Kabanata 6

107 2 0
                                    

Nagkikislapang kamera ang bumungad sa amin ni Leon ng dumating kami sa opening ng kanyang hotel. Nag-aabang ang ilang sikat na photographer upang makunan ang prestihiyosong pagbukas nito.

Bilang maybahay, kailangan kong magmukhang kagalang-galang sa mga party na katulad nito.

Suot ang Armani suit, matikas na nakatayo si Leon habang nakaangkla ang aking kamay sa kanyang braso. Simple ngunit elegante ang champagne evening dress na aking suot at pinaresan ng isang high heeled shoes. Sinadya akong gawan ni Brenda ng damit para sa event na ito.

“ Good shot, Mrs. Valderama!” kahit nangangalay na ang aking panga tuloy parin ang aking pagngiti.

“ Leon, kelan ba ito matatapos!” bulong ko sa kanya habang ngiting-ngiti parin.

“ 2 minutes, more!” bahagya siyang yumuko at bumulong sa akin. Buti nalang naka-heels ako ng bongga kaya naging hanggang leeg niya na ako.

“ Wow, sweet! Ang sarap ma-inlove ulit!” kilig na kilig ang mga nanonood. Lumabas na naging ngiwi ang aking ngiti.  Nakakabored rin pala ang ganito.

Napasulyap ako sa kanyang gawi.  He was wearing a poker face. Blank stares and downturned lips. Pinasadahan niya ng dila ang kanyang pag-ibabang labi kaya malamang ilang segundo na naman akong tulala, dahilan upang maghiyawan ang ilang staff ng media. I could feel my cheeks blushed when embarassment hit me.

Damn!

“ Leon?"

“Hmmm???”

“ Anong sabi ng dagat sa isa pang dagat?” bahagya akong humarap sa kanya at nag-angat ng tingin. Ganon pa rin ang mukha niya walang ekspresyon. Seryoso siyang nakatingin sa mga kamera.

“ Ano?” he smirked. Mukhang nahinuha niya ’ata ang gagawin kong kabaliwan.

“ Eh ’di, wave naman diyan!” naniningkit ang mga mata niya sa kakatawa hanggang natapos ang photoshoot at mabilis na pumasok upang masimulan ang programa.

“ My wife, Amirie and I welcomes you all...”

Nagliparan ang iba't-ibang kulay ng mga confetti sa loob ng hall. Ang masigabong palakpakan mula sa mga taong naririto habang nakatingala sa aming dalawa na nakatayo sa entablado upang makinig sa kanyang welcome speech.

Ang paglamlam ng kanyang kulay kapeng mga mata at pagkagat labi ay senyales na nagpipigil siya ng damdamin. Hindi ko man alam kung ano, pero isa lang ang pinaniniwalaan ko. Tanging panahon ang nakakaalam kung kelan niya ibabahagi at bubuksan para sa akin. His walls were up, incredibly high that climbing would burn me out. Alam ko. At wala akong gagawin kundi ang mahalin siya habang kasama, mamahalin kahit saan mang sulok dalhin ang puso ko para sa kanya.

“ Andito lang ako, Leon!” ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang kanyang likod para kahit kaunti maibsan man lang ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.

“ Sir, Mr. Guanzon wants to have a private conversation with you!” ang malalaking salamin ng kanyang sekretarya ang umagaw ng aking atensyon. Natutuwa lang ako sa mga makukulay niyang suot na puno ng raffles at halos takpan na pati gulugod.

Mas masaya akong napapaligiran si Leon ng mga makukulay na bagay hindi lang ng itim o ng puti.

“ I'll be back!” naghiyawan ang nasa paligid namin ng bigyan niya ako ng halik sa pisngi. Nagmukha tuloy akong kinamatesang danggit.

“ You're happy!” kumunot ang noo ko nang bigla nalang lumapit si Michelle. Mukhang ginawa niya atang bagong hobby ang pang-iinis sa akin.

“ Don't act like you know him. Marami ka pang hindi alam tungkol kay Leon!” bumuntong-hininga ako. Nagsisimula na naman siya ng WWW3.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon