Kabanata 15

64 1 0
                                    

THREAT

“Manang, aalis ako ngayon! Pupunta ako sa opisina ni Leon. Mauna ka ng kumain, doon na rin ako manananghalian." titig na titig siya sa akin habang nakikinig sa aking bilin.

“Ang ganda mo palang bata ka!"

Nag-ayos kasi ako ngayon. Nanibago ata si Manang. Sinubukan kong gamitin ang mga damit na binili niya. Kinulot ko ang dulo ng aking mahabang buhok at naglagay ng palamuti sa mukha. Sakto lang. Ginaya ko lang iyong nakita ko sa Youtube. Excited na ako!
Nagmamadali akong bumaba. Ang bilis talaga ng oras, 'di ko na namalayang malapit nang mag-noon break.

Gusto kong maging presentable sa harap ng mga tauhan ni Leon pati na rin sa mga kasosyo niya. Baka sabihin na naman. Hmmp! Kaso tama naman kasi sila. Ang hirap maging malditang mabait.

Suportado naman ako ni Brenda kaya to the rescue agad kung anong kulay ng damit ang susuotin ko. Hindi ko alam kung paano bigyang hustisya ang mga damit. Siya lang ang bukod-tanging maaasahan ko.

“Huwag mo na akong bolahin Manang! Baka lumaki ang ulo ko!” tinawanan ko siya bago umalis.

Nagpapasalamat ako at mababait ang mga taong nakapaligid sa akin. Since I was a child, I can say that I was sheltered. Protektado ako ng lahat. Suportado ng lahat. Kaya gusto kong ibahagi sa ibang tao ang utang na loob na aking natanggap.

Ayaw kong sukatin ang mga taong kaharap ko, base sa kanilang propesyon at pagkakakilanlan. Pantay-pantay ang paningin ko sa lahat. Dahil alam kong sa mga taong hinuhusgahang masama, may kabutihang nakakubli. Sa kabutihan ng loob, may ilang porsyentong kasamaan ang pilit nating tinatago.

We are all wolves. Kahit hindi natin aminin. In the deepest part of ourselves, hungry beast were hidden. Depende sa atin kung ano ang ating pipiliin. Depende sa mga pagkakataong kailangan nating mamili. At depende sa mga taong nakakaharap natin.

Just like me, howling at the moon. Loving him in the most impossible way. Walang aasahang kapalit, mamahalin pa rin sa bawat yugto ng buwan at hihintayin ang kabilugan nito.

“Ma'am, nandito na po tayo?" naputol ang aking malalim na iniisip ng magsalita si Mang Carding. Driver ni Leon.

“Salamat po!”

Dinala ko na ang ilang basket at sinarado ang pinto. Hindi pa ako nakatuntong sa unang baitang ng hagdanan, nag-uunahan na ang mga guards na kunin ang aking mga bitbit at ang ilang receptionist ay 'di maampat ang pagngiti.

Sinamahan pa niya ako hanggang sa top floor kung saan ang opisina ni Leon.

“Ma'am, pasensya na po noong nakaraan. Hindi po namin kayo nakilala!"

“Okay lang po iyon, Manong. Wala pong problema!”

“Ang swerte ni Sir Leon, ang bait ng napangasawa niya!" Swerte? Mukha ngang nalugi nang ilang milyon noong kinasal sa akin. Sinalubong na ako ng sekreatarya ni Leon kaya nagpaalam ng umalis si Manong Guard.

Ang lagabog mula sa pintuan ang nagpaangat ng aming tingin. Isang ginang ang lumabas mula sa opisina niya at halatadong galit. Sopistikada at suit nag alam kong mamahaling damit. Pulang-pula ang mukha nito. Tiim ang mga bagang na animo'y mula sa matinding pagtatalo. Napalunok ako ng laway nang bigla siyang huminto sa aming kinaroroonan.

Sinulyapan ko ang sekretarya ni Leon na nakayuko at nagbigay galang dito. Sino ba ito?

“Weak bitch!" matigas niyang sabi. Hindi ako sigurado kung ako ba ang pinagsalitaan niya. Ako ba? Nasa akin ang kanyang paningin kaya't inalala ko kung saan ko siya nakita.

“Hindi ka dapat pinakasalan ng anak ko dahil mahina ka! Ni singkong duling wala kang pagmamay-ari." lumaki ang mata ko sa gulat. Ako nga ang kausap niya! Teka! Gusto kong sumagot...gusto kong ipagtanggol ang aking sarili ngunit tama naman siya. Wala akong pag-aari.

Bolts Of DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon