Chapter 41

861 26 6
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| F O R T Y - O N E ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

Today is Sunday at nakakulong lamang ako sa sa unit na tinitirhan namin ni Chance. Simula nung huli naming pag-uusap ni Davon, nang umalis ako sa unit niya, ay hindi ko na siya nakita. He's nowhere to be seen. Kumbaga ay nawala na lamang siya na parang hula. It's been three days without seeing him even his shadow and that hurts the he1l of me. I tried calling him pero hindi ko siya ma-contact. Pinuntahan ko siya sa unit niya pero wala rin akong nadatnan doon. He didn't attend his classes last friday, ghad, mababaliw na ako.

Kapag hindi pa siya pumasok sa Monday o hindi nagpakita sa akin ay pupunta na ako sa mansyon nila. Marahil ay naroon siya. But why? Is he avoiding me? Galit ba siya sa akin?

"Hey, wala ka bang plans today?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang nerbyos nang may bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Inis kong nilingon si Chance na wari ko ay kakagaling lamang sa banyo at naligo. Nakapagpalit na kase siya ng damit at basa rin ang kaniyang buhok, mukha siyang fresh in short. Naks, samantalang ako mukhang dugyot-at least maganda!

"Parang t@nga 'to, papatayin ko ba ako sa gulat?" Inirapan ko ito at tinalikuran siya. Kumapit ako sa railing ng balkonahe at tumitig sa kawalan. Nagi-emote ako dito tapos epal naman ang isang 'to. Ihulog ko 'to sa baba eh, ang taas pa naman nitong floor ng unit niya.

"Hindi pa rin siya nagpapakita? Nagtetext?" rinig kong tanong ni Chance. Tumabi siya sa akin at tumitig sa kalangitan. Dahil sa hampas ng hangin ay naamoy ko ang halimuyak ng mabango niyang cologne. Ywa, bakit ba ang lakas ng dating ng pabango ng mga lalaki?

Mapait akong napangiti kapagkuwan dahil sa kaniyang tanong. Alam ni Chance ang tungkol doon, syempre nahalata niya lalo na at nasa iisang kwarto lamang kami. Dala ng pagka-chismoso niya ay tinanong niya ako kung ano raw ba ang problema ko.

"I'm planning to go on Conner's Mansion, sa Monday. Kapag hindi pa siya nagparamdam sa akin," I said. Napabuntong hininga ako at mariing napapikit. Oh ghad, where the he1l are you, babe? Nag-aalala na ako. Please naman, magparamdam ka.

"I'll go with you."

I quickly turned my gaze on his side when I heard what he just said. Bakit naman?

"Huwag na, kaya ko na ito." Umiling-iling ako sa kaniya bago nag-iwas ng tingin. Malalim ang naging paghinga ko at tumingala sa kalangitan. Medyo masakit sa mata lalo na at mainit ang sikat ng araw pero kinaya ko iyon. Para akong napako sa kinatatayuan nang maramdaman Kong hinawakan niya ang kamay ko na nasa railing. Napatingin ako agad doon at tiningnan siya.

He's now looking at me intently. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya dahil wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya.

"Zayara."

Iyon lamang ang lumabas sa kaniyang bibig. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin ngunit ikinabigla ko ang naging sunod na kilos niya. Nanlaki ang mga mata ko nang kabigin niya ang batok ko at halikan ako sa gilid ng labi. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako naka-react agad. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko habang mariin siyang nakatingin sa akin.

"Chance."

"I don't want to lie on myself anymore. I know this time, sa ilang buwan tayong magkasama, I just found out that I'm already inlove with you." Natigilan ako at tila isang napakalaking rebelasyon ang mga salitang sinambit niya. Wait what? Is he confessing? Ghad, but this can't be. I'm already inlove with someone else, I love Davon so much.

"Chance you know this won't-"

Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang ilagay niya ang kaniyang hintuturo sa labi ko, ordering me to shut up. Kaya iyon ang ginawa ko, itinikom ko ang aking mga labi at hinihintay ang kaniyang sasabihin. He showed me a bitter smile before he said, " I know... I know, Zayara. I'm just confessing my feelings. I'm not expecting for you to say the words I want to hear. I'm sorry."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay binitawan niya ako at hinarap ang kawalan. Napabuntong hininga ako at ilang saglit ay pinaharap ko siya sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at nang magtagpo ang mga mata namin ay nginitian ko siya.

"It's okay. There's nothing to be sorry. Admiring or loving someone is not a mistake so don't be."

IT'S Monday morning at maaga akong pumasok sa school. Nauna akong pumasok at iniwan si Chance. Naliligo pa lamang siya ay tapos na ako kaya't hindi na rin ako nakapagpaalam na umalis na ako. Pagkarating sa school ay dumeretso ako sa lockers room para ilagay muna roon ang iba kong gamit. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa field para roon muna tumambay. 6:45 palang at wala pa masyadong estudyante sa school.

Habang nakatambay doon at nakatitig sa kawalan ay hindi ko na namalayan ang pag-upo ng dalawang tao sa tabi ko.

"Kay aga-aga, ang lalim ng iniisip mo. Oh heto, dumaan kami sa Starbucks ni Ley." Nakangiti kong tinanggap ang kape na iniabot ni Bea sa akin.

"Thank you, wala bang tinapay?"

Napatawa kaming tatlo sa biro ko. Ilang saglit ay tumahimik na namam ang atmospera ,muli akong napatitig sa kawalan. Nasaan kaya siya? Kanina ay sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero wala rin akong napala. Ghad, mababaliw na ako sa ginagawa niya. Kung galit siya, pwede niya naman akong kausapin, pwede namin iyong pag-usapan.

"Hindi pa rin ba siya nagpapakita sa'yo?" Mapait akong napangiti at umiling sa tanong ni Ley. Sa kakaisip ko tungkol doon ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko Agad naman akong dinaluhan ng dalawa at sinusubukang pakalmahin nang lumakas ang hikbi ko.

"I don't know what to do, Ley, Bea. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Ni hindi ko siya ma-contact. Nag-aalala na 'ko." Niyakap ako ni Bea at doon ako umiyak ng umiyak sa kaniyang balikat. Si Ley namin ay hinagod ang likod ko. Iyak lamang ako ng iyak habang may mga ibinilubulong sila sa akin para patahanin ako. Ilang saglit pa ay kumalma na tin ako. Ley took my handkerchief on my pocket then lend it to me. Kinuha ko naman iyon at pinahid ang mga luha ko.

"Hayaan mo muna siya, Yara. Bigyan mo muna siua ng space para makapag-isip-isip. Kahit ako ay nahihirapan sa sitwasyon niyo. Biruin mo, you're so inlove with that person pero sa iba ka nakatakdang ikasal."

PAGDATING ng lunch break ay wala akong ganang kumain kaya't imbes na sa cafeteria dumeretso at sumama kay Ley at Bea ay sa rooftop ako nagtungo. Pagkarating doon ay naisipan kong magpahangin at mag-isip-isip ng kung anu-ano. Like kung bakit napakaganda ko? Bakit ba ang ganda ko talaga? At kung bakit nga ba ang ganda ko sobra? Hayst, ang hirap naman mag-isip lalo na kung wala naman akong isip, arg.

"Ay jusme!" Kamuntikan na akong tumalon sa rooftop pero syempre joke lang. Baka mawalan ng maganda sa precious earth kapag na-dedpoks ako kaya I changed my mind. Paano ba naman, may bigla na lamang yumapos sa akin mula sa likuran.

I smiled in relief nang makilala ko kung sino ito. After few days, thanks God. He's here. Ang taong laman ng isipan ko sa loob ng ilang araw at halos pumatay sa akin sa labis na pag-aalala ay narito na.

"I missed you, I'm sorry, babe."

[ U N E D I T E D ]
©majesticprinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon