Kabanata 8

54 2 0
                                    

“ Leon—!” nararamdaman ko ang bawat pagngiti ng kanyang labi sa aking balikat. Lumalakas ang aking sigaw tuwing bumabangga kami sa malalaking alon habang hawak ang manibela ng jetski.

Yakap ako ni Leon mula sa likod at ginigiya ang aking braso sa pagkontrol ng manibela nito. Pupunta kami sa laot at liliko pabalik sa dalampasigan. Nakailang ikot pa bago kami bumaba.

“ Wait, baby! Wear this.” Kumunot ang aking noo, hindi naman malaswang tingnan itong suot kong two piece.

“ Huwag na.”

Napalunok ako ng laway. Kung bakit ba kasi siya naghuhubad sa aking harapan. Ang sarap ulit haplusin ang mga nagpuputukan niyang abs. Naaalala ko naman kung ilang beses kaming umabot sa tuktok ng aming pag-iisa. Bigla aking tinablan ng hiya kaya pinako ko sa ibang direksyon ang aking tingin.

“ Now... no one's gonna stare on you!” unti-unti, nakikita ko ang paglambot ng kanyang ekspresyon.

Nagmukha tuloy akong nakabestida dahil sadya siyang matangkad at malaking tao. Kinabig niya ako papalapit at humawak sa aking  beywang bago naglakad pabalik ng villa.

At dahil sa pagod hinihila ng antok ang aking mga mata.

Nagising ako sa gutom. Kinakapa ko ang aking tabi pero wala na si Leon. Baka nauna ng bumaba!

Nag-angat ako ng tingin sa orasang nakasabit sa dingding. 7pm. Ilang oras din pala akong nakatulog, mukhang masyado akong napagod.

Namumula ang aking pisngi at ang balat na nakahantad kahit nakasunscreen dahil sa maghapong pananatili sa ilalim ng araw.

Nag-ayos muna ako ng sarili at nagdesisyon ng bumaba pagkatapos. Nakalugay ang mahaba kong buhok at nagsuot ng mahabang dress.

May naririnig akong nag-uusap sa sala habang binabaktas ang pasilyo papunta sa kusina. Napailing ako. Siguro hanggang dito negosyo pa rin ang iniisip nila.

“ Nasabi mo na ba sa kanya?” Wala akong sagot na narinig.

“ Si Alya pa rin ba? ”

Ang akmang paghakbang ay di natuloy dahil sa aking narinig, sigurado akong si Cree ang nagsasalita dahil kilala ko ang bawat timbre ng boses nila. Bumundol ang matinding kaba sa aking dibdib.

Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba ngunit dala ng kuryusidad, nanatili ako. Nakikinig.

“ No one, can replace her!”

Nanlamig ang buo kong katawan. Leon! Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig.

Dumapo sa aking dibdib ang nanginginig kong kamay. Dahan-dahan akong umaatras. Sinusubukan kong huwag makalikha ng kahit konting ingay.

Tinakpan ko ang aking bibig at baka 'di na makayanang may umalpas na tinig.

Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat.

Kristin!

Bakit hindi ko ito naisip na si Ate Alya at Kristin ay iisa.

Hindi ko na hinintay pa ang kasunod ng kanilang pinag-usapan. Masyado nang mabigat ang aking damdamin.

Hindi ko namamalayang unti-unti na akong dinadala sa sakit at pighati ng aking pagiging makasarili. Kasalanan ko naman ito diba? Kung bakit ako nasasaktan at nagdurusa.

“ No one!” paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isip ang aking mga narinig. Parang pinipiga ang aking puso, ang bigat. Pero bakit?

Bakit siya pa rin?

Tumakbo ako na hindi alam kung saan tutungo. Ang bawat pagtapak sa mumunting batong nakausli ay hindi ko na naramdaman. Patungo sa madilim na parte ng tabing-dagat. May malaking bato na sakto sa aking sukat para makitago.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon