[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!
|| T W E N T Y - F O U R ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Hoy."
Habang nasa byahe ay hindi ko na napigilang tawagin siya. Kanina pa siya tahimik pero alam kong naiinis siya at hindi ko malaman kung bakit. Naglalabasan ang ugat sa mga kamay at braso niya, halata rin kung gaano kahigpit ang kapit niya sa manibela. Naka-uniform pa rin naman siya pero hindi niya suot ang coat niya. Nakatupi rin hanggang siko ang sleeve ng polo niya at maluwag ang pagkakakabit ng necktie niya.
"Master..."
Muli ko siyang tinawag at sa puntong ito at bahagya ko pang hinila ang sleeve niya para pansinin niya ako. Gosh, bakit ko nga ba ginagawa 'to? Kung ayaw niya akong pansinin, edi don't! But why do I have this feeling na gusto kong pansinin niya ako? Shocks, this is crazy.
"What?" Sa wakas, nagsalita rin ang tukmol. Hindi niya ako nilingon at hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay niya. Bakit parang mas gwapo siya kapag naiinis? Oh fvck, enough with the bvllsh1ts, Yara! Magtimo ka nga, kung anu-anong iniisip mo!
"Problema mo?" I asked.
Saglit niya akong sinulyapan ngunit agad ding ibinalik sa daan ang tingin. Sarkastiko siyang napatawa na ikinakunot ng noo ko. Hindi siya nagsalita, sa halip ay itinukod sa may bintana ng kotse ang siko niya saka pinaglaruan ng nga daliri niya ang kaniyang labi. Okay, he looks hot doing that, can't deny it.
"Ano sa tingin mo?" Napairap ako sa tanong niya at ibinaling sa daan ang tingin. Kaya nga nagtatanong ako eh, kase hindi ko alam. T@nga ba 'to?
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" asik ko nang hindi siya tinitingnan. Ramdam kong sinulayapan niya ulit ako pero hindi ko siya pinansin. Humalukipkip ako at sa tingin ko ay hindi na maipinta ang mukha ko ngayon.
"Tsk, bakit mukhang ikaw pa ang naiinis ngayon? Ako dapat yung naiinis." Hindi ako makapaniwalang nilingon siya. Darn, he's getting to my nerves.
"Eh ano ba kaseng ikinagagalit mo? Kanina pa hindi maipinta yung mukha mo. Malay ko bang inaatake ka ng moodswing mo?" Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko. Kung may makakakita sa amin ay iisipin nilang magkasintahan kaming nag-aaway. Sino kaseng hindi maiinis sa isang 'to? Siguro may dalaw 'to?
Ihininto niya ang sasakyan at hinarap ako. "I'm jealous, Zayara." Natigilan ako. Ang kaninang inis kong mukha ay napalitan ng gulat. Napatanga ako habang siya ay nanatiling nakatitig sa akin gamit ang seryoso niyang mukha. Teka, tama ba yung narinig ko? Baka naman guni-guni ko lamang iyon?
"A-Ano?" nalilitong tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig lamang sa akin. Kaya iyon lamang din ang ginawa ko habang hinihintay na sagutin niya ang tanong ko para malinawan ako. Ngunit malalakas na busina ng mga sasakyan ang umabala sa amin kaya pareho kaming nagulat at nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Ngayon ko lamang napansin na nasa highway pala kami at maraming sasakyan ang nasa likuran namin. Hindi sila makadaan dahil nakaharang ang sasakyan ni Davon.
"Nothing... Don't mind what I said." Right after he said those words ay pinaandar niya na ulit ang sasakyan. Sa halip na kulitin pa siya tungkol sa bagay na iyon ay nanahimik na lamang ako at ibinaling sa daan ang tingin.
6:00 PM na nang makauwi ako sa bahay, ihinatid ako ni Davon. Pagkapasok sa bahay ay dumeretso na agad ako sa aking kwarto para maghalf-bath. Hindi na ako magdi-dinner. Actually bago ako ihinatid ni tukmol ay kumain pa kami sa Japanese Restaurant. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon namin kanina. Paano, ni hindi kami nag-iimikan kahit na magkasabay at magkaharap kami sa pagkain. Hanggang sa ihinatid niya ako ay hindi niya ako kinausap. Hindi ko rin naman aiya kinulit dahil mukhang wala takaga siya sa mood.
Pagkatapos kong mag-half-bath ay dumeretso agad ako ng dapa sa kama ko at ini-open ang laptop ko para mag-online. Tamang scroll lamang ako sa facebook ko nang may biglang nag-message sa phone ko. Inalis ko ang atensyon sa aking laptop at ini-open naman ang cellphone ko. Si Beatrix, nag-text sa'kin. In-open ko agad yun at binasa.
BEAB1TCH:
'Ano? Kumusta ang date niyo ni Cy? Unsuccessful ba?'
Napakunot ang aking noo. Paano niya nalaman? Teka, naalala ko yung sinabi nila kanina sa classroom. Hindi kaya...
ME:
'G@ga, don't tell me you told Davon na we're suppose to date?'
BEAB1TCH:
'Tell me paano magselos si Captain?HAHAHA'
And now, naalala ko naman ang kaganapan sa kotse ni Davon kanina. He said he's jealous pero I don't know if he's telling the truth. But what if he is? Does that mean... Arg, don't assume, Zayara. He doesn't like you and you don't like him. That's it!
ME:
'B1tch, he's not jealous.'
Ini-off ko na ang phone ko at hindi na binasa pa ang reply niya. Sa halip ay itinuon ko na lamang ang oansin sa aking laptop at nag-scroll na lamang sa facebook ko. Hanggang sa madako ang tingin ko sa facebook stories at nakita roon ang story ni Davon. Looks familiar kaya ni-click ko iyon para ma-view. I'm a little bit shock nang makitang picture iyon sa restaurant kanina.
I thought it was just a picture of foods na nasa table pero naagaw ng pansin ko ang half-body ko. Sinadya niya yatang hindi madala sa picture ang mukha ko. Bukod doon, mayroon pang GIF na heart sa may babang parte ng picture. Pero hindi lamang iyon ang nakaagaw sa atensyon ko. It's a small text beside the GIF.
'dinner date?'
What the hell? H-How dare h-Arg, it's not a fvcking dinner date idi0t! That man, what did he think he is thinking? May dinner date bang ni hindi man lang nag-iimikan? Dinner date pala iyon pero bakit hindi ako aware? Teka, bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa isiping iyon? No, no, enough with the sh1ts, Zayara! Aahhh, kase naman ih, pvtangina naman Conner oh, ako bang ginagawa mo sakin?
Feeling ko nawala na ako sa sarili ko. Natagpuan ko na lamang na nagpapagulung-gulong na ako sa kama at halos mapunit na iyong labi ko kakangiti. What the fvck, what am I doing? Nababaliw na ba ako? Shocks, kailangan ko na yata magpatingin, hindi na maganda 'to.
The last time I checked, matagal na nang huli kong maramdaman 'to and I hate it. I don't wanna feel this again, please. Ayoko nitk, I'm afraid na baka kung saan na naman humantong ang ganitong feeling. No, not again.
|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...
