Kabanata 42

62 3 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

“Angel, don't sleep!” sigaw ni Cree.

Nagmamadaling pinasibad nito ang sariling sasakyan. Hati ang atensyon nito, sa telepono, pagmamaneho at paglingon sa kanilang dalawa sa likuran.

”Bilisan mo, Cree!!!”

Buhat naman ni Leon si Amirie sa backseat. Nanginginig ang kanyang mga kamay na humahawak rito. Lumukob ang iba't-ibang emosyon sa kanya, na pati ang puso niya'y 'di na alam kung paanong ritmo titibok.

His mind was reeling.

Inalala muli ang mga pangyayari na lalong nagpakabog ng kanyang dibdib.

Shocked. Leon opened his palm. He averted his gaze when negative emotions hovered him.

Ang dalawang linya na sensyales sa binhing sumisibol sa loob ng kanyang asawa.

His eyes flickered.

Ang araw na dapat ay masaya sila ay nawala na parang bula.

Natatakot siyang gumawa ng galaw sa bawat paggewang ng sasakyan. Baka may ilang bali ang asawa niya't maging malubha ang kalagayan nito.

“Leon!!! Putang-ina ka! Huwag kang tumanganga lang diyan at pilitan mong huwag pumikit ang asawa mong gago ka!!!”

Bumalik lang ang katinuan niya ng sigawan siya ni Cree. Abala ito sa telepono. Nagtitipa habang palipat-lipat ang tingin sa harapan.

“Louis, code red! Locate us right now!”

“Secure all the lanes and traffic lights along this way going to the nearest hospital!”

“Angel, hold on! We're almost there! Fuck, this jam!!!”

Cree was frantic with worry.

Hindi sapat ang ginagawa nitong emergency signal upang mas lalong mapabilis ang kanilang takbo.

He was racing all his life. Iyon ang buhay nito ngunit iba ang kaba na nararamdaman sa sitwasyon ngayon.

The urge to make other drivers to give way, really made him anxious to save her life. He was pressing his horns as fast as he could.

Dinig ang walang sawa nitong pagmumura sa kawalan ng pag-asang makarating agad sa ospital. Desperado nang nakipaggitgitan sa gitna ng kalsada.

“What happened?” tanong ni Louis sa kabilang linya.

“I'll call you again!”

Umingay ang tunog ng makina.

He was eager to accelerate, vibrating the surface of the car as it vroomed creating loud noise.

But Leon...

His voice was dark and forboding.

Nawawala na siya na huwisyo tuwing bumabalik ang kanyang ala-ala sa nakaraan. Katulad noon hawak pa rin niya ang taong pinakamamahal. Nagmamantsa ng dugo sa kanyang mga palad.

Fate was teaching him lessons he couldn't escape.

“B-baby!”

Pulang-pula ang kanyang mga matang nakatingin sa mukha ng asawang nanlulupaypay na sa kanyang bisig.

Ang tanging babaeng nagmamahal sa kanya ng lubos. Hanggang sa huli, kapakanan niya pa rin ang iniisip nito.

And him...totally a dickhead.

Bunga ang lahat ng ito sa kaisa-isang desisyong matindi niyang pinagsisihan.

May butil ng luha na dumaloy sa gilid ng mata nito kaya marahan niyang pinunasan. Namumutla at naghahabol ito ng hininga. Sinisigurado niyang magaan ang bawat paglapat ng mga daliri niya sa katawan nito.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon