Kabanata 26

58 2 3
                                    

“Excuse me, Miss?! Is this yours?” hila ko ang palapulsuhan ni Brenda paalis sa coffee shop ng may tumawag sa aming pamilyar na boses.

“Brenda, don't stop!” sumasakit na ang lalamunan ko sa mahihinang sigaw ko sa kanya. Gusto ko nalang siyang buhatin. Ngunit papaano? Sa laki niyang tao siguradong hindi ko kakayanin. Ang sarap niyang pingutin sa ilong. Talaga naman! Mukhang kinikilig pa ang gaga.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang kanyang yabag. Sobra naman atang paglalaro ito ng tadhana.

“L-leon!” pabulong kong bigkas sa pangalan niya. Nanatili akong nakatalikod at dinadasal na sana malayasan ko siya sa lugar na ito.  Kaloka! Mabuti nalang at naisipin kong magsuot ng sombrelo ngayon.

“Is this yours?” muli niyang tanong nang walang sagot na narinig muli sa amin. Wala akong kaide-ideya kung anong gamit ang nahulog at sa kamalas-malasan napulot niya pa.

“Ohh, thanks, Pare! Sa fiancée ko iyan. Salamat!” biglang bumaba ang tono ng boses ni Brenda.

“F-fiancée?!”

“Yeah, may problema ba?”

“Ahm, nothing! I just wanna ask where did she got this?”

“Don't get me wrong, but I personally designed this as a gift for my wife!” napapikit ako sa sobrang kaba. Bigla nalang akong pinagpawisan. Sa dinami-rami ng pwedeng mahulog, bakit iyong keychain ko pa.

“Personalized? Wow, so you made this? It's pretty!” mariin ko siyang pinisil nang lumamya ang boses niya. Kahit kailan talaga! Gusto ko na siyang kurutin dahil sa mga pa-bebe moves niya. Para na nga akong mahihimatay sa kaba, samantala siya ay mukhanga kinikilig pa.

“Oh, I-i mean mas maganda kasi personalized. Iyan kasi galing lang 'yang Divisoria, eh! 3 for 100!”

What? Nagtahi pa talaga siya ng kasinungalingan. Knowing Leon, he won't just trust easily.

“What's the name of your fiancée!”

“Huh, ahm-, why?”

“Just making sure!”

“I'm a jealous man, pare!” pwede ko na siyang bigyan ng isang standing ovation sa kadramahan niya. Infairness, magaling!

“No, no,! It's not what you think! I am a married man. I just wanna make sure if it's really hers!”

My heart sunk. Buti naman at hindi ako ni deny!

“Is this yours?”

“I told you, it is. Ibigay mo nalang sa akin para makaalis na kami. We are in a hurry, pare!”

“I'm not talking to you! Let her talk to me!”

“No!”

“Why? Is there something wrong!?”

Paano na ito? Mukhang desidido siyang kausapin ako.

“May chicken pox ang fiancée ko ngayon, pare at baka mahawaan ka pa. Please lang kailangan na naming pumunta ng doktor. Mali-late na kami sa appointment namin!” nahihimigan ang pagmamadali kuno ng boses niya. I was relieved.

“Not until you give me her name!”

“Fine, she's, ahm— Arianna. Yes, yes...Arianna!”

“Full name!”

“Arianna P- Pitbull! Yeah, right! Arianna Pitbull.” gusto ko nalang mag-disappear. Ayoko na sa earth! Mamaya ka talaga sa aking bakla ka! Ginawa pa akong aso.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon