Chapter 38

801 20 3
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T H I R T Y - E I G H T ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Sigurado ka ba tungkol doon, Yara? Paano yung tungkol sa engagement mo with Chance?" Lesley said after she ate my piatos. Tingnan mo ang g@ga na 'to, nililibang lang ako kase nilalantakan na pala niya ang pagkain ko.

Narito kami ngayon sa field at tumatambay. Wala raw yung adviser namin kase hindi ko alam bakit ako tinatanong niyo? Kaya ayun, lumabas kami ng classroom, in short, nag-cutting classes po kami. Ay hindi pala, nag-cutting lang pala since wala naman pala kaming klase kase nga wala yung adviser namin. Ano ba, paulit-ulit kayo eh.

Anyways, napag-isip-isip ko rin kase na ipakilala si Davon kay mom and dad. Sakto at uuwi sila mamaya galing sa Palawan. Actually, matagal ko na sanang gustong gawin ito since naipakilala niya na rin ako sa parents niya. Marahil ay nagtataka na iyon kung bakit hindi niya ma nami-meet ang parents ko samantalang ilang months na kaming magkarelasyon. It's just that, I'm afraid, lalo na kay daddy. Natatakot ako na magalit siya dahil may boyfriend na ulit ako gayong binalaan na niya ako noon. At dahil iyon kay Blake. At isa pang dahilan na engaged na ako pero dapat kong isantabi ang takot ko. Kailangan kong lakasan ang loob ko para kay Davon, para sa relationship namin.

"Sigurado na ako. Ilang gabi ko nang pinag-iisipan ang tungkol dito. At isa pa, baka kapag nalaman nila na may boyfriend na ako at may ibang mahal, baka itigil na nila ang kasal. Well, I am hoping na iyon ang mangyari."

Nagkatinginan silang dalawa ni Beatrix at saka napabuntong-hininga. Later on, pareho nilang hinawakan ang mga kamay ko, giving me a hopes by their eyes.

Pagkasapit ng hapon ay naghintay ako sa parking lot, sa mismong tabi ng kotse ni Davon para hintayin siya. Nang matanaw ko na siya na paparating ay kumaway ako sa kaniya para makuha ko ang atensyon niya. Mabilis siyang naglakad at halos takbuhin na nga ang pagitan namin. Nang makarating siya sa harapan ko ay pinitik niya ang noo ko na agad ko namang ikinadaing. Anak ng-g@go 'to ah!

"Aray! Inaano kita?" singhal ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Kapagkuwan ay napanguso ako at hinimas ang noo ko. Napaka salbahi ng isang ito. Na-realize niya yata na nasaktan ako sa ginawa niya kaya naman agad niyang hinila ang bewang ko at hinalikan ang noo ko. Pasimple akong napangisi dahil sa ginawa niya.

"I thought you already left me. Pinuntahan kita sa classroom niyo and asked your friends. Sabi nila nauna ka na raw umuwi. I just thought na hindi mo na ako hinintay." Niyakap niya ako pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Napahagikhik naman ako sa kaniyang sinabi saka siya niyakap pabalik. Isiniksik ko ang mukha ko sa napakabango niyang leeg. Ghad, he really smells so good, nakakainggit!

"Babe, do you want to meet my parents?"

Humiwalay ako sa yakap pagkatapos sabihin ang nga salitang iyon. Mabilis siyang tumango sa akin habang may ngiti siya sa labi. Tila ba ay nai-excite na siya na ma-meet ang parents ko. I know matagal na niyang hinihintay iyon. I smiled at him at inaya na siyang umalis patungo sa bahay. Medyo maaga pa naman nang dumating kami roon, mga 5:10 siguro. Mamaya pang 6pm ang dating nila mom and dad.

Kaya naman tumambay lang muna kami sa bahay. Nagmeryenda kami, nagluto kase ng spaghetti si Yaya Dora. Nang matapos kumain ay niyaya ko naman siya sa kwadto ko para ipakita sa kaniya ang loob. Ngayon lamang siya nakapasok sa kwarto ko eh.

"This looks cute." Abala ako sa pagkukuti ng cellphone ko nang makita iyong hawak niya. Nakaupo ako sa couch dito sa kwarto samantalang naroon naman siya sa kama ko at kinakalkal iyong gamit ko sa sidetable. He's holding a pink little bear na halos isang dangkal lamang ang size. Galing iyon kay Blake. I still remember na isa iyon sa mga nakuha namin sa crane machine at iyon ang natipuhan ko.

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon