SIMULA

5.3K 77 8
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| S I M U L A ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

What the f-ck? No way in h3ll I will do that!

"Mag isip ka ng ibang dare, Lesley, ayoko nun!" pagmamaktol ko sa aking kaibigan. Nagkatinginan sila ni Beatrix at sabay akong inirapan. Anak ng- dukutin ko mga mata neto eh.

"Kahit kailan talaga, napaka-kill joy mo Yara!" singhal sa akin ni Beatrix. Napanguso naman ako at naupo sa aking armchair. Sa dinami-rami kasi ng pupwedeng i-dare sa akin ay iyon pa talaga ang naisip nila. Ikaw ba naman, i-dare na halikan ang pinakamasungit/suplado na nilalang sa loob  ng Charles University? At hindi lamang iyon, isa pa itong captain ng basketball team na Red Warriors. Jusko, kapag ginawa ko ang dare na iyon ay siguradong hindi ako makakalabas ng walang bangas sa school na 'to. Sa dami ba naman ng Fans nun, naku!

"O sige, ganito nalang. Yung dare o ipagkakalat ko sa buong campus na crush mo si Keyshawn? Pumili ka, Yara." Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa naturan ni Lesley. Kainis, ang hirap naman ng mga choices. Ano bang pipiliin ko? Mahalikan ang supladong si Xavier Davon Conner o ang malaman ni Chance Keyshawn Roberts at ng buong estudyante ng Charles University na crush ko siya? Aish, bahala na!

"Fine! I'll choose the dare," suko ko at mariing napapikit. Nakakainis, gusto ko sana na si Chance ang maging first kiss ko eh! The problem is, ayokong malaman niya na crush ko siya, nahihiya ako no. Saka isa pa, Chance is already taken so ayoko naman na masangkot sa malaking gulo ano.

"Ayown naman pala eh. Ano pang hinihintay natin, arat na sa gym!" Napatanga ako sa hiyaw ni Beatrix sabay hila kay Lesley na tila nai-excite na sa mangyayari. Gosh, what should I do now?

"H-hindi ba pwedeng mamaya nalang? Magsisimula na ang klase." Masyado naman yata silang nagmamadali? Saka isa pa, gosh, kinakabahan ako. Baka mamaya kapag hinalikan ko ang Mr. Suplado na iyon ay baka masapak pa ako, geez.

"Now na, nagpapractice sila ngayon sa gym!" tili pa nitong si Lesley. Anak ng porkchop naman oh, sila nalang kaya? Ghad, hindi ko pa nga naireready sarili ko, first kiss ko pa naman iyon naku!

Napatili ako nang halos kaladkarin na nila ako palabas ng classroom. Mga tinamaan ng kulog, narito pa naman ang mga kaklase namin na tila nagtataka na sa aming tatlo. Naman o!

"Sandali, huwag niyo naman akong kaladkarin!" singhal ko sa kanila. Binitawan naman nila ako at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad patungong gym.

Pagkarating namin sa gym ay naabutan namin doon ang Red Warriors na nagpapahinga at tila lahat sila ay pagod dahil sa practice. Nilingon ako pareho ni Lesley at Beatrix saka itinulak kaya naman muntik na akong matapilok sa hagdan.

"Naman oh, gagawin ko naman eh. Di ba pwedeng hintay lang kayo?" Medyo napalakas yata ang boses ko kaya't napalingon sa amin lahat ng members ng Red Warriors. Kasama doon syempre ang captain nila, si Davon. Napapikit ako ng mariin. Anak ng tinapa naman oh, kinakabahan talaga ako! I swear, pagsisisihan ko 'tong gagawin ko.

"Gora na, Yara!"

Napairap ako sa hangin at padabog na bumaba ng hagdan para tunguin ang kinaroroonan ng Red Warriors, especially Davon. Geez, bahala na si Dora. Bago pa man ako makalapit kay Davon ay muli kong nilingon ang nga magagaling kong kaibigan, hanep. May pa thumbs up pang nalalaman ang mga bruha, papaano ko ba naging kaibigan ang mga tinamaan ng kulog at kidlat na 'to?

"Woah, you're Freya Zayara, right?" narinig kong sambit ng isa sa miyembro ng Red Warriors. Kung hindi ako nagkakamali, Yoshi ang pangalan niya. Langya, tunog sigarilyo pa ang putik. Hindi ko na ito pinagka abalahan pa at dumeretso na sa harapan ni Davon. Narinig ko ang pagsinghap nila, ang ilan pa nga ay napasipol pa.

Nakaupo si Davon sa bench habang may hawak siyang mineral bottle. He's sweating on his shirt but still looking handsome as fudge. Arg, I'm not here para purihin ang kagwapuhan niya. Anyway, may nakasampay na puting towel sa kanang balikat niya at magulo at basa rin ang medyo brown niyang buhok. He's eyeing me seriously, tulad ng kung ano ang expression ng mukha niya parati.

This man, ang gwapo sana kaso lang, SUPLADO!

"What?" supladong aniya matapos ilapag sa tabi ang mineral bottle. Ramdam ko na tutok na tutok sa aming dalawa ang mga kasama niya, tila naghihintay sila ng susunod na mangyayari. Ilang beses akong napalunok at hindi pinansin ang supladong mukha ni Davon, lalo lamang iyong nagpapakaba sa akin. Isang hakbang pa ang aking ginawa palapit sa kaniya saka ako humawak sa magkabila niyang balikat. Nakatitig lamang siya sa akin, tila hindi siya aware sa gagawin ko.

At para matapos na nga ang lahat ng ito ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mabilis na hinalikan siya sa labi. Narinig ko pa ang singhapan at hiyawan ng mga kasama niya. Nang tignan ko siya ay bakas na bakas ang gulat sa mukha niya. At bago pa man siya makabalik sa reyalidad ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng Gym. Pakshet, paktay ako neto!

Hinihingal ako nang makarating ako sa tapat ng aming classroom. Anak ng  tinapa, mabuti at wala pa ang aming guro. Kung nagkataon, yari talaga ako. Ano ang idadahilan ko? Na dumayo ako sa gym at nakipaghal- aish! Ang mga unggoy kase na yun eh, humanda talaga sila sakin!

"Ms. Quinzon, saan ka galing?" Napatayo ako ng tuwid at napahawak sa hamba ng pintuan nang marinig ang pamilyar na boses. Hinawi ko ang ilang hibla ko ng buhok na tumabon sa mukha ko at inipit iyon sa likod ng aking tenga. Arg, kahihiyan na naman to pramis.

"Ah eh, he he." D@mn, wala akong masabi. Nakagat ko ang ibabang labi at tiningnan ang aming class president, si Chance. Yes, he's our class president. Nakatayo siya sa unahan habang nakataas ang kilay sa akin. Yeah right, kung wala ang teacher ay siya ang inaatasan na magbantay sa amin since siya ang responsable para doon. Naman, bawas charm na naman ako kay crush, kasalanan 'to ng mga bruhilda na yun eh.

Speaking of mga bruhilda, kakarating lamang nila. Mga bw!sit, nakangising aso pa sa'kin. Suntukin ko mga mukha neto eh.

"Ayos ba?" pang-aasar pa sa akin ni Beatrix, g@go ang putik. Inirapan ko ito at dumeretso na sa loob ng classroom.

"P-pasensya na president, hindi na mauuulit he he." Napakamot ako sa batok at nginitian si Chance pero nag-iwas lamang ito ng tingin. Maya-maya ay napabuntong hininga ito at tanging tango na lamang ang isinagot sa akin. Sa huli, nagtungo na ako sa aking armchair kasunod ang mga aso- este ang aking mga bruhang kaibigan. Sa may likuran ko sila nakaupo , mas maganda daw yung pwesto na yun, mas madaling manggaya sa akin. Mga anim@l, pare-pareho lang naman kaming b0b0.

"Kainis, siguradong paktay ako nito. Kasalanan niyo to eh," inis kong aniya pagkatapos lingunin ang dalawang bruha sa likod. Sa halip na matakot sa nanlilisik kong mga mata sa kanila ay tinawanan lamang nila ako saka nag peace sign. Jusme, bakit ba ganito ang mga kaibigan ko?

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon