Kabanata 29

48 2 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

“MAHAL na mahal kita, Leon!”

Umuungol siya. Nakapikit ang kanyang mga mata habang walang humpay na umaagos ang luha. It seems like she's in pain. Her agony. Right in her lucid dream, where it feels vivid and real.

Mabilis ang kanyang paghinga animo'y tumakbo nang ilang milya, iregular at mababaw. Ganoon din ang tibok ng kanyang puso at ang mga mata sa ilalim ng nakasarang talukap, ngunit paralisado ang buo niyang katawan.

Ang tagpong iyon ang naabutan ni Leon. Nagtataka kung bakit nakahiga ang asawa niya sa sofa pero ang mas ikinagulat niya ay ang impit nitong hikbi. His wife was having a nightmare, he was sure as hell. Kung 'di siya nagkakamali, pangalan niya ang tinatawag nito. Gusto man niyang kiligin ngunit nangingibabaw ang takot niya habang nakikita ang sitwasyon ng kanyang asawa.

“Baby, baby. Wake up!” maingat niyang niyugyog ang balikat nito upang magising mula sa kinaroroonan nitong bangungot.

“Amirie, wake up! Shit! Manang Rosa! Come quick!” Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng kanilang tahanan.

Nataranta siyang tinatawag ang kanilang katulong. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Lalo na ng makita ang basang mukha nito dahil sa luha. May tissue pang nakabara sa ilong nito kaya dali niya iyong tinanggal kahit puno na ito ng sipon. Wala man lang pangingiming nakikita sa kanyang kilos kundi ang marahan at maingat nitong mga haplos.

He hugged her so tight.

“Baby, please wake up!”

Naging dahilan iyon upang magising si Amirie mula sa bangungot na iyon. She was pulled out from her subconcious mind. Weak and out of breath.

“Leon!!!You're here!” kumunyapit ito sa kanya. Habol ang hininga at nanginginig ang katawan.

She was too tired.

Tinulak niya ang dibdib ni Leon at kumalas sa yakap nang maalala ang nangyari.

“What's wrong!” nababahiran ng matinding pag-aalala ang kanyang boses.

Sinikap niyang abutin ang mga kamay ni Amirie. Kapos pa ang hininga at nanlalaki ang mga mata kahit namamaga ito.

“Amirie, talk to me!”

“Anong nangyayari, Sir Leon!”

Pero bago pa siya makasagot, isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon inaasahan. Animo'y nadislocate ang kanyang panga sa napakalakas nitong sampal. Napatanga siya.

“I hate you, Leon! Walang hiya ka. Lumayas ka dito! Sabi mo mag-hihiwalay tayo, 'diba! Bakit nandito ka pa?!”

Bigla itong tumayo at umambang aalis. Mabuti nalang at naabutan niya ang mga balikat nito.

“What? What are you talking about?”

“Huwag kang magmaang-maangang gago ka!” piniksi nito nag kanyang kamay. Mas lalo lamang siyang naguguluhan kung anong nangyayari kaya napatayo na rin siya sinundan ito.

“I don't know what you're talking about! You've been murmuring how much you love me in your dream. And now you want me to move out?!”

Nanggagalaiti ito sa galit na humarap sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nanginig siya sa takot sa itsura ng asawa niya ngayong mukhang galit na galit.

“Umalis ka. Pumunta ka sa kerida mong singkapal ng hollowblock ang pagmumukha! Magsama kayo! Sabi mo may anak kayo 'diba. 'Di umalis ka!” walang sawa itong tumutulak sa kanya dibdib palabas.

Leon stood still. He didn't flinch. Hinawakan niya ang mga kamay nitong sumusuntok sa kanyang dibdib. At walang pasubaling niyakap nang mahigpit. Encircling her in a warmest hug is all he can give. Kung anuman ang napanaginipan ng asawa niya alam niyang nasaktan ito ng sobra kahit hindi naman totoo.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon