[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| F O R T Y - F I V E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon. At masasabi kong tila ako ay pinaparusahan. Simula nang gabing iyon, naging mailap si Davon sa akin. Para mas maging maliwanag, iiniwasan niya ako. Everytime na mag-a-attempt ako na kausapin o lapitan siya, hindi niya ako pinapansin. Unlike noon, hindi ko na siya nakakasabay tuwing breaktime and that sucks. Pero hindi iyon ang masakit sa lahat. It's everytime na makikita ko siyang may kasamang ibang babae.
Para akong pinapatay sa sobrang sakit na makitang ang lalaking mahal ko ay may kasamang iba. Parang gusto ko na lamang maglaho kesa makita siyang ganoon. Katulad na lamang ngayon. Nasa cafteria kami para kumain ng lunch pero tila wala akong ganang kumain. The man I love is eating with his friends with a girl beside him.
"Zayara, let's go. Malapit na mag-time."
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kakatitig sa kaniya. Ni hindi ko nga naubos ang pagkain ko. Tumayo na sila Ley, Bea together with Cy and Chance. Walang gana akong tumayo pagkatapos ang huling oagsulyap sa gawi nila Davon. Nahuli ko pang tumingin siya sa akin at ang sakit sa pakiramdam na wala akong mabasang kahit anong emosyon sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil tinawag siya nung babaeng katabi niya. Sa pagkakaalam ko ay classmate niya iyon, si Clarina.
Nagpahila na lamang ako kay Chance hanggang sa makarating kami sa classroom. Pagkatapos ng gabing iyon, everyday is a he1l day for me. Ang bigat sa pakiramdam lalo na at alam ko na may kulang. Hindi mabuo-buo ang araw ko at hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako. Ang hirap lang na ang lapit niya pero parang napakalayo na niya sa akin. I miss him, sobra. It's almost 2 weeks pero para akong pinapatay.
PAGSAPIT ng hapon ay deretso uwi na kami ni Chance. Dere-deretso lang ako sa kwarto at nagbihis nang makarating kami sa unit. Buhay na buhay pa ako pero pakiramdam ko ay patay na ang puso ko. Why do we have to be in this point? Why can't I just be free to choose the man I love? Ang dami-daming tanong sa isip ko na walang kasagutan. Lahat-lahat mayroon ako, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. But not the man I love the most. At ang masakit ay ang mga magulang ko pa mismo ang dahilan kung bakit kailangan siyang malayo sa akin.
Ngayon ay nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagbuntong hininga. Napabalik lamang ako sa reality nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Chance. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa gawi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, "May kailangan ka?" Hindi siya sumagot at dumretso lamang sa harap ng kaniyang closeth. Napakunot ang noo ko nang kumuha siya roon ng ilang damit ang inilapag sa kama. "Anong ginagawa mo, maglalayas ka?" tanong ko sa kaniya kapagkuwan.
Tumigil siya sa ginagawa at tiningnan ako. Saka niya sinabing, "Bukas na ang outing, wala kang balak maghanda ng mga gamit?" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa kaniyang sinabi. Right! Bukas na nga pala ang outing. Napatampal ako sa noo at nagtungo na rin sa closeth ko upang maghanda ng gamit na dadalhin ko bukas. Sa dami ng nangyari the past 2 weeks ay nawala iyon sa isip ko.
Habang naghahanda ay mayroon akong naalala. Mabilis kong nilingon si Chance na inaayos yung maleta na dadalhin niya, three days kase kami roon sa nasabing resort. Bale ni-rent lang para sa estudyante sa school namin ang resort na iyon for three days, cool diba?
"Bibili muna ako ng snacks na bao para bukas, Chance. Diyan lang sa malapit na convenience store," ika ko. Tumigil siya sa ginagawa bago ako nilingon at sinabing, "Nakabili na ako kanina, nakahanda na roon sa dining."
"Kailangan ko ng sanitary napkin," deretsang saad ko. Hindi la kase ako nagkakaroon so baka in the next days ay dumating ang bisita ko. Irregular pa naman ang menstruation ko kaya mahirap talaga dahil hindi ko alam kung kailan darating. Tumango na lamang siya sa akin kaya paalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan at sinabing, "I'll go with you, gabi na."
Napatawa ako ng mahina at nilingon siya. "Ang OA mo, 7:26 PM palang. Kaya ko na 'to ano ka ba. Diyan lang naman ako sa malapit, parang t4nga 'to." Napabuntong hininga na lamang siya at muling tumango senyales na suko siya sa akin. Hindi na ako nagbihis dahil naka oversized gray shirts naman ako tapos short shorts. Okay na ito, dyan lang naman sa malapit.
Pagkalabas ng condominium ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng gabi. Hindi pa malalim ang gabi kaya naman marami-rami pa ang tao na pabalik-balik sa kalsada. May grupo pa nga ng estudyante na dumaan, mukhang ngayon lamang uuwi. Naglakad-lakad na ako dahil ilang metro lamang naman ang layo ng comvinience store sa condominium.
"Hey! What th fvck! Hmmp!" Napamura ako nang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay may bigla na lamang humila sa akin patungo sa madilim na sulok bg sidewalk at tinakpan ang bibig ko. Nataranta ako sa takot lalo nang matunugan ang mangyayari. Natitiyak kong lalaki ito base sa texture at laki ng kaniyang kamay na nakatakip sa aking bibig. Sinubukas kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin. Pilit niya akong idinidiin sa pader upang hindi ako makagalaw.
"Sshh, love it's me. It's me, Blake, the man you love." Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang kaniyang sinabi. What the he1l is he doing? Would he kill me?
"I'm so jealous with my cousin, daoat sa akin ka lang ikasal. You're mine, Zayara. Akin ka lang." Nangatog sa takot ang tuhod ko nang maramdaman ang labi niya sa leed ko. This b@stard, ano ba ang pinagsasabi niya. I'm not his at lalong hindi ako papayag na sa kaniya makasal.
"Hmmp! Hmmmp!" Impit akong nagsisigaw nang halik-halikan niya ang leeg ko at kung anu-anong kabaliwan ang ibinubulong sa aking tenga. Oh ghad, this is harassment, somebody help me! Please, this man is crazy!
Tulong!
Gusto ko nang umiyak sa takot at kung sino-sinong santo na yata ang tinawag ko sa pagdadasal ng tulong. And later on, dininig ng kalangitan ang aking dasal. Isang malakas na suntok ang narinig ko bago bumulagta sa semento si Blake. Napaiyak na ako ng tuluyan at napaupo sa takot habang pinanonood ang lalaki na bugbugin si Blake. Ni hindi pumasok sa isipan ko na pigilan ito at baka mapatay niya si Blake dahil tanging takot ang nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos ay lumapit sa akin ang lalaki at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. Nang maramdaman ko ang palad niya sa akin ay tila nawala ang takot sa sitema ko at naramdamang ligtas ako sa mga kamay niya. Nang nasa maliwanag na parte na kami ng sidewalk ay saka ko nakita kung sino ang lalaki. Muling bumuhos ang mga luha ko nang masalubong ang nag-aalala niyang nga mata.
"Davon... Babe, you're here."
[ U N E D I T E D ]
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...