Chapter 35

877 16 0
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T H I R T Y - F I V E ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Hey, what's with face? Pumapangit ka lalo." Napairap ako at marahas na napabuntong-hininga ng punahin ako ni Davon. Malamang ay napansin niyang kanina pa hindi maipinta ang mukha ko. Natural, sini ba naman ang hindi maba-badtrip? Ang mgaling kong mommy at daddy ay ibinubugaw na ako. Okay, masyadong pangit yung word pero pvtangina kase! Bakit naisipan pa nila ang bagay na iyon?

Pvtangina, never kong naimagine na makipag-live-in sa ganitong edad. Ayos lamang sana kung ako lang mag-isa, I mean yung may own condo ako na titirahan tapos ako lamang doon. Pero live-in with a guy na hindi ko naman gusto? That's yucky-ay ang OA ko. Para namang hindi ko crush na crush si Chance noon. But hey, past is past, iba na ang crush ko ngayon ano.

I looked at Davon na abala sa pagmamaneho pero maya't maya naman ang sulyap sa akin. Masyado na yatang baliw saakin ang isang 'to. Paano ba yan, nagmumukha na akong mayabang nito.

I pouted and said, "Wala, may iniisip lang."

Napakunot ang kaniyang noo sa aking sinabi pagkatapos niya akong muling sulyapan. Akala ko ay hindi na siya magsasalita kaya nilipat ko na lamang ang atensyon sa labas ng sasakyan. Ngunut nahigit ko ang hininga sa pagkabigla nang hawakan niya ang kamay ko at halikan iyon habang abala pa rin sa manibela ang isa niya namang kamay. Saglit niya akong sinulyapan at nginitian.

"Just remember I am always here if you need someone to talk about your problems, hmm? I got your back, my love."

Hindi ko na napigilan ang mapangiti sa mga salitang binitiwan niya. Parang hinaplos noon ang puso ko. He never failed to make me feel this way. Ghad, crush pa ba 'to o baka naman inlove na ako?

"MISS QUINZON!" Kamuntikan na akong mahulog mula sa armchair ko nang marinig ang sigaw ni Ms. Layla. Pvtangina, ano na naman ang problema ng pakshet na gurang na 'to? Tinaasan ko siya ng kilay kaya't mabilis siyang lumapit sa tapat ko. Narinig ko pa ang mahihinang tawa nila Bea at Ley sa likuran ko kaya't inis ko silang nilingon pero agad na nabalik kay Ms. Guran-este kay Ms. Layla ang tingin. Pfft, ang pangit niya talaga no? Okay, judgemental, wag tularan.

"Ano ho?" medyo nabakas yata ang inis sa boses ko at pasimpleng napairap. May dala siyang stick saka pinukpok iyon sa armchair ko habang nagbibigay ng babala na nakatingin siya sa akin. Psh, badtrip ako sa'yo gurang kaya't wag ngayon. Paano ay wrong timing ang quiz niya, ngayon pa naka-schedule. Bw1sit, edi hindi ako nakanood ng laban nila Davon ngayon. Kahit kailan ay isang kotrabida talaga sa buhay ko ang gurang na 'to. Iniimagine ko na nga na isa siyang pangit na mangkukulam.

"May gana ka pang magtanong? Ano, sinong superhero ba ang hinihintay mong magsagot ng papel mo? Si Darna? Hala at sagutan mo na iyan. Tsk, pasalamat ka at binigyan kita ng quiz kahit alam kong itlog lang naman makukuha mo," mahabang sermon niya sa akin at saka ako iniwan na nakanganga. Halos punitin ko ang answersheet na nasa armchair ko dahil sa inis lalo na ng marinig ko ang tawanan ng mga pangit kong kaklase.

P1steng gurang na 'to. Naturingang guidance councillor tapos ginaganon-ganon lamang ako. Aba at, masyado niya namang kina-career ang pagiging pangit na kontrabida sa precious life ko. Bigyan ko na kaya siya ng award, tsk.

"Tinatawa-tawa niyo? Bilis, pengeng sagot."

Gusto kong hampasin ang dalawang bruhilda kong kaibigan sa likuran ko, pinagtatawanan ba naman ako. Mga walang kwentang kaibigan, ipatapon ko sila sa outerspace eh. Napatawa sila lareho sa akin ngunut maya-maya ay pasimple rin na ipinakita sa akin ang answersheet nila. Napasapo ako sa noo nang pareho iyong blangko. Right, mali na sa kanila pa ako nagtanong.

Napairap ako at pasimpleng kinalabit si Chance sa harapan ko. Wala pa akong sinasabi ang ay pasimple niyang hiningi ang papel ko na mabilis ko namang iniabot. Sandali lamang ay ibinalik na niya iyon sa akin na may sagot niyo. Napangisi ako at nag-thank you sa kaniya. Syempre mabait sa'kin ang tukmol dahil bukod sa naging crush niya ako ay kaibigan ko ang dinidiskartehan niya. Subukan niya lang at talagang itatago ko si Ley from him, lol.

Syempre dahil napakabait at matulungin akong kaibigan ay diniliver ko rin ang answersheet ko sa mga kaibigan ko para gayahin nila. Good thing, abala si Ms. Layla sa pagsusulat sa kung ano ba iyon. Ah bahala siya diyan, di ko siya bati. Pake ko sa gurang na yan?

DINISMISS na rin kami ni Ms. Layla pagkatapos ng quiz. Bukas nalang daw ia-announce ang scores. Papalabas na kaming tatlo nila Ley ng claasroom nang mapansin ko ang papel sa teacher's table, mukhang naiwan ni Ms. Layla. Kinuha ko iyon at binasa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nakasulat doon. Ito pala ang pinagkaka-abalahan niya kanina.

Guess what? Naglalaro lang naman siya ng FLAMES at ang nakakatawa dito ay pangalan niya at ni coach Clint ang naroon. Napahagalpak ako ng tawa na ikinataka nila Ley at Bea. Kinuha sa akin ni Bea ang papel at binasa rin iyon. Katulad ko ay halos mamatay na rin siya sa pagtawa.

"Shutangina, FLAMES? Gagv, may mga nalalaman pang ganito ang gurang na yun? " napahagalpak na rin si Ley nang basahin rin niya ang papel.

Napapalingon na lamang sa amin ang iba naming classmate na natira dito sa classroom. May mga naki-osyoso pa at nakisabay sa tawanan namin. Tsk, nakikivibes ang mga 'to. Kahit sila Chance at Cyrelle ay nakibasa na rin at parehong napangisi. Humanda ka ngayong gurang ka, may pang-blackmail na 'ko sayo. Itinago ko sa bulsa ng skirt ko ang papel at hinila na papalabas sila Bea. Si Cyrelle at Chance ay nakasunod naman sa amin, makikisabay daw sila kumain sa'min.

"CHANCE KEYSHAWN ROBERTS!"

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway nang isang baritonong boses ang umalingawngaw sa may likuran namin. Napatigil kami sa paglalakad at nilingon kung sino iyon. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa-este sa sahig nang makita kung sino iyon. Anak ng putcha, anong ginagawa ng pangit na nilalang na ito dito? Ang kapal ng mukhang magpakita pa sa akin, hayp talaga!

"Nandito ang gagv"


|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon