Kabanata 30

57 2 0
                                    

NAGISING ako sa sinag ng araw na lumilihis sa bintana ng aming silid. Tinakpan ko ng aking palad ang aking mata habang ang isa'y kumakapa sa aking tabi.

“Umalis na naman siya!” bulong ko sa aking sarili nang masiguradong wala nga siya sa aking tabi. Akala ko pa naman andito parin siya paggising ko. Dahil sa pagod kagabi, nakatulog na ako pagkatapos niya akong pakainin.

Ngayon naman, tinanghali na ako ng gising. Sabi ni Ate Alya, kailangan magiging mabuti akong asawa kay Leon. Pero papaano kung pagdating sa kanya, nag-iiba ang disposisyon ko sa buhay.

I became vulnerable and weak.

I sighed.

Kailangan kong alalahaning lahat kung bakit ko siya nagawang pakasalan.

I shouldn't acted this way!

Nagitla ako nang bumukas ang pintuan. Umawang ang aking bibig dahil sa aking nakikita. Was I dreaming again? Humahakbang ang aking asawa papalapit sa akin. Dala ang isang tray na hindi ko makita ang laman dahil nakatihaya parin ako sa kama. Ang mas nakakahiya pa, walang kumot o kahit anong tela ang nakatakip sa nakabukaka kong hita kaya bumalikwas ako ng bangon at pinagtagpo ang aking binti.

“Good morning! Breakfast in bed!” sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Parang bumaliktad pa ata ang sitwasyon. Ako dapat ang nag-aasikaso sa kanya sa bawat simula ng araw.

He's always busy.

Na kahit minsan nakakalimutan na niyang kumain at magpahinga.

“G-good morning!” nahihiya kong tugon.

Nasa mga pagkaing dala ang kanyang tingin kaya nagawa kong estimahin ang kanyang mukha. Humupa ang aking pag-aalala ng makitang wala ng bakas ang ginawa ko sa kanya kagabi.

“Staring is rude, baby!”

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang halikan niya ako sa labi. Nasa kanyang pisngi ang buo kong atensyon kaya ' di ko inasahang gagawin niya iyon. Kinuha ko ang kumot na nasa aking paanan at sumukob bago inamoy kung anong sitwasyon ng aking hininga.

“It still taste sweet. Kaya bumangon ka na at kumain!”

I heard the sound of the eyelet sliding in the curtain pole. Mabuti naman at gusto na niyang lumiwanag ang kwartong ito. Hindi tulad noong dati.

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ang aking kumot.

“Wow!!!”

Nagtubig ang aking bagang nang makita ang pagkaing nasa aking harap. Nutty pancakes topped with agave syrup, fruits and scrambled eggs. Umupo na rin siya sa aking tapat kaya kita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

“Will go out for dinner tonight!” bigla niyang sabi sa gitna ng aming almusal.

“Hindi ka papasok ngayon?” takang tanong ko sa kanya.

“May pupuntahan lang ako mamaya. Babalik din ako pagkatapos!”

“Saan?” tumikhim ako at nagbaba ng tingin sa platter na nasa harap.

I sounded nosy.

“May importante lang akong lalakarin!”

Hindi na ako nangulit pa at nagpatuloy nalang sa pagkain. Naging palaisipan pa rin sa akin ang nangyari kagabi. Wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya kung bakit sila magkasama ni Nate at talagang hinatid niya pa. Nasaktan ako. Sana naman magkaroon siya nang kaunting delikadesa sa sarili bilang babae. Bilang ina.

Alas-singko pa lang ng hapon, nakagayak na ako para naman hindi na siya mag-antay sa akin nang matagal. Long sleeve black dress ang aking suot na pinaresan ko ng isang ankle strap heels. Hapit ito sa akin kaya kita ang bawat kurba ng aking katawan. It fitted my butt perfectly. Kinulot ko ang dulo ng aking buhok at nilugay.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon