Chapter 18

1K 28 1
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| E I G H T E E N ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Tara, dun tayo sa venue. Hayaan mo na yun si, Dave. Pikunin talaga yun, dun nalang tayo sa backyard." Niyaya ako ni Russ papunta doon sa venue kuno which is sa backyard. Hinila na niya ako papunta roon at pumayag naman ako kase why not diba? He seems to ba a good boy naman so go lang.

"Ang dami palang bisita," puna ko nang makarating kami doon. Napakaraming tao. Hindi mo aakalaing bata ang may birthday dahil halos lahat ng bisita ay puro mga business men and women. Pailan-ilan lamang ang mga batang nakikita ko.

"Why are you here?" Napababa ako ng tingin nang may batang kumausap sa akin. Si supladitang bata pala. Sino pa ba? Edi ang kapatid ni Davon. Bakit parang ang laki ng galit nito sa'kin? Inaano ko ba 'to? Mukhang dinaig pa kuya niya sa pagka suplada.

"Danni, let's get r-oh Zayara iha. You're here pala, naku sabi ko na nga ba at nagkikita ulit tayo." Isang babae ang sumunod sa kaniya at binati agad ako.

Si tita Daphney pala, mukhang inaasahan na niya yatang darating ako. Hmp, mabuti pa mommy nila mabait, eh silang magkapatid? Siguro ampon lang ang mga 'to? Imposible namang si tita Daphney ang ampon ano?

"Good afternoon po tita," bati ko sa kaniya at nginitian.

Bumati naman siya pabalik at bahagya pa akong nagulat nang makipag-beso-beso ito sa akin. Naks naman, sana naipaman niya rin ang kabaitan niya sa mga magagaling niyang anak no. Well, pinagpala sila sa kagandahang genes pero mukhang kinulang lang talaga nang holy water ang mga anak niya lalo na si Davon. Huwaw, sa akin pa nanggaling ano?

"You're with Dave? Where is he? Russ, ang pinsan mo?" kapagkuwan ay tanong niya sa aming dalawa ni Russ. Naku, ayun, sinumpong na naman ho. Paano, pikunin ho iyong napakabait niyong anak, naku. Nagkatinginan kami ni Russ at mahinang natawa. Mukhang alam namin pareho ang nasa isip sa isa't isa.

" Nasa kwarto niya, tita." Iyon na lamang ang sinabi ni Russ kahit alam ko naman na gusto nitong sabihin na napikon namin ang tukmol.

Umalis na rin agad si tita Daphney kasama si Danni na halos patayin na ako sa tingin. Ano bang problema ng batang iyon at kulang nalang ay sakmalin ako? Malapit na raw magsimula ang tsibugan-este ang party kaya kailangan nang ihanda ang celebrant. Inaya ako ni Russ na maupo sa isang table na malapit lamang sa pintuan ng likod-bahay.

Nagkwentuhan lamang kami ni Russ noong mga sandaling iyon at nagtawanan. Maya-maya ay may bigla na lamang sumulpot na unggoy sa harapan namin.

"You realy enjoy each other's company huh?" he said before he sat down on the chair next to me. Napairap ako sa lalaking ito. Heto at eepal na naman ito. Tumigil kami sa tawanan ni Russ at tiningnan si Davon na hindi maipinta ang mukha. Ano ba ang ipinuputok ng butchi ng isang 'to? Kanina pa ito inis na inis samantalang wala naman kaming ginagawang masama sa kaniya. Adik ba 'to?

"Problema mo ba? Kanina ka pa yamot na yamot sa'min. Inaano ka ba diyan, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos niyang lingunin ako. Nakakabadtrip ang demvh0ng 'to, pe$te. Siguro buntis to at kami ang pinaglilihian? Kung ganoon, maswerte siya at napakaganda ng pinaglilihian niya. Charr, as if men can bear a child.

"Tita Lianne is looking for you, Russ. "Napataas ang kilay ni Russ at maya-maya naman ay tumayo na rin. Pinanliitan pa nito ng mga mata si Davon nang makita niya itong nakangisi. Okay? Something's wrong?

"Para-paraan, hindi nalang sabihin na gustong solohin eh." Mahihimigan ang panunukso sa boses na Russ habang may kakaibang ngisi ito sa kaniyang pinsan. Naguguluhan lamang naman akong nakamasid sa kanila. Nagtaas ako ng kilay nang lingunin ako ni Davon bago binalingan muli ang pinsan at inirapan ito. T@nginang 'to, dinaig pa yata ako sa pag-irap. Bakla ba 'to?

"I don't know what you're talking about, just fvcking run away from my sight, b@stard, " he said as if Russ isn't his cousin. Kita niyo na? Kung makapagmura wagas tapos kapag ako naman galit na galit? Aba unfair naman iyon, hoy! Gusto ko rin magmura ano.

Tumatawang umalis si Russ at kinindatan pa ako kaya lalong nalukot ang mukha ni Davon. Napaka-ano talaga ng isang 'to.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na nga ang party. Naiiwan ako rito sa mesa tuwing tumatayo si Davon dahil minsan ay tinatawag siya roon sa stage. Pagkatapos ng ilang speech and greetings ay nagsimula ang palaro para sa mga bata.

"I'll go and get you a food, stay here. "

Tumango lamang ako kay Davon matapos siyang tumayo at umalis para kumuha kuno ng pagkain. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya roon sa may buffet. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansing lalo lamang dumami ang mga bisita. Maya-maya ay napansin ko ang isang bata na malapit lamang sa pwesto ko, si Danni. May hawak siyang Jar of candies at tila hirap na hirap na buksan iyon. Napanguso ito at inilibot ang tingin hanggang sa maabot niya ang tingin ko. Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan siya. Napaka-cute talaga ng batang ito, naku!

Nakatingin lamang ito sa akin at maya-maya ay sa jar saka sa akin naman. Tila ba nag-aalinlangan siya sa kung ano mang gagawin. Ilang saglit pa ay dahan-dahan itong lumapit sa akin at gamit ang maliliit niyang kamay ay iniabot niya sa akin ang jar. Nagtataka ko naman iyong tiningnan.

"C-Can you open this jar? I want to eat candies. "Napangiti ako nang ngumuso siya. Parang gusto ko tuloy kurutin ang matatambok niyang pisngi. Sa unang tingin mo sa batang ito ay hindi mo aakalaing may kasupladahang taglay ito, katulad ng kuya niya.

"Say the magic word? "magiliw kong wika at inilebel ang mukha ko sa kaniya. Nakita kong humigpit ang kapit niya sa jar saka bumuntong hininga.

"Please, a-ate."

Lumawak ang ngiti sa labi ko nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi ko inaasahang tatawagin niya akong ate. Ang sarap naman pakinggan sa mga precious ears ko. Pwede bang ampunin ko na lang ang batang ito?

"Sure, lemme open it for you, Danni, "I said as I took the jar from her. Wala akong narinig na reklamo nang banggitin ko ang nickname niya so I guess, it's fine naman? Nang mabuksan ko ito ay iniabot kong muli sa kaniya na ikinangiti niya. Lumabas tuloy angcute bunny teeth niya at ang pink gums niya. Ang cute talaga!

"Thank you, ate! "Pangalawa na yun ha? Ngumiti ako sa kaniya at pinat ang head niya. Akala ko ay aalis na siya pagkatapos noon ngunit hinila niya ang isang upuan papalapit sa tabi ko. Natawa pa ako ng mahina nang pahirapan pa siyang umupo kaya tinulungan ko siya. Ang liit kase eh, tapos ang taas naman nitong bangko. Hindi na bale at cute pa rin naman siya.

"Seems like you two are getting close already, eh? " Matapos ang ilang saglit ay sa wakas bumalik na rin si Davon. Dala niya ang isang platong pagkain na maraming lamang iba't ibang putahe. Anak ng, hindi pa naman yata ako bibitayin ano?

"Ang dami naman, bibitayin na ba 'ko? Saka ilan ba sa tingin mo ang bibig ko at dala-dalawang kutsara iyang dala mo? "asik ko sa kaniya nang ilapag niya ang pagkain sa mesa. Hindi ko na inalintana pa si Danni na napalingon na lamang din sa amin. Naupo si Davon sa kabilang tabi ko habang si Danni naman sa kabila. Mukha tuloy kaming one happy family dito, fvck, what the heck am I saying? That's a big eww.

"Sinong nagsabi na ikaw lang ang kakain? Mahirap magdala ng dalawang plato kaya in-isa ko nalang. "Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Ang katamaran ng isang 'to talaga naman oh. Teka, don't tell me...

"Hoy, ayokong makasalo ka sa iisang plato. Kumuha ka nalang dun ng sa'yo no! "wika ko pero inirapan lamang ako ng g@go. Kita niyo na, kita niyo na?

"Wag ka nang maarte, pasalamat ka nga at dalawang kutsara kinuha ko. Kung makaarte ka naman, para namang hindi tayo nag-"

Hindi na niya nagawa pang tapusin ang mga salita niya nang isubo ko sa kaniya iyong drumstick ng chicken joy. Imp@kto talaga, walang kapreno-preno ang bibig ng isang 'to. Kung hindi ko ginawa iyon ay baka narinig pa ng kapatid niya ang sasabihin niya, naku.

|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon