Chapter 9

1.2K 29 2
                                    


[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| N I N E ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Ano na naman bang kelangan mong kingina ka? " inis kong bungad pagkalapit ko kay Davon. Nakaupo sila sa bench na tila nagpapahinga. Mukhang nay pinag-uusapan sila ngunit agad na napatingin naman sila sa akin nang dumating ako.

"Watch your words, slave. " Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkus ay inikutan lamang siya ng mata. Tahimik naman ang mga kasama niya na nanonood lamang sa amin.

"Ano ba kase ipapagawa mo? Pvnyeta ka naman ih,alam mo namang may klase ako." Isa pang irap ang ginawa ko matapos sabihin ang mga salitang iyon. Liar, ginusto mo rin naman na hindi umattend ng klase ng tigreng gurang na yun eh,tsk! Eh paano,sino ba namang gaganahan na pumasok sa klase niya?Eh may hawig siya nung nandodoon sa game na Scary Teacher.

"As if naman nakikinig ka sa lecture." Boom, pahiya ako mga chong. Siraulo to, at least pumapasok kahit walang natututunan, tsk! Ang mahalaga hindi nasasayang yung allowance na binibiigay nila mom and dad no. Natahimik ako at hindi nakapagsalita.Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan at labis na inis sa Davon na ito.Hindi pa nakatulong nga teammates niya na tinawanan pa ako.

Mga g@go talaga,pag umpugin ko tong mga kurimaw na 'to eh.

"Ano ba kase,ano bang ipapagawa mo at nang makaalis na agad ako. Naiirita ako sa pagmumukha mo,ang PANGET mo eh!" Lalong lumakas ang tawanan ng mga kasama niya habang siya naman ay nakangisi lamang, mukhang aso. Fine, gwapong aso, tsk.

"Psh, lie to yourself, slave. Alam kong gwapong-gwapo ka rin sa'kin like the other girls around me." Hindi ako makapaniwala, napakakapal talaga ng mukha ng isang 'to. Though, totoo naman, gwapo siya pero ang panget ng ugali niya.

Ay huwaaaw, nahiya naman sa ugali ko ano,tsk.

"Alam mo, you really have a biblical face, " I said as I smiled at him sarcasticlly. He again smirk then stood up to come near me. And now, nakatingala na naman ako sa harap niya. May lahi bang kapre 'to?

"Why, because I look like a saint? An angel?" he asked full of hope.in his eyes. Ha! Spell ASA? Oo pang anghel ang mukha niya pero yung ugali niya pang d3m0nyo!

"You have a biblical face, MAKAPAL kase mukha mo!" I said as I plastered a devilish smirk on my lips. His mouth agape with his eyes who looks shock on what I said. Ano, hindi niya matanggap? Gulat na gulat, ganun?

"You know what, tigilan niyo na 'yang asaran niyo. Puro kayo asaran diyan, baka mamaya kayo magkatuluyan ha." I quikcly averted my eyes on Jano, one of his teammate. I glared at him dahil sa sinabi niya at pinakita sa kaniya ang middle finger ko. Parang t@nga naman siyang napanganga at tinawanan ng ibang kasama.

"Tsk, he's right, let's stop arguing." Natigilan ako at napatingin sa kamay ni Davon nang hawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyun. I don't but I suddenly felt an electric comes from his hand? What the hell is that?

Umalis siya sa harap ko at bumalik sa bench,kasama ang nga kasamahan niya. Afterwards, he glanced at me and show me a white face towel? Now, what the fvck does he want?

"Come here, slave," he commanded me. Imbes na makipagtalo pa, at dahil  I'm his slave din naman, sinunod ko ang utos niya. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa makarating ako sa harapan niya. His friends are busy chichattting so mukhang hindi nila kami napapansin.

"Ano?" Feeling ko ay hindi maipinta ang mukha ko, paano, nakakabadtrip talaga ang isang 'to. Hindi pa siya kumikilos eh nabubuwisit na ako sa kaniya.

"I'm sweating, wipe it." Napanganga ako sa kaniyang sinabi. This man is so impossible. Anak ng tokwa, eh dinaig niya pa ang baldado.

"Sa pagkakaalam ko ay may dalawa kang mga kamay. So, what's the purpose of that fvcksh!t hands kung hindi mo kayang punasan ang sarili mong pawis?" singhal ko sa kaniya. Saglit niya akong tinitigan at maya-maya ay tumaas ang isang kilay niya.

"Sa pagkakaalam ko rin, YOU.ARE.MY.SLAVE so susundin mo lahat ng inuutos ko. How many times do I have yo remind you about that?" That's it!  He said his alas again. Marahas akong napabuntong hininga at inikutan siya ng mata. Padabog kong kinuha sa kaniya ang face towel and at the end, dahil panalo na naman siya, pinunasan ko ang pawis niya. Doon ko ibinuhos ang inis ko sa kaniya.

"Hey, that hurts, dahan-dahan naman. Baka mabura yung handsome face ko." Hindi ko pinakinggan ang reklamo niya. Bahala ka diyan, ginusto mo yan so tiisin mo. Wala akong pakealam kung maging sing pula ng kamatis iyang mukha mo sa tindi ng pagpupunas ko.

"D@mn it,slave." Napatigil ako sa sigaw niya at nang hawakan niya ang kamay ko. He glared at me. Noong una ay hindi ako nagpaapekto, like nagawa ko pa siyang ngisian. Pero nang mapansin kong seryoso siya ay nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Dahil nga pinupunasan ko siya kanina ay nakabend pa ako sa harap niya kaya napakalapit ng mukha namin lalo na ngayon at hawak pa niya ang kamay ko.

"S-Sorry na," I said but he stayed serious. Pvnyeta, nagsosorry na nga eh ayaw niya pa.

"You think that's funny, ha? Look at my face, mahapdi, Zayara. " Pinagmasdan ko ang mukha niya at tila nakaramdam ako ng komsensya. Pulang-pula iyon, mukhang sumobra yata ako. Eh kasi naman eh!

"Sorry na nga." Inulit ko pa at sa puntong ito ay hinaplos ko na ang mapula niyang mukha. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil naramdaman kong nanigas siya sa kinauupuan niya. Nakaoagtatakang lalo pa yatang pumula ang mukha niya. Hala, anyare?

Maya-maya ay bigla na lamang niya akong itinulak palayo, sa gulat ay muntik pa akong mawalan ng balanse. Tumayo na siya at hindi makatingin sa akin. Ano naman ang kaartehan nito?

"I can't stand looking at your face, ang panget mo." Napanganga ako sa kaniyang sinabi oagkatapos niya akong lagpasan. What the fvck did he just say? Aba, g@go pala ang isang yun eh!

"Pakyu ka talaga, Conner!" I shouted at his back. Napatigil siya sa paglalakad para kuhanin sana yung bola sa may kabilang ring. Ilang saglit ay humarap siya sa akin at mabilis na naglakad palapit. Napalunok ako ng sariling laway at hindi alam kung bakit ako kinakabahan sa seryoso na naman niyang mukha. Then atlast, nakarating siya sa harap ko at laking gulat ko na lamang nang hilahin niya ako palapit sa kaniya habang nakahawak siya sa braso ko.

" No one dares to curse on me, Zayara, only you who have that guts. Curse me again,  hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon