[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| T W E N T Y - O N E ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Ano sama ka ba, Yara? "
Nagkayayaan si Ley at Bea na pumunta sa bar mamayang gabi, sawi daw kase itong si Lesley dahil hindi siya sinagot ni Brent, iyong matagala na niyang crush na nursing student. Oo, tama ang iniisip niyo. Ang g@ga ba naman, kababaeng tao ay siya pa ang nanliligaw. Naku mabuti na lamang at kahit na hibang na hibang ako noon kay Chance eh hindi ko iyon ginawa.
Speaking of him, ano ba ang pumasok sa kokote niya at inalok niya ako ng bagay na iyon? A rebound girl? Gaano ba ako kat@nga sa tingin niya at inisip niyang papayag ako roon? Oo, gusto ko siya at noon ay pinangarap ko na maging girlfriend niya pero hindi maging isang rebound girl.
I just told him na pag-iisipan ko iyong alok niya. But actually, I don't want to. Gusto kong ma-heal siya from being broken but in a right way. Hindi iyong gagamitin pa niya ako para makalimutan iyong taong yun. That will be unfair to me kapag dumating sa punto na nakalimot na siya, na he's already healed. Kase for sure, iiwan niya lang ako sa ere kase okay na siya.
"Hoy! Pvt@ngina talaga neto, nasaan ba iyang isip mo? Sa jupiter?" Napa-aray ako sa sakit nang bigla na lamang akong batukan ni Bea. Anak ng teteng, kung maka-batok, tatalsik yung ulo ko eh. Sayang naman, ang ganda-ganda ko kaya. Sinamaan ko ng tingin si Bea pati na rin si Lesley nang marinig ko ang halakhak nito. Ha, masamid ka sana ng juice. Napangisi ako nang magkatotoo ang nasa isipan ko. Sa kakatawa ni Lesley ay nasamid siya ng juice. Heto, namumula lang naman ang mukha niya.
"Problema mo ba? Ba't nangbabatok ka?" Hinila ko ang buhok ni Beatrix na ikinadaing niya. Masanay na kayo, ganito talaga kami. Mahal namin pareho ang isa't isa at ganito lamang kami maglambingan.
"Eh pano, kanina pa kami dada ng dada, hindi ka naman nakikinig," said Lesley nang maka-recover siya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa glasswall, kitang-kita dito sa loob ang mga taong naglalakad sa labas pati na rin ang mga sasakyan.
Kung hindi ko pa nababanggit, narito kami sa isang cakeshop. Pagkatapos ng dismissal namin ngayong hapon ay dito agad kami dumeretso. Medyo malayo sa university pero okay lang, may sasakyan naman. Nagtaxi lamang kami dahil wala pa iyong mga sundo namin. Napagdesisyunan nalang namin na tawagan o i-text na lamang ang mga driver namin.
"Chance ask me to be his rebound girl, kuno." Napaubo sila pareho sa akinh sinabi kaya napalingon ako sa gawi nila. Magkatabi lamang kami ni Beatrix samantalang sa tapat namin nakaupo si Ley.
"Break na sila ni Rhana?"
"Anong sabi mo? Pumayag ka? Syempre pumayag ka, crush mo yun eh. "
Natahimik ako ng pareho nila akong tinanong. Kapagkuwan ay napairap ako kay Lesley. Ang isang 'to, tingin niya ba ay t@nga ako para pumauag maging isang rebpund girl? Well, bilang isang maganda, wala iyon sa vocabulary ko.
"G@ga, hindi ako pumayag no. Ano ako t@nga?"
Muling umikot ang eyeballs ko bago inubos ang black forest cake na inorder ko. Kanina pa kami rito pero ngayon ko lamang naubos. Naisip ko lang, hindi lamang naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag sa gusto ni Chance. Sa totoo lang, pakiramdam ko nga ay wala na akong crush sa kaniya. Parang wala lang kase sa akin eh. Siguro kung tulad noon, baka tuwang-tuwa ako kase nagbreak na sila ng girlfriend niya. Pero kanina? Nung sinabi niya sa akin, wala eh. Wala akong nararamdaman. Nakapagtataka lang.
Umuwi na kami pagkatapos namin tumambay at lumamon. Tulad ng plano ay tinawagan lamang namin ang driver namin na doon kami puntahan. Hindi ako pumayag na sumama sa kanila sa bar mamayang gabi dahil nga may pasok pa kami bukas. Ayokong magmukha na naman akong panda ano.
Kinabukasan ay ganoon pa rin naman ang routine. Gigisng ng maaga kahit na medyo kulang pa ako sa tulog. Maliligo at kakain ng breakfast bago ako magpahatid sa driver doon sa university. Mga 7:16 AM siguro ako nakarating doon. Nagulat pa ako nang madatnan ko sa may gate si Davon, kasama niya ang mga friends niya. Mukhang nagkakatuwaan sila dahil panay ang tawa ng mga kasamahan niya.
"Required bang sa gate kayo mag-tsismisan?"
Tumigil ako sa tapat nila kaya napatigil sila sa tawanan. Tinaasan ko ng kilay si Davon nang mapansing titig na titig ito sa akin. Nakasandal siya sa gilid ng gate habang nakakrus ang mga braso niya sa dibdib. Bumakat tuloy ang muscles niya sa kaniyang puting longsleeve, wala kase siyang suot na coat di tulad ng mga kaibigan niya at ng ibang mga lalaki sa loobng university. Paano, imbes na isuot ang coat ay nakasampay lamang iyon sa kaniyang balikat.
"Good morning, alipin ko." Rinig ko ang mga pigil na tawa ng mga kaibigan niyang si Yoshi at Reid nang batiin niya ako. Mautot sana kayo, tsk. Tinaasan ko siyang muli ng kilay bago kunin ang bag niyang iniabot niya sa akin, natural, para ako ang magdala.
"Bakit wala ka kahapon?" tanong ko sa kaniya. Nauna na siyang maglakad paalis roon kaya hinabol ko pa siya para makasabay ako sa kaniya. Ang mga kaibigan niya naman ay nakasunod lamang sa likuran namin.
"May sinundo lang ako sa, airport," he said.
Ang mga kamay niya ay nakapasok sa mga bulsa ng slacks niya at parang haring naglalalad. Nang nasa hallway na kami ay may mga nakakasabay at nakakasalubong kaming mga kapwa namin estudyante. Ang ilan ay panay pa ang tingin sa amin at ang ilan ay nagbubulungan. Para bang kami ang hot topic for today's news. Hindi ko na lamang sila binigyang pansin dahil for sure, naiinggit lamang sila. Ha, mamatay kaso sa inggit.
"Sino?" I asked him. Huminto siya sa paglalakad at kunut-noo akong tinitigan. Napahinto na lamang din ako habang inosenteng nakatingin sa kaniya. May nasabi ba 'ko?
"Why, are you confuse?" Nagtaas siya ng kilay at humalukipkip. Napairap naman ako at nag-iwas ng tingin. Nauna na akong maglakad sa kaniya, bitbit pa rin ang kaniyang bag. Nagtatanong lang naman eh. Kailangan ba pag nagtanong, may rason? Tsk, gunggong talaga.
Narinig ko ang pagtawa niya bago siya sumunod sa akin. Ang ikinagulat ko pa ay ang bigla na lamang pag-akbay niya sa akin. Nagpupumiglas ako at pilit inaalis ang braso niya ngunit lalo niya lamang iyong hinigpitan, iyon bang halos nakayakap na siya sa leeg ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ang loko, tinawanan niya lamang ako.
"Si ate Daisy yung sinundo ko," he said then pinched my nose na dahilan para halos mag-alburuto ako sa inis. Problema ba ng isang 'to at tila gigil na gigil sakin?
"Daisy? May ate ka?"
Medyo nagulat pa ako nang malaman iyon sa kaniya. Ngayon ay nag ooverthink naman ako tungkol doon. Gwapo si Davon, cute si Danni, malamang sa malamang maganda ang ate Daisy niya. Hmp, mas maganda pa rin ako syempre ano, papatalo ba naman ako?
"Yeah, galing siya sa New York with her boyfriend." Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nagtataka ko siyang tiningnan nang tumigil kami sa tapat ng classroom ko. Kinuha na niua sa akin ang bag niya at isinabit iyon sa kanang balikat niya.
"Hintayin mo 'ko mamaya, sabay tayong magrecess." And with that, he left me. Natulala ako habang nakatitig sa papalayong si Davon. What the heck is happening? Bakit tila may kakaiba sa ihip ng hangin? Ano ba ang nangyayari sa precious earth, ah!
|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomantizmZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...