Chapter 43

789 13 1
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| F O R T Y - T H R E E ||

Y A R A 's P O I N T O F V I E W



"Saan ka galing? Anong oras na?" Kusang napawi ang ngiti sa aking labi matapos kong maisara ang pinto. Hinarap ko si Chance na nakaupo sa couch pero higit na naagaw ng pansin ko ang nakalagay sa center table sa harapan niya. A bottle of whiskey together with a shot glass. Is he drunk?

"Lasing ka ba?" I looked at him who is currently leaning his back on the couch. Nakatingin siya sa gawi ko habang nakanguso at namumungay ang mga mata. Magulo rin ang buhok niya at gusot ang puting polo. Mukhang lasing na nga ang isang 'to. Ni hindi na nagawang magbihis ng pambahay.

"Stop answering me with a question."

Nalukot ang noo ko at pasimpleng napairap sa kaniyang sinabi. Hindi ko iyon pinansin at dumeretso sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ay lumabas ulit ako at lumapit sa kinaroroonan niya. Ganoon pa rin ang posisyon niya ngunit ngayon ay nakapikit na. Tinangka kong ligpitin ang bote ng whiskey pero narinig ko agad ang pag-angal niya.

"Don't,that's mine!"

Napairap ako at umiling-iling. He acts like a child pala kapag lasing. To my surprise, ngayon ko lamang nakita na umiinom siya. Tiningnan ko siya ng masama nang akmang kukunin niya sa akin yung bote ng whiskey. Nagpupumilit pa siya habang parang batang nakanguso. Pero sa huli, wala na rin siyang nagawa nang tuluyan ko nang maligpit. Nagtungo ako ng kusina para itago ang whiskey at kumuha ng tubig.

Pagkabalik ko sa living room ay hindi maipinta ang mukha niya. Para siyang bata, naku. Nakakrus ang mga braso niya sa dibdib habang masama ang tingin sa akin. Napa-asik ako at inirapan siya. Akala niya tatalab yun? Mas attitude ako sa kaniya ano.

"Let's go, alalayan na kita papasok sa kwarto. Baka madapa ka kung ikaw lang mag-isa. Iinom-inom kasi eh," sermon ko pa sa kaniya bago ako lumapit at inalalayan siyang tumayo. Napangiwi ako dahil sa sobrang bigat niya. Anak ng, baka mabalian ako ng buto dahil sa kaniya.

"Ano ba, ang bigat mo. Bilisan mo nga!" reklamo ko dahil ang bagal niyang maglakad. Aabutin yata kami ng oras bago makapasok sa kwarto. Langya talaga nito oo.

"You smell so good." Nanlaki ang mga mata ko at sa gulat ay napalayo sa kaniya nang amuyin niya ang batok ko. Dahil sa bigla ay napasalampak siya sa sahig at masama ang tingin sa akin. Juscolored, ano ba ito!

"Ano ba! T@ngna neto, aso ka ba, bat nang-aamoy ka?"

"That's ouchy" he said in a childish voice. Anak ng, anong 'ouchy' pinagsasasabi nito? Arg, dapat hindi na siya maglasing sa susunod naku. Naii-stress ako ng wala sa oras, pakshet! Itapon ko 'to sa ilog pasig eh. Pasalamat siya pogi siya, naku.

Sa huli nilapitan ko rin siya at inalalayan, na naman, na makatayo. And finally! Nakarating din kami sa kwarto. Ihiniga ko na siya doon pero sa kasamaang palad, napasama ako. I'm on top of him habang nasa bewang ko ang braso niya. At first, his eyes were closed. Pero nang maramdaman niya ang bigat ko sa ibabaw niya dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. His drunked eyes are staring at me. Halo-halong emosyon ang nababasa ko roon.

"Beautiful. So beautiful, Zayara." His hand caressed my cheeks while he's staring at me, intently. Oh ghad, he's drunk.

"Matagal ko nang alam iyon kaya matulog ka na."

He laughed on what I said kaya inirapan ko siya. Aalis na sana ako sa ibabaw niya dahil napaka-akward ng posisyon namin pero nagulat na lamang ako nang hilahin niya ang batok ko at naglapat ang mga labi namin. I was surprised at hindi agad nakagalaw. Nang maramdaman ko gumalaw ang labi niya ay doon ako nagising at mabilis na tumayo. Nanlalaki ang nga nata kong tiningnan siya but he's really drunk na nagawa niya pa akong ngusuan. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng unan bago ako lumabas ng kwarto. O ghad, he's my fiance pero nagtataksil ako nito kay Davon eh!

KINABUKASAN ay gumising ako ng maaga. Usually si Chance talaga ang gumigising ng maaga para magluto ng breakfast. Pero dahil hang-over ang person, ako nalang. Bahala na kung anong gagawin ko sa kitchen. Magtiis siya, maglalasing-lasing kasi eh.

So ayun nga pumunta ako sa kusina para magluto ng kahit ano. Pagkatapos ay naligo na rin muna ako bago ko siya ginising.

"What's this?" Nalukot ang kaniyang noo nang makita ang nakahain sa table. Hindi pa siya nakuntento at kinuha ang pinggan para suriin kung ano ba iyon.

"Is is a roasted egg with bacon?" nakakunot ang noong tanong niya saka ako binalingan. Napairap naman ako at inagaw sa kaniya iyon bago ibinalik sa mesa. B0b0, eh pritong itlog and bacon iyon eh!

"That's fried not roasted!" singhal ko at padabog na naupo sa upuan para kumain. Oh ghad, I don't know how to cook kaya nasunog iyon. Kasalanan niya 'to eh!

"You sure you'll eat that?" Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Kapagkuwan ay nanliit ang mga mata ko at padabog na binitawan ang kutsara. Nang-iinsulto ba ang isang 'to? Syempre kakainin ko, ako nagluto eh! Kahit papaano ay kailangan ko rin maging proud sa luto ko ano. Kung ayaw niya, edi wag! Hindi ko naman siya pinipilit.

"Of course I will. Kung ayaw mo, huwag kang kumain. Bahala kang magutom." Muli ko siyang inirapan at kumuha na ng kanin at ulam. Bahala siya riyan. Ang arte-arte palibhasa pinanganak sa jollibee.

"Mag-o-order nalang ako. Anong gusto mo?" Hindi ko siya pinansin. Kita niyo na, tsk, ang arte talaga.

Katulad ng kaniyang sinabi ay nag-order nga siya. Mabilis rin naman na dumating iyon. Hindi pa ako tapos kumain dahil halos hindi ko kayang lunukin yung bacon and egg na tinawag niyang roasted. Tsk, mukha niya ihawin ko eh. Inihain niya sa table ang mga order niya at kumain. Inalok pa niya ako pero dahil attitude ako ay tinanggihan ko.

Later on, napatingin ako sa pagkain ko at sa kaniya. Panay ang tingin niya sa akin at halata namang pinatatakan niya ako sa fried chicken niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Pero shutaa, naaamoy ko yung ulam niya. Okay lang naman siguro sa kaniya kung hihingi ako diba? Madami naman siyang order na ulam eh. Mayroon pa nga siyang beef steak tapos chicken currey.

I faked a cough before I face him and said, "Pengeng fried chicken."



[ U N E D I T E D ]
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon