Chapter 27

1.2K 31 6
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T W E N T Y - S E V E N ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

KINABUKASAN ay siya agad ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang ng gate. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakayuko at naka-krus ang kaniyang mga braso. Kusang ngumiti ang mga labi ko sa di malamang dahilan at lumapit sa kaniya. Bahagya kong hinila ang sleeve ng suot niyang polo para kunin ang atensyon niya. Tsk, wala na naman siyang suot na coat.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang makita ako. Nagulat pa ako nang bigla nalang siyang humalik sa pisngi ko at sinabing, "Good morning."

Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang gustong lumabas na ngiti sa labi ko. Kapagkuwan ay tumikhim ako at deretsong tiningnan ang mga mata niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Kumunot ang kaniya noo at sinabing, "Sinusundo ka,  my queen." He then smiled again, aba at nawiwili yata siya sa kakangiti niya? Good mood siguro siya ngayon at mukhang hindi mainit ang ulo. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya upang itago ang ngiti. Ghad, what the fvck is he doing to me right now?

"Ganoon ba? O sya, ihatid mo na ako sa eskwelahan, DAMA." Diniinan ko ang nahuling salita para asarin siya. Napangisi oa ako bago siya talikuran upang sumakay na sa shotgun seat. Gusto kong matawa sa hitsura niya nang sumunod siya at sumakay naman sa driver's seat. Nakanguso siya na para siyang batang inagawan ng lollipop. At that thought, hindi ko na napigilan pa ang mapatawa. Lukot ang noo naman siyang napatingin sa akin.

"What's funny?" nguso pa niya bago ini-start ang engine ng kaniyang sasakyan at nagsimulang magmaneho paalis ng bahay.

"Para kang bata kapag nakasimangot ka. Akala mo tuloy inagawan ng lollipop," tawa ko pa na lalong nagpahaba sa nguso niya. He looks cute, I admit. How come this Xavier Davon Conner can be both handsome and cite at the same time?

"You called me, dama." Napataas ang aking kilay sa paghihimutok niya at lalong napatawa. Iyon lamang ba? So na-offemd ba siya sa sinabi kong iyon? That was just a joke, I know he knows that.

"Tinawag mo akong reyna so tinawag kitang dama," natatawang paliwanag ko sa kaniya. Hindi naalis ang pagkanguso niya at lalo pa akong natuwa nang ikutan niya ako ng mata. Walangyang lalaki 'to, ang taray.

"You're supposed to call me your King, psh." I laughed again on what he said. Tila nainis siya sa akin so he stopped the car and crossed his arms while looking at me with his pouting lips. Sinubukan kong tumigil sa pagtawa pero lalo lang akong napapatawa sa mukha niya.

"You look hot when you're laughing."

Nasamid ako ng sariling laway at doon na napatigil sa pagtawa. Nang tingnan ko siya ay nakataas na ang kilay niya sa akon habang may ngisi sa kaniyang labi. Fudgee bar, nag-iinit na yata ang pisngi ko. Kung anu-ano naman kase ang pinagsasasabi ng tukmol na 'to.

Nag-iwas ako ng tingin at nanahimik na. Napansin kong nasa gilid pala kami ng daan sa tapat ng isang cake shop.

"Why did you stop laughing? Go on, continue."

Ramdam ko ang pang-aasar sa boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi ako kumibo, ghad this is awkward. Napakagat ako sa ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri, pinipigilang lingunin siya. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi na siya ngayon sa akin. Knowing him, he's a b@stard, tsk.

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon