Unknown Point of view:
ANDITO AKO NGAYON SA HARAP NG ELORFIA COMPANY PARA HINTAYIN SI REYRA LUMABAS AT NANG MALAPIT NA MAG-GABI AY BIGANG LUMABAS SI REYRA SA COMPANY. NANG TINUTOK KO NA KAY REYRA YUNG CAMERA KO AY NAPANSIN KONG PARANG NAGMAMADALI SIYA UMALIS.
"Bakit kaya nagmamadali si Reyra? Parang hindi siya mapakali" sabi ko habang tinitingnan si Reyra na may tinatawagan at hindi mapakali.
MEANWHILE, PUMARA SIYA NG TAXI AND LUMABAS AKO SA PINAGTATAGUAN KO PARA PUMARA DIN NG TAXI AT SUNDAN SIYA. HINDI KO AKALAIN NA DITO SIYA PUPUNTA SA TAMIO HOSPITAL.
"Bakit kaya dito siya bumaba? Sino na-hospital?" sabi ko pagbaba ni Reyra ng sinasakyan ng taxi and bumaba din ako para sundan siya.
NAGMAMADALING PUMUNTA SI REYRA SA NURSE AREA (SERVICE AREA) AT AFTER NIYANG MALAMAN NA KUNG ANONG NANGYARI SA TAONG HINAHANAP NIYA AY PUMUNTA SIYA SA BENCH MALAPIT SA OPERATING ROOM. HABANG NAGLALAKAD SI REYRA PAPUNTANG BENCH AY NAGSIMULANG TUMULO ANG MGA LUHA NIYA.
"Parent niya kaya ang naaksidente or kaibigan niya? Dapat lang yan sayo karma yan sa lahat ng ginawa mo sa akin. B-bakit, bakit tumutulo ang luha ko? Ano nangyayari?" sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko ng hindi ko alam ang dahilan.
AFTER KO MAKITANG UMIIYAK SI REYRA AY UMALIS NA AKO NG HOSPITAL HABANG PINUPUNASAN KO YUNG MGA LUHA KO. PAGBALIK KO SA BAHAY AY NAKITA KO YUNG LOLA KO NA NAKAUPO SA LAMESA, HININTAY NIYA ATA AKO DUMATING PARA SABAY KAMI KUMAIN NG DINNER.
"Apo, upo ka sabay na tayo kumain. Niluto ko mga favorite mo, ito oh adobong baboy at ginising ampalaya" sabi sa akin ni lola and umupo agad ako sa upuan.
NANG MATAPOS KAMI KUMAIN AY NAGDAYAG AGAD AKO AT BIGLA AKONG PINAPUNTA NI LOLA SA SALAS. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO PINAPUNTA NI LOLA BAKA MAY GUSTO SIYA SABIHIN SA AKIN. AFTER KO MATAPOS MAGDAYAG NG AMING PINAGKAINAN AY PUMUNTA AGAD AKO SA SALAS.
"Apo, may gusto ka ba sabihin sa akin? Kung mayroon man.. alam mo naman pwede ka magsabi sa akin handa akong makinig sa iyo. Kahit ano pa yan makikinig ako at kung may maitutulong ako sabihin mo lang sa akin" mahinahon na sabi sa akin ni lola.
NAGSIMULA NA ULIT PUMATAK ANG MGA LUHA KO PAGKATAPOS KONG MAKINIG LAHAT NG SINABI NG LOLA KO. HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI SA AKIN KUNG BAKIT GANITO YUNG NARARAMDAMAN KO.
"Apo, kilala kita kasi sa akin ka na lumaki at alam kong may hindi ka sinasabi sa akin. Oh panyo magpunas ka ng luha mo. Alam mo apo" sabi sa akin ni lola at lumapit siya sa tabi ko. "Mahirap kapag hindi mo sinasabi o nilalabas ang mga nasa loob nito" sabi ni lola sabay turo sa chest ko.
BIGLA AKONG NAPABUNTONG-HININGA AT NAISIP NA SABIHIN SA LOLA KO KUNG ANO NANGYARI SA AKIN NOONG HIGH SCHOOL.
"La... naalala mo po ba nung, nung high school po ako na umuwi po akong basang-basa at amoy basura? Kaya po ganon ang nangyari sa akin ay dahil sa babaeng gusting-gusto ko at niligawan ko for almost 2 months" sabi ko sa lola ko habang tahimik lang siyang nakikinig.
"Itong babae ba ang tinutukoy mo apo?" sabi ni lola sabay ipinakita niya sa akin yung picture ni Reyra. "Nakita ko yan na nasa ilalim ng pintuan mo nalaglag ata" sabi ni lola sa akin.
"Opo... siya si Reyra pero binuksan mo ba yung kwarto ko?" sabi ko kay lola at bigla siyang napatahimik ng tanungin ko siya.
"Huwag kang magagalit apo alam kong ayaw mong may pumasok sa kwarto mo. Gusto ko lang naman ilagay sa loob ng kwarto mo yung picture kaso may, may nabasa akong sulat. Apo kung may binabalak kang masama sa babaeng ito sinasabi ko na sa iyo ngayon palang huwag na ituloy" mahinahon na sabi sa akin ni lola.
BINABASA MO ANG
Fall To You
RomanceThis story is about a girl named Reyra who has a boy childhood enemy named Kreid which she always bullied when she was young without knowing his first name or even surname. Until she met him again for so many years without realizing they once met in...