[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| T W E N T Y - T H R E E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Mom, Dad."
Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko agad sila mommy at daddy na nasa living room. Mukhang kakarating lamang nila base sa suot nilang naka-business attire pa. Natigil sila sa kung ano man ang pinag-uusapan nila nang magawi ang atensyon nila sa akin. Lumapit ako sa kanila at hinagkan sila sa pisngi.
Kahit may tampo ako kina mommy at daddy ay hindi ko iyon ipinapakita sa kanila. I smiled at the both of them before I sat on the single couch. Pareho silang nakaupo sa long couch at nakatingin sa akin.
"How was your study, Freya?" my dad asked. Kumpara kay mommy na Zayara ang tawag sa akin, my dad used to call me on my first name. I took off my coat at isinampay iyon sa mga hita ko.
"It's fine, dad." I smiled.
"That's good to hear. Anyway, we're having a business meeting, you wanna come?" Napakunot ang aking noo sa alok ni mommy. Matagal na rin simula nang huli nila akong sinama sa business meeting nila. Dapat ba ma-excite ako?
"Can I?" I asked her before I glanced at dad na abala sa kakakuti sa cellphone niya.
"Yes, sure. Siguradong mag-i-enjoy ka roon, sweetheart. By the way, sa Allarez's Beach Resort gaganapin ang mahalagang business meeting namin."
Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Allarez's Beach Resort, sikat na sikat iyon at hindi ko pa iyon napupuntahan. Ayon sa nakita ko sa socmed, ang lalaki daw hotels doon at patok na patok daw talaga dahil maganda rin ang serbisyo. Gladly, doon daw gaganapin ang business meeting nila, mukhang sosyalan naman pala ang meeting na yun.
KINABUKASAN, abala sa pagrereview ang mga kaklase ko pagdating ko sa classroom. Ang aaga pumasok para lang gumawa ng codigo. Eh ako? Syempre, sitting pretty ang mode ko ano. Meron namang hulog ng langit na magbibigay sa akin ng sagot mamaya so why waste my time for reviewing or making codigos? Tsk, sayang Lang ang precious time ko.
"Umm, hi, Cy!" Iniusog ko pauna ang armchair ko palapit sa armchair ni Cyrelle. He's busy reviewing his notes, ano pa nga ba? Tsk, bakit pa siya nagre-review eh kahit di niya naman gawin yun siya pa rin ang highest sa aming magkaka-klase?
Isinara niya ang notebook na binabasa saka lumingon sa akin. Nginitian ko agad siya, syempre para mas effective ano.
"Do you need something? Tulungan kitang mag-review?" Peke akong natawa sa kaniyang sinabi. Idi0t, I don't want to review. That's a waste of time.
"Ahm, he he, no. I don't want to but... y-you can just... you know, ahm, help me later?" nag-aalangan kong sambit sa kaniya. Ghad, tatagan mo para lang hindi ka makakuha ng itlog sa quiz mamaya, Yara! Napakunot ang kaniyang noo sa aking sinabi.
"What do you mean?" he asked.
"I mean, can you help me to answer the quiz later?" deretsang saad ko. Ayan, tama yan, Zayara. Walang hiya-hiya, ang mahalaga hindi ka makatikim ng itlog mamaya. Nakakasawa na rin iyon ano, araw-araw nalang itlog.
"Or I can just help you to review, that's much better." Napairap ako sa sinabi niya. What kind of suggestion is that? I said I'm not reviewing, never! At isa pa, tinatamad ako, wala ako sa mood na mag-review. Mapapagod lamang ang precious braincells ko diyan.
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...