Kabanata 5

99 2 0
                                    

“Are you gonna burn my house down?” sigaw niya matapos akong itulak at patayin ang stove.

Kung hindi ako nakakapit sa counter top ay talagang sa sahig ang bagsak ko.

“Have you lost your mind? Paano nalang kung hindi ako dumating?”

Hindi ako nakagalaw. I was clouded with last nights’ thought, kaya hindi ko namalayan. The burning smell can’t outweigh the pain I had been feeling inside. The pain and jealousy. It was heavy.

Tears started to roll on my cheeks.

“P-pasensya na. Hindi ko namalayang sunog na pala. Gusto ko naman talaga ang tutong at sunog na mga pagkain, eh.”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang itim na itim na itlog sa pan.

“W-what happened to your hands?”

“Hmm?!”

Tinago ko sa aking likuran ang namumula kong kamay. Naglaba kasi ako kanina, gusto kong abalahin ang sarili ko para maiwaglit sana kahit sandali ang mga masasama kong iniisip. May allergy ako sa sabong panlaba kaya ganito.

Hinaklit niya ang braso ko. Maigi niyang tiningnan ang aking kamay bago dumapo ang tingin sa aking mukha. Dumaan ang malambot niyang ekspresyon ngunit dali ring nawala.

“Nasira ba ang machine? At talagang kinamay mo pa. Ano nalang ang sasabihin ni Alya kapag nalaman niya ’to? Fuck!”asik niya. Lumabas siya sa kitchen. At muli ring bumalik dala ang isang kahon ng medicine kit, “talagang ipapahamak mo ako. You really want to make me the bad guy, huh?”

Umiling ako. “Don’t act stupid, hindi bagay sa’yo.”

Matapos niyang lagyan ng gamot ang nagsusugat kong kamay, iniwan niya na ako. I was starving! Paano ako magluluto sa sitwasyon ko ngayon? Nilagyan ko ng tubig ang nasunog na pan at tinabi bago kumuha ng bago at sinalang sa stove.

Pero kahit anong pilit ko, hindi ko magawang mabuti ang pagluluto ng magiging hapunan ko. Nawalan na ako ng pag-asa. Itutulog ko nalang ang gutom. Alam ko naman na tapos na siyang mag-dinner sa labas.

Nagpakawala ako ng isang nalalim na buntong-hininga matapos inumin ang isang basong tubig. Pantapal sa nagugutom kong sikmura.

Yumuko ako nang madatnan ko siyang nanonood ng balita sa telebisyon. Tahimik kong nilakbay ang daan pabalik sa aking silid upang makapagpahinga na. Siguro naman bukas gagaling na itong kamay ko.

Muling nanariwa ang sinabi niya sa akin. Stupid? Sa kanya lang naman ako estupida. Tanga. Bobo. Hindi ko rin alam. Kung pwede ko lang turuan ang puso kong huwag tumibok sa katulad niya gagawin ko, eh. Kaso, ayaw!

Kung ginamit ko lang ang utak ko, siguradong hindi ako nakakulong sa tahanang ito. Malaya sana ako ngayon. Pero, ito ang pinili kong kapalaran.

Tinakpan ko ang aking bibig nang umimpit ang aking hikbi. Ang sakit ng latay ng kanyang dila. Bumalong ang luha sa aking pisngi. Nag-uunahang bumagsak at gustong kumawala sa aking pagtitimpi.

Do I deserve this kind of pain?

Dumagdag pa sabbigat ng aking nararamdaman ang pagka-miss ko sa mga kapatid ko. Ito ang pinakamatagal na hindi ko sila nakita. Hindi rin sila tumatawag. Naiintindihan ko. Matagal pa bago mawala ang galit nila sa akin.

Alba!’ I cried.

Tuwing iiyak ako, palagi siyang nasa tabi ko. Tinutukso niya ako na sobrang pangit ko raw kapag umiiyak kaya ako tatahan. Si Kuya Amir na laging may baon na lollipop para sa akin. Lalong-lalo na si Ate na may bitbit na banana cake mula sa pinagtatrabahuan niyang bakery. Miss na miss ko na ang mga kapatid ko.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon