Chapter 7. Dora

11 2 0
                                    


Kreid Point of View:


BAGO AKO MAGLAKAD PAPUNTANG TABLE NI MA'AM REYRA AY CHINECK KO MUNA KUNG TANGGAL BA ULIT ANG SINTAS NG SAPATOS KO BAKA KASI MANGYARI ULIT YUNG NANGYARI KANINA. NAGMADALI NA AKO MAGLAKAD PAPUNTA DOON SA TABLE NI MA'AM BAKA KASI BIGLANG LUMABAS SI MA'AM SA CR LALO PANG MASIRA ANG MOOD NIYA AND BAKA LALO DIN SIYANG MAGALIT SA AKIN.

"Mukhang madaming gagawin si ma'am ngayon, dito ko na nilagay sa tabi ng laptop niya yung coffee and chocolate noir niya. Mas maiging bumalik na pala agad ako sa counter baka maabutan pa niya ako dito" sabi ko at nagmadali akong maglakad papuntang counter.


Reyra Point of View:


AFTER KO MASUOT YUNG SHIRT AY KINUHA KO YUNG SINUOT KONG DAMIT NA MAY COFFEE STAIN SA CLOTHES HOOK NA NAKADIKIT SA DOOR NG TOILET ROOM THEN LUMABAS NA AKO NG TOILET ROOM. PAGLABAS KO NG TOILET ROOM AY ITO NA NGA NAGPA IKOT-IKOT NA AKO DAHIL TINITINGNAN KO KUNG BAGAY BA TALAGA SA AKIN ITONG SHIRT HABANG NAKATAPAT SA NAPAKALAKING SALAMIN NG COFFEE SHOP.

"Ano kaya gagawin ko paglabas ko dito? Ano kaya magiging reaction nung waiter kapag nakita niyang suot ko itong shirt niya? Basta self paglabas mo punta ka agad sa table mo at gawin mo agad yung work mo para makatapos ka ng mas maaga. Okay? Okay." sabi ko with serious face.

"Ay wait magpuyod pala muna ako ng buhok ko para naman hindi ako mukhang haggard. Salamat naman may pang-ipit ako ng buhok sa wrist ng kamay. Umagang umaga haggard agad ayy it's a big NO" dagdag ko habang nakatingin sa salamin.

AFTER KO IPUYOD ANG BUHOK KO AY TININGNAN KO YUNG BUHOK KO NG MABUTI BAKA GULO PAGKAKAPUYOD KO. INAYOS KO LANG YUNG BABY BANGS KO BUT NOT ACTUALLY YUNG BANGS NA NASA GITNA KUNDI SA MEDYO TABI LANG. DUH HINDING HINDI AKO MAGBABANGS SA GITNA BAKA SABIHIN NILA SA AKIN NAGTRATRABAHO NA SI DORA.

"Yan tapos na ako sa buhok ko and I'm ready na lumabas dito. Ay! yung paper bag pa pala malilimutan ko pa my clothes are in this bag" 

BINUKSAN KO NA YUNG DOOR NG CR NG DAHAN-DAHAN BAKA KASI NAG-IINTAY SA TABI-TABI YUNG WAITER. HABANG NAGLALAKAD NA AKO PAPUNTANG TABLE KO AY GRABEEEE PINAGTITINGINAN AKO NG LAHAT, HINDI AKO ARTISTA GUYS WAG NIYO KO TINGNAN LAHAT. HINDI AKO TUMITINGIN SA COUNTER DUH BAKA ISIPIN NIYA NA PINATAWAD KO NA SIYA.

"Wahh, ang ganda niya sa binigay kong damit sa kaniya" (ngiting abot langit) – Kreid

"Kreid diba yun yung binili natin kahapon? Wow, himala sinuot niya but in fairness ang ganda niyaaaa" (nagulat sa kagandahan ni Reyra) – Vardez

"Luh si ma'am Reyra sinuot niya nga, pasabi-sabi pa siyang ayaw niya pero sinuot pa rin niya" (masayang sabi ni Kreid habang nakatingin kay Reyra) - Kreid

"Oo nga no, siguro nahihiya siyang may makakita sa kaniya na may coffee stain sya sa damit niya" (dagdag ni Mardez sa sinabi ni Kreid) - Vardez

FEELING KO PINAG-UUSAPAN AKO NUNG DALWANG LALAKING WAITER, GOSHH SINUOT KO PA KASI. PAPALAPIT NA AKO NG PAPALAPIT SA TABLE KO NG MAKITA KONG MAY COFFEE NA AKO SA TABLE KO AND ALSO YUNG FAVORITE KONG CHOCOLATE NOIR. BAGO PA LAMANG AKONG UMUPO NAPANSIN KO MAY STICKY NOTES NAKADIKIT SA TAKIP NG COFFEE.

"Ano to? Love letter? HAHAHA" natatawa kong sabi.

"Sorry po ma'am, I know it's my fault and I don't know if mapapatawad mo po ako. But I am hoping for you to forgive me. Please ma'am mag-smile ka naman po hindi po kasi bagay sa iyo ang nakasimangot. Anyway, here's your coffee and chocolate noir, I made it myself. (with smiley face)" nakasulat sa sticky note.

HABANG BINABASA KO ITONG KAPIT-KAPIT KONG SULAT AY BIGLA AKONG NAPANGITI. NAPASIGAW NALANG AKO NG NAREALIZED KONG NAKANGITI NA PALA AKO.

"AAAAAAAAAAAA!" malakas kong sigaw habang sinasabunutan ko sarili ko ng slight.

MYGOD NAKAKAHIYA KA SELF SUMIGAW KA, DITO PA MISMO SA COFFEE SHOP. AGAD AKONG NAG-TUNGO NG ULO SA KAHIHIYAN KO GRABEEEE NAKAKAHIYA TALAGA NAGSI-TINGIN SILANG LAHAT SA AKIN, NAGSORRY AKO SA SYEMPRE MGA NAGULAT SILA SA SIGAW KO BUTI NALANG WALA DITONG MAY SAKIT SA PUSO.

"Self mag-concentrate ka lang, okay na andyan na coffee mo and your favorite chocolate noir kaya tapusin mo na ito, tigili kung ano mang nararamdaman mo" bulong ko sa sarili ko.

DUH WALA AKO FEELING SA KANIYA ANO SIYA CRUSH KONG SI CHA EUN WOO? NO WAY!


Kreid Point of View:


NAGULAT KAMING LAHAT NG BIGLANG SUMIGAW SI MA'AM REYRA HABANG KAPIT-KAPIT NIYA YUNG STICKY NOTE NA MAY SULAT KO.

"Grabe naman yan bigla-bigla sumisigaw" pagalit na sabi ni Loxcy sa amin ni Vardez.

"Hayaan na natin" sagot ko.

"Siguro nagulat dun sa sticky notes na kapit niya kanina. Sino ba naglagay non at ano sinulat don. Parang ang ganda basahin" sabi ni Vardez na parang ako ang pinapatamaan niya sa sinabi niya at kung makatingin kala mo alam niya talaga.

"Hoy, hoy Vardez tama ka ng hinala" biglang sabi ni Loxcy.

"Oo na, inaamin ko na. You know gusto ko lang siya mapangiti even though accidentally ko siyang natapunan ng coffee. Ewan ko lang bakit ganon naging reaction niya nung mabasa niya yung nakasulat sa sticky note" lakas loob kong inamin na ako nagsulat.

WALA TALAGA AKONG KAWALA SA DALAWANG ITO. KILALANG-KILALA NA AKO, MAPA-ANONG REASON PA YAN OR GALAW KO ALAM NILA. SA TAGAL BA NAMIN MAGKAKAIBIGAN ALANGAN NAMAN HINDI NAMIN KNOWS ANG LAHAT NG INFO NG BAWAT ISA.

"Sabi ko na nga ba e, ikaw yun. Sino pa ba sa ating tatlo ang mahilig magsulat kundi ikaw lang naman dude" giit ni Vardez.

"11:28 na pala, ang bilis naman ng oras" sabi ni Loxcy na bakas sa mukha ang gulat.

"Weh? Talaga? Tingnan ko nga. Ay oo nga no lunch na agad, tara Loxcy kain muna tayo sa locker room, kadadating lang kanina ng inorder kong lunch natin. Dyan ka muna Kreid kain muna kami." – Vardez

"G! Saktong-sakto gutom na ako kanina pa, bye Kreid" nakangiting sabi I Loxcy.

"Sige lang, don't worry ako muna dito" nakangiti kong sabi sa kanila habang nakatingin kay ma'am Reyra.

SILA BUSY SA PAGKAIN AKO NAMAN BUSY SA PAGTITIG KAY MA'AM REYRA ANG G-GANDA NIYA KASI SOBRAAA. NAPAKAPIT AKO NG DAHAN-DAHAN SA DIBDIB KO, RAMDAM KO YUNG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO NA PARANG KONTI NALANG SASABOG NA.



To be continued...

Fall To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon