[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| F O R T Y - S I X ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
KINABUKASAN ay umalis kami sa condo ni Chance sa nung mga bandang alas siyete ng umaga. 8:30 pa raw naman ang alis ng service namin na bus. Hindi lahat ng estudyante ay sumama sa outing. Bale hinati kami in a half dahil masyado kaming madami pag pinagsabay-sabay so yeah. Naghihintay sa amin sila Ley at Bea together with Cy sa malapit sa gate pagpasok namin. May mga nakaparada nang mga bus na tiyak kong service namin. Sinalubong agad kami nila Bea at hinila patungo sa bus kung saan kami sasakay.
May mga estudyante na rin doon at sakto ang bilang namin para maokupa ang lahat ng upuan. Ang maleta na dala namin ni Chance ay ipinalagay na sa compartment bago kami pumasok sa bus. Naghanap kami ng bakante pang upuan at nakakita namin doon sa may bandang dulo. Bale magtatabi kami ni Chance tapos si Cy at Ley naman. Tong dalawang 'to, bakit kase hindi nalang maging sila para mas kawawa si Bea, char.
So ayun nga, nagtungo kami sa bandang dulo ni Chance at naupo roon. Mapaglaro talaga ang tadhana dahil sa harapan pa namin mismo nakapwesto si Davon at si Clarina. Mabilis na naramdaman ko ang paninikip ng dibdib dahil sa labis na selos. Ako yung girlfriend pero ibang babae ang nasa tabi niya. How can he be this cruel to me? Alam kong nasasaktan siya dahil sa pesteng engagement na yan pero ako rin naman ah. We can just talk about it pero paano kung iniiwasan niya ang presensya ko?
Mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari kagabi. Kung hindi siya dumating ay baka kung ano na ang nagawa sa akin ni Blake. Kaya nga that time, I was expecting na yayakapin niya ako at pakakalmahin mula sa takot pero hindi. Sinermonan niya pa ako na kesyo bakit daw nasa labas pa ako nang mga oras na iyon at naglalakad mag-isa. He looks so mad that time bago ako hinatid sa condo unit at iniwan. Ni hindi ko siya nagawang kausapin dahil tila nagmamadali siya na iwan ako. Tila ba ayaw niyang tagalan ang presensya ko. And that svcks!
"Yara, aalis na tayo." Napabalik lamang ako sa realidad ng tapikin ni Chance ang pisngi ko. Umayos ako ng pagkakaupo at humanda sa pag-alis ng bus. Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay wala sa daan ang atensyon ko. Kundi sa mga taong nasa harap ko.
"Let's take a selfie, Davon. I'll post it on my IG," rinig kong saad ni Clarina. Pati ang tunog ng camera shot ay rinig na rinig ko rin. Kumukulo ang dugo ko, parang gusto ko na lamang manakmal ng tao. But that wasn't end there.
"You look so cute, babe."
Babe? What the fvck is that? Sila na ba? Teka, ni hindi pa nga kami naghihiwalay tapos sila na? Ha! Is this a fvcking joke? Kung oo, hindi nakakatuwa. I wiped my cheeks nang maramdaman kong may basa roon. Great! Stop crying, Zayara, fvcking stop it!
But I can't...
Imbes na tumigil ay nagtuluy-tuloy ang bagsak ng mga luha ko. Oh ghad, I never know this will hurt like this. Maya't maya ang pahid ko sa aking mga luha pero tuluy-tuloy pa rin iyon sa pag-agos. Naninikip na ang dibdib ko at nananakit ang lalamunan dahil pinipigil ko ang mapahikbi. And later on, naramdaman ko na lamang ang isang bagay na isinuot sa ulo ko. A cap from Chance.
"Stop crying, magmumukha kang pato mamaya nyan." Inis ko siyang tiningala at sinamaan ng tingin sa kaniyang sinabi. Can't he see na nagi-emote ako? Sa inis ko ay tinanggal ko ang cap na isinuot niya sa akin at ibinalik sa kaniya. Pero ang gagv, tinawanan lamang ako bago isinuot muli sa akin iyon. "Pikunin," ika pa niya na ikinairap ko.
Pagkarating sa nasabing resort ay deretso agad kami sa lobby ng hotel para asikasuhin muna ang mga gamit namin. Ni hindi manlang kami hinayaang pagmasdan ang magandang view, nagmamadali kase si Ms.Layla. Sarap ihagis sa pool.
Ibinigay na sa amin ni Ms. Gurang ang susi sa bawat room at in-assigned na rin kami kung sino ang mga kasama namin. Syempre, magkakasama kami nila Ley at Bea plus si Agnes, yung Business manager sa classroom namin. Sa ngayon ay ang Business Ad students, Nursing, Architecture, at Engineering students ang magkakasama in 3 days here in resort. This is a plain outing, ni wala manlang silang pa-activities. So ayun nga, nagtungo na kami nila Bea sa aming room. Ihinatid pa kami ni Chance dahil dala nito ang maleta ko.
"Hoyy, anong meron kay Clarina at Davon? Sila na ba? Pero hindi pa kayo break ah." Akala ko ay makakapagpahinga na ako pagkahiga ko sa kama nang biglang tumabi sa akin sina Bea at Lry oara itanong iyon. Pagod akong nagbuntong hininga at sinulyapan si Agnes na abala sa pag-aayos ng kaniyang gamit. Mukha hindi naman ito nakikinig sa pinag-uusapan namin saka may kausap din ito sa kaniyang cellphone. I looked at Ley afterwards and then shrugged my shoulders before I said, "I don't know."
Alam nila ang nangyari 2 weeks before. Ikinuwento ko sa kanila ang ginawang pag eskandalo ni mommy sa condo at kung anong ginawa nito. Lahat, bawat ditalye. At maski sila ay nagtataka nang nagsimulang iwasan ako ni Davon.
"You should know. You're still his girlfri-"
"Hindi ko alam kung girlfriend pa rin ba ang tingin niya sa akin, Bea, Ley. I don't know. All I want is to talk to him. Gusto ko siyang makausap at ayusin namin kung anong meron kami. But I can't lalo pa at mailap siya sa akin. I don't know what to do." Mabilis nila akong dinaluhan nang magsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Inalo-alo nila ako nang bigla na lamang akong humikbi. Inalalayan nila akong bumangon saka ako pinakalma.
"Sshh, sige ilabas mo lang lahat, we're here. We're friends right?" ika pa ni Ley habang hinihimas ang likod ko. Napayakap na lamang akk kah Bea at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Kalaunan ay kumalma na rin naman ako. Inayos ko ang sarili at ilang beses na huminga ng malalim. Good thing, I have them. I have my best friends na nandiyan to comfort me.
"Ang gawin mo, Yara, kausapin mo siya. Ask him kung anong problema niya, why is he avoiding you. Linawin mo sa kaniya kung meron pa bang kayo o baka ikaw na lamang itong umaasa dahil nauna na siyang bumitaw? Fix your self, Zayara. We know you're a strong woman."
[ U N E D I T E D ]
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...