[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!|| S I X T E E N ||
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
" Ano ba kase ang bibilhin mo?" Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nabibili. Kainis, napapagod na mga precious feet ko kakalakad. Nagugutom na rin ako, magtatanghali na rin kase. Sana naman sa kabila ng pagod ko ay may palibreng lunch naman mamaya ang tukmol na 'to."Nagugutom na 'ko, tukmol." Napanguso ako at napahimas sa tiyan ko. Hindi ko na kaya, tila sumang-ayon rin agad ang sikmura ko dahil tumutunog na ito. Binitawan niya ako, sa wakas naman, kanina pa niya ayaw pakawalan ang kamay ko. Chansing ang pvta. Ayaw pa kase umamin na may gusto siya sa akin eh.
"Wala pa tayong nabibili, mamaya ka na magreklamo." Lalo akong napanguso sa kaniyang sinabi at nag-irap ng mata. Eh sa ngayon na ako nagugutom eh, mamaya pa ba ako magrereklamo?
"Paano kase kanina pa tayo paikot-ikot dito. Feeling ko naikot na natin ang buong mall, ano to, tour?" asik ko sa kaniya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib ko. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntung-hininga.
"I don't know what to buy." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Anak ng tokwa, dinala-dala niya ako rito tapos hindi pala niya alam ang bibilhin? Aba g@go pala 'to eh.
"What the, eh mag-aano lang tayo rito? Ano ba kase ang bibilhin mo?" Naku, naii-stress ako sa isang to eh. Pinagmasdan ko siya, mukhang problemado ang tukmol. Paikot-ikot ang paningin niya sa loob ng mall bago binalik sa akin ang tingin. Ilang beses siyang nagbuntong-hininga bago napakagat sa ibaba niyang labi.
"Today is Danni's birthday." Napakunot ang aking noo. Danni? Sinong Danni? Girlfriend niya ba? Weh? Wala naman siyang girlfriend eh. Baka kapatid? Pero wala naman akong nakita ni isang kapatid niya dun sa mansyon nila.
"She's Danniella, my little sister." Mukhang napansin niya ang pagtataka sa mukha ko. Nalinawan naman ako ngunit napakunot na naman ang noo.
"Wala naman akong nakita nung galing ako roon," I said, a little bit confuse.
"She's at grandma's house that time." Napatango-tango nalang ako bilang response. Kaya pala. But I wonder, ano kayang itsura ng kapatid niya? Kamukha ba niya? Parehas ba ng ugali niya? Siguro maganda or cute yun.
"Will you help me? Of course you need to, you're my slave afterall." Napairap ako. He and his alas, napaka-ano talaga ng isang 'to. Sarap ipakain ng tigre.
Alam mo yun, minsan nakakatuwa yung sinasabi niya pero hindi talaga mawawala yung kag@guhan niya. I wonder kung bakit baliw na baliw sa kaniya ang mga kababaihan eh kagwapuhan lang naman meron siya. Tsk, fine, he have those sweet gestures sometimes. Fine, he's caring din, MINSAN. Pero basta, I swear to myself na hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya.
"May magagawa pa ba 'ko eh nakadecide ka na, MASTER?" He smirked then hinila na naman ako papunta sa kung saan. Hanggang sa napansin ko nalang na dinala niya pala ako sa loob ng isang kainan sa loob nitong mall.
"Let's eat first, baka mahimatay ka sa gutom." Nagliwanag ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Sa wakas naman at kakain na ako, gutom na gutom na talaga ako pramis. Nagprisinta siyang umorder samantalang naghanap naman ako ng table na pupuwestuhan namin.
Katulad ng plano ay kumain muna kami. Masasabi kong solve na siguro pati hapunan ko, sa dami ba naman ng inorder niya. Feeling ko nga ay bibitayin na ako bukas. Nakakainis lang kase panay pa ang tawa niya habang kumakain ako. Kesyo parang isang taon daw akong hindi pinakain,na patay-gutom daw ako. G@go talaga, patay-gutom talaga? Siya pat@yin ko eh.
Nang makapahinga naman kami sa pagkain ay umalis na rin kami roon at naghanap ng pwedeng bilhan na store ng regalo para sa dear sister niya. Sa huli, hinila ko siya sa isang clothing shop. He's sister is 7 years old na at imbes na toys ay nagsuggest ako na damit nalang ang bilhin. I think mas na gift iyon.
Napangiti ako nang makita ang isang babypink na baby doll dress. Ang cute naman. Kinuha ko iyon habang nakahanger pa at ipinakita kay Davon. Abala pa siya kanina sa pagtingin-tingin doon sa mga pambatang damit, sus para namang marunong siyang pumili.
"I think this will suit on her." Nakangiti ako habang pinapakita sa kaniya ang dress. Ngunit napanguso ako nang hindi niya naman iyon tinitingnan dahil sa akin siya nakatingin. Ano, masyado naman siyang gandang-ganda sa akin.
"Baka matunaw ako," pagbibiro ko sa kaniya na agad ikinaiwas niya ng tingin. Natawa ako ng mahina at halos idikit na sa mukha niya ang damit.
"Ano sa tingin mo? Kasya kaya sa kaniya 'to?" I asked him. Pinagmasdan niya ang dress bago maya-maya ay hinablot iyon sa akin at tila sinisipat ang laki.
"This is perfect, this is actually her size." Mayabang akong ngumiti at humalukipkip sa harapan niya.
"Ang galing kong pumili diba?" sabi ko pa na ikinalingon niya sa akin. Inismiran niya naman ako at tinalikuran, dala iyong nakahanger pa na dress. Aba at, ano iyon?
"Naka-chamba ka lang," narinig ko pang sambit niya. G@go ang pvta eh samantalang wala nga siyang naitulong. Puro tingin lang siya pero kahit isa ay wala naman siyang mai-suggest, tsk.
Binayaran niya ang dress at ipinalagay iyon sa pink na paperbag. Ang cute lang kase may design pa iyong ribbon, hindi na kailangang ibalot. Pagkalabas doon ay nagpasya siyang pumasok sa book store. Syempre nakabuntot ako sa kaniya bitbit ang paperbag na may lamang damit. Ano pa ba eh yun naman ang role ko ngayon, taga bitbit ng mga bibilhin niya.
"Mahilig ba siya magkulay?" I asked nang makita ko na nagtitingin siya ng coloring books. Sinisipat pa niya ang kapal noon, parang naghahanap ng mas maraming pages na makukulayan. Tango lamang ang tanging sinagot niya sa akin. Maya-maya ay mukhang tapos na rin siyang pumili dahil naglakad na siya patungo sa cashier. Tatlong makakapal na coloring books iyong kinuha niya.
Iba-iba ang style noon. Mayroong disney prinsesses, barbie, tapos ang isa ay about cartoons yata, basta iyon. Muki, binayaran na niya iyon at inilagay sa paper bag bago iabot sa akin.
"Grocery store naman tayo." Wala akong sinabi at sumunod lamang sa kaniya. Pagkarating doon ay ginawa nga namin kung anong daoat gawin. Nagtutulak ako ng shopping cart at siya naman ay naglalagay ng mga gusto niya doon. Hindi madali lalo na at halos ubusin niya ang laman ng grocery store, dalawang shopping cart na nga itong tulak-tulak ko eh. Lalong mahirap pa pag kinsan paikot-ikot kami dahil may makakalimutan siyang kunin sa isang shelf kaya pabalik-balik kami.
Alam kong sinasadya niya iyon para pahirapan ako. Alam ko rin na kanina pa siya tuwang-ruwa sa itsura ko na halos hindi na magkanda-ugaga sa pagtutulak ng shopping cart. Bw!sit talaga ang isang 'to, hindi matatapos ang araw na hindi ako pinahibirapan o pinagtitripan.
|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces
BINABASA MO ANG
Dared to Kiss Captain | COMPLETED
RomanceZayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay pero salat sa atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang nga magulang. Although alam niya sa kaniyang sari...