[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| T W E N T Y - F I V E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
Wala akong kagana-gana nang pumasok ako sa school. Wala akong tulog, as in. Hindi dahil sa Mobile Legends kundi dahil sa hindi ko alam? Basta hindi talaga ako makatulog kagabi kakaisip sa kung ano. Ilang tupa na yata at kambing yung nabilang ko kagabi pero wala. Good thing, nag-apply ako ng concealer para tabunan yung eyebags ko. Naku kung hindi, baka naging kamukha ko na naman si Kung Fu Panda.
Pagkapasok sa classroom ay medyo marami-rami na rin kami doon. Malapit na rin kase ang start ng class nang dumating ako. Pabagsak akong naupo sa aking armchair at hindi pinansin ang dalawang kaibigan na nakaupo sa likuran ko.
"Problema, girl? Para kang lantang gulay diyan?" rinig kong puna ni Lesley sa akin. Hindi ko siya nilingon at nagkibit-balikat lamang.
"Ewan, kulang ako sa tulog. Wag niyo akong kausapin," walang ganang sagot ko pa at ipinikit ang mga mata bago isinandal sa upuan ang sarili. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa at halos mapatili ako nang may maramdaman akong malamig na bagay sa pisngi ko.
"Oh hayan, hindi ko alam kung makakatulong yan sa antok mo. Mabuti nalang dumaan kami ni Ley sa Starbucks kanina. Oh wag ka na magtampo, at ipinag-take out ka naman namin. Puro ka kase ML eh." Napangiti ako bago kinuha ang iniabot ni Beatrix na Java Chip Frappuccino sa akin. Mga walangh1ya, dumaan pala sila ng Starbucks at hindi manlang ako inaya. Hindi na bale at ipinag-take out naman nila ako so no need to tampo na.
Habang iniinom ko ang bigay niya ay napanguso ako at napabuntong hininga. Kasalanan talaga 'to ng tukmol na yun. Kung bakit kase tambay siya ng tambay sa isip ko magdamag? Arg, this is not good. Bago pa lumala 'to, kailangan nang masolusyunan. Starting today, I'm avoiding him. But how? I'm still his slave 'kuno' and he's still my master.
HOURS passed. Hindi pa nakakalabas ang teacher namin ay nauna na kaming tatlo nila Beatrix at Lesley na lumabas. Kasunod noon ay ang pagtunog ng school bell. Pasensya na, masyado kase kaming mababait na estudyante.
Habang naglalakad kami sa hallway ay napadaan kami sa room nila Davon, dismissal na rin nila at naglalabasan na rin ang mga estudyante. Nang matanaw ko si Davon ay agad akong nag-iwas ng tingin at hinila ang dalawang bruha sa paglalakad.
"Hoy, dahan-dahan, hindi tayo mauubusan ng pagkain!" reklamo ni Bea pero hindi ko siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad dahil ramdam kong malapit na lamang sa amin ang grupo nila Davon. Bale nauuna kami at nasa likuran pa namin sila. Pero dahil nga kasabay namin ang iba pang estudyante ay medyo nahuhuli pa sila.
Inis akong napatingin kay Ley nang bigla siyang tumigil sa paglalakad dahil may humarang sa kaniyang estudyante, ngayon ay nag-uusap sila about sa kung anong wala naman akong pakealam.
"Ley, let's go!" taranta kong wika dahil malapit na sa gawi namin sila Davon.
Nang tingnan ko ang mga ito ay saktong nagtama agad ang mga mata namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kung bakit bigla na lamang bumilis yung heartbeat ko sa isiping nandiyan lamang ang presensya niya. Kahit nga magtama lamang ang tingin namin ay hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Arg, nababaliw na ba ako?
Sa sobrang kaba ay iniwan ko ang dalawang bruha doon. Bahala kayo riyan, basta gusto ko nang makaalis dahil papalapit na sa amin sila Davon. Kumaripas na ako ng takbo patungo sa cafeteria. Good thing hindi oa madami ang estudyante kaya saglit lamang din ang naaksaya kong oras nang pumila ako to get my food.
Nakahanap na ako ng mauupuan bago nagdatingan sila Lesley at Beatrix sa loob nitong cafeteria. Mukhang ako kaagad ang hinanap nila pagpasok dahil naglilibot ang mga tingin nila. Nang makita ako ay agad nila akong sinamaan ng tingin. Hindi ko iyon pinansin at nag-iwas na lamang ng tingin dahil nasa likuran lamang nila ang grupo nila Davon.
"Aray!"
Napadaing ako agad nang hilahin ni Bea ang precuous hair ko. Kakarating lamang nila faling doon sa counter. Inilapag nila ang dalang pagkain sa table at naupo sila sa tapat ko.
"Ba't mo kami iniwan? Akala mo naman mauubusan ka ng pagkain kakamadali mo." Iyon agad ang sermon naman sa akin ni Ley bago ako inirapan. Nag-peace sign lamang ako sa kanilang dalawa at hindi na nagwika kahit isang salita. Sa halip, nilantakan ko na lamang ang steamed buns ko at ininom ang lemon juice ko.
Tahimik lang din silang kumain kaya naging payapa naman for the first time ang table namin. Wala yatang nasagap na chismiss ngayon ang nga bruha. Inilibot ko ang paningin sa loob ng cafeteria. Natigil ang paningin ko kay Davon na naglalakad dala ang pagkain niya, kasunod niya syempre ang mga aso-este ang nga kaibigan niya. Nag-iwas agad ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Napatikhim ako at nagkunwaring hindi siya nakita at sumimsim na lamang sa juice ko.
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko nang doon sila pumwesto sa katapat na table namin. Bale nakaharap ako sa pwesto nila samantalang nakatalikod naman sa kanila ang nga kaibigan ko. Pinagmasdan ko ng maigi si Daon habang nakikipagkwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Kung gaano kasaya ang mga kaibigan niya ay ganoon naman siya kaseryoso. Paminsan-minsan ay ngingiti siya pero maliit lamang iyon. Minsan naman ay iniikutan pa niya ng mga mata ang mga ito kaya hindi ko maiwasang mapatawa.
"Baka matunaw."
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang nang-aasar na boses ng mga bruhang kaharap ko. Kinunotan ko lamang sila ng noo, nagpapanggap na hindi alam ang sinasabi nila.
"Alam mo, Yara, aminin mo na kase na may gusto ka na kay Captain. Hindi naman namin ipagkakalat," pang-aasar pa sa akin ni Ley. Inirapan ko silang pareho at uminom ulit sa juice ko.
"Wala akong aaminin." Iyon lamang ang sinabi ko na ikinairap nila.
"Ikaw rin, baka maunahan ka ng iba. Anyway, bali-balita na may ka-dinner date daw si Captain kagabi?"
Nasamid ako sa iniinom na juice dahil sa narinig kay Bea. Alam ko kung ano ang tinutukoy nila, hindi ako t@nga ano. Shocks, hindi naman siguro nila alam kung sino diba? Nagtataka akong tiningnan ng dalawa dahil sa reaksyon ko. Kapagkuwan ay bigla na lamang nila akong nginisian.
"Hala ka, naunahan ka na ng iba. Naku, sino kaya yun? For sure maganda yun. Baka mas maganda pa sa'yo gurl!" ika pa ni Ley. Mabuti na lamang at maingay sa loob ng cafeteria kaya siguradong hindi iyon naririnig ng mga katabing table namin, lalo na ng grupo nila Davon na nasa tapat namin.
Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita sa sinabi nila. Hindi ko na sila pinansin. Ang tingin ko ay kusang tumagos sa kanilang dalawa at napadpad iyon kay Davon. Nang magtama ang tingin namin ay ni hindi ko na nagawang iiwas pa ang mata sa kaniya. Para kaming nagpapaligsahan sa titigan at hindi alintana ang mga tao sa paligid namin.
What if may nabubuo na talagang feelings sa akin para sa tukmol na 'to? What if totoong gusto ko siya? Should I tell him? Magc-confess ba ako? Pero pa'no kung hindi naman mutual ang feelings namin?
|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...