Kabanata 24

52 2 0
                                    

“Wait! What?” kita ko ang naniningkit na mga mata ng kanyang Mama. Naging balisa ang kilos ni Nate at hindi makatingin ng diritso kay Leon.

“Mami—!” Naguguluhan ang batang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Ang yapis nitong katawan ay napatda nang marinig ang sigaw ng ginang.

Nakasandal lang ako sa hamba ng pinto sa kusina habang pinapaikot ang suot na wedding ring sa aking daliri. Nakikinig at inuunawa ang kanilang sitwasyon.

Kung ako ang nasa katayuan niya, ganito rin siguro ang magagawa ko. Ipaglalaban ang karapatan ng aking anak. Dahil iyon ang nararapat na gawin ng isang ina, ang bigyan ng maayos na kinabukasan ang kanyang supling.

“You heard it right, Mama! That's the least that I can do.”

“Itatago mo ang anak mo? Anong klase kang ama, Leon?”

“Paano mapapalapit ang loob mo sa bata kung sa ibang bahay mo sila patitirahin? Nag-iisip ka ba?”

“This home is for me and my WIFE only, Mama! I won't allow any intruder inside our home!” tumaas ang boses niya at umalingawngaw so loob ng silid.

Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Hindi ko akalaing iniisip niya rin ang kapakanan ko. Don't get me wrong. Naaawa ako sa bata pero hindi ko mapigilang sumang-ayon sa gusto ni Leon. Gulo ang magiging hatid noon.

“At sa susunod na pumunta kayo rito ng walang paalam mula sa asawa ko, I will not just sit and  watch my wife being humiliated!”

“What!? I am your mother. For goodness sake! Wala naman kaming ginagawang masama sa asawa mo.” Kung nakakamatay lang ang titig kanina pa ako tumimbuwang sa aking kinatatayuan dahil sa binabatong tingin ng Mama niya.

“Hindi ko nakakalimutan na ikaw ang ina ko kaya alam ko ang ginagawa mo, Mama!” she averted her gaze and anxiously looked at Leon.

“Kung tapos na ang pakay niyo sa akin. Makakaalis na kayo sa aming pamamahay!”

“H-hindi mo lang ba, ahmm—, yayakapin o babatiin ang anak mo, Leon?” namumula ang mga mata ni Nate. Ilang beses na nagtaas-baba ang kanyang dibdib bago nagsalita. Bilang ina, ito ang pinakamasakit. Ang ipagduldulan ang anak sa ama nito. Pag-aalinlangan. Awa, para sa kanyang anak ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

But Leon remained blunt and stoic.

“Let's go, Kaito!” mahinang tinig ni Nate.

Ngunit walang pagdadalawang-isip na yumakap ang bata sa mga binti ni Leon.

“Bye, Dada!”

“Be a good boy, Kaito!” humawak lang ito sa ulo ng bata at ginulo ang buhok nito.

“Opo!” ang kainosentehan ng bata ay nagpakalma ng aking puso.

How could I become so heartless?

Walang kasalanan ang bata. Dumating siya, ilang taon bago pa kami nagpakasal ni Leon.

Hindi na napansin ang pangingilid ng aking luha. Pati ang paglapit niya ay 'di ko na naramdaman pa.

“Why are you crying?” piniksi ko ang paghawak niya sa aking pisngi.

“Amirie!” nag-alala ang kanyang tinig.

“Hindi ka ba naaawa sa bata, Leon? Alam kong wala akong karapatang makialam pero kahit...kahit iyong bata man lang pakisamahan mo ng tama!” iniwanan ko siyang naguguluhan.

“What are you talking about?”

Oo, nasasaktan ako. Atsaka, babae rin ako. Alam ko kung ano ang nasa mga mata ni Nate.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon