walang panirang tukmol sa araw ko.

"Sandali lang, may pupuntahan lang ako saglit. " Napahinto sa paglalakad sina Bea at Ley dahil sa sinabi ko. Nakakunot noo nila akong tiningnan. Sisiguraduhin ko lamang naman eh kung nasaan ba si Captain tukmol at mukhang hindi niya ako ginugulo ngayon. Hoy, walang malisya ha, wag kayong mag-isip ng kung anu-ano!

"Saan ka na naman pupunta? " nagtatakang tanong ni Beatrix sa akin.

"Basta! Susunod nalang ako, bye! " Umalis na agad ako roon at naglakad-lakad habang iginagala sa paligid ang paningin ko. Nasaan kaya ang tukmol na 'yun? Hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinahanap pero siguro dahil nasanay lang akong lagi niyang sinisira ang araw ko?

Dinala ako ng mga precious feet ko sa tapat ng kanilang classroom at napanguso dahil walang katao-tao roon. Baka nadismiss na rin sila. Pero hindi ko naman sila natanaw kanina sa cafeteria ah. Siguro sa gym?

Nagtatakbo ako papunta sa gym, baka may practice sila ngayon.  Nang makarating doon ay walang pagdadalawang-isip akong pumasok at dumeretso sa court. Natanaw ko roon ang kanilang team na abala sa pagpa-practice. Inilibot ko ang tingin para hanapin siya ngunit wala akong nakita kahit na ang anino niya. Nasaan ang mokong na 'yun?

"Hi, Zayara, anong ginagawa mo rito? " Iyon agad angtanongsa akin ni Yoshi habang nakangiti. Inirapan ko naman ito at kunu-noong tiningnan.

"Nasaan ang magaling niyong captain? " tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang lahat at bigla na lamang naghiyawan. Kaya naman wala sa oras akong napatakip sa aking mga tenga. Parang mga t@nga naman oh, mabibingi ang precious ears ko eh, mga bw!sit talaga!

"Ayun oh, hinahanap si captain. Bakit, miss mo na ba siya, Zayara? " mapang-asar na tanong ni Zachary na siyang ikina-irap ko. Naipakilala na sila sa akin noon ni Davon kaya kilala ko na sila.

"G@go, nasaan ba kase siya? Bakit hindi yata siya nagpapakita sa akin? "

Hindi ko na napigilan pang sabihin ang mga salitang iyon na dapat ay nasa isip ko na lamang. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na bawiin ang sinabi dahil gusto ko rin naman malaman. Do I miss him? What? No way! Baka hindi lang talaga ako sanay na walang Davon na nangbu-buwis!t sa akin. Tama, yun nga.

"Edi miss mo na nga? Aminin mo na, sige ka hindi namin sasabihin sa'yo." Sinamaan ko ng tingin si Vince pero sa huli ay napabuntong-hininga rin ako. Mga pe$te, bakit kase hindi na lamang nila sabihin sa akin eh, mga g@go talaga. Manang-mana kay Davon, aish!

"FINE! I miss him-no, I mean I miss his pangungulit! "

Natawa silang lahat sa aking sinabi. Napairap ako ulit at binatukan si Yoshi na akala mo ay mamamatay na sa pagtawa, siraulo!

"Nasa airport, may sinundo lang na importante sa buhay niya. "Nalukot ang aking noo dahil sa sinabi ni Yoshi. Sa airport, may sinundo? Sino? Teka, bakit parang nakaramdam ako ng lungkot? Oh fvck, enough with your crazyness, Yara! Shut it down for the fvck sake.

"S-Sino?" Hindi ko na naman napigilan pa ang precious mouth ko na magtanong. Sino ba iyong VIP na sinundo niya at kinailangan pa niyang um-absent? Gaano ba iyon kaimportante? Mas importante pa ba sa aki-oh what the fvck Zayara! Ano ba iyang mga pumapasok sa kokote mo?

Lumabas na ako ng gym habang tila may mabigat na kung ano sa aking dibdib. Baka gutom lang 'to, kailangan ko munang kumain. Sa paglalakad ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa field. May pailan-ilang mga estudyante roon na tumatambay. Dumeretso ako sa bench at umupo roon. Napabuntong hininga ako at napatitig sa kawalan.

"Hey. " Muntik nq akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Chance. Nyeta, papatayin niya ba ako sa gulat?

Nang sulyapan ko siya ay nakaupo na siya sa tabi ko. Napaiwas naman agad ako ng tingin nang maalala na naman ang matinding kahihiyan ko kanina. Sana lamang ay nakalimutan na niya iyon. Tahimik lamang kami pareho kaya mukhang wala naman siyang balak dalhin sa topic ang nangyari kanina. Nang lingunin ko siya ay nasa malayo ang tingin niya, mukha ring matamlay ang mukha niya. Anyare rito?

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya nang wala sa oras. Nagbuntong hininga siya bago mapaklang natawa.

"Rhanna broke up with me."

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdamam ko. Dapat akong matuwa dahil sa wakas ay may pag-asa na ako sa crush ko, na hiwalay na sila sa wakas ng girlfriend niya. Ngunit bakit tila wala akong makapang excitement? Tila wala lamang sa akin iyon? Ano bang nangyayari sa akin? May sakit na yata ako.

"U-Uh, should I say congratulations?" Nagpeace sign ako nang walang emosyon niya akong tiningnan. Okay? Na-offend ko yata siya. T@ngna kaseng bunganga 'to eh.

"I need you, Zayara. Hindi ba matagal mo na 'kong gusto?"

Napakurap-kurap ako sa kaniyang sinabi. Hanudaw? He needs me? Dapat na ba akong kiligin? Pero, teka, ano bang ibig niyang sabihing kailangan niya ako? Naguguluhan ako, shocks! At teka, paano niya nalaman na matagal ko na siyang gusto? What the fvck, sinong pvtangin@ng kampon ni Marites ang nagsumbong sa kaniya, kakalbuhin ko!

"Zayara, be my rebound girl."

Nalaglag ang panga ko sa kaniyang binitawang salita. Is this for real? Ang matagal ko nang crush na si Chance Keyshawn ay inaalok akong maging rebound girl niya? What the fvck on earth is happening right now, tell me!






|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon