“Susmaryusep! Bakit gising ka pa?” namutla siya sa gulat ng madatnan akong nakaupo sa dining table.
“Ikaw talaga Manang masyadong magugulatin!” nag-iba na ang timbre ng aking boses dahil sa sipon.
“Paano akong hindi magugulat sa hitsura mo?”
“Ang pangit ko na ba, Manang?”
“Sinong maysabi? Eh, ang ganda mong bata! Nagulat lang ako dahil diyan sa mga tissue na nakalagay sa dalawang butas ng ilong mo! Nakakahinga ka pa ba?”
“Opo!”
Nilagyan ko kasi ng tissue ang magkabilang butas ng aking ilong dahil namamaga na sa kakapunas ko magmula pa kanina. Nagsusugat na nga! Pero iyang luha ko ay hindi parin maampat sa kakatulo. Buti nalang may nakita akong sprinkles sa cabinet kaya nalibang ako sa kakakain at parang magic na nawala ang aking lungkot. Nabubuhay ang aking mga mata sa magkaibang kulay nito.
“Bakit umalis na naman si Leon?” nagkibit-balikat lang ako bilang sagot sa kanya. Ang sabi lang naman niya babalik siya. Babalik siguro mamayang madaling-araw.
“Ipagtitimpla kita ng maligamgam na gatas para makatulog ka na!”
“Salamat po!”
Pumanhik na siya sa kanyang kwarto pagkatapos akong dalhan ng isang basong gatas. Bumuntong-hininga ako. Saang sulok na naman kaya siya nakarating ngayon?
Natigil ako ng umilaw ang aking cellphone kaya dali kong kinuha sa mesa. I rolled my eyes. Nagpadala lang naman ng mensahe si Nate. Bigla akong nanigas nang makita ang larawang pinasa niya. Kahit nakatalikod alam ko kung kaninong bulto iyon ng katawan. Kahit hinliliit sa paa kilala ko.
Enjoying every moment with him. Goodnight! Iyon lang ang mensaheng nakalakip sa larawan.
Hindi nga ako nagkamali magkasama na naman sila.
Ang sarap mo talagang ipakain sa pating Leon. Magtiwala? Big word. Sana naman sinamahan niya ng aksyon iyang mga salita niya hindi iyong ampaw lang, walang laman.
Kahit nilaklak ko na ang isang basong gatas. Wa epek pa rin. Sinasagad na niya talaga ang pasensya ko.
Tumayo na ako patungo sa sala. Hihintayin ko siya kahit anong mangyari. Kesehodang magkalagasan kami ng buhok sa stress dahil sa pagpupuyat. Nanggagalaiti na talaga ako sa kanilang dalawa. Ang landi. Tapos gusto niyang may bodyguards ako? Ang gulang niya kamo!
Zoom in. Zoom out. Kalahating oras na ata akong ganoon lang ang ginagawa. Napaayos ako ng upo. Isang larawan na naman ang pinasa niya. Nakalingkis ang kanyang kamay sa braso ng asawa ko! What the hell? May araw ka rin sa aking babae ka. Gusto kong yupiin ang akong telepono pero huwag nalang dahil sayang. Hindi ako magsasayang ng mga bagay para sa kanya.
Ngunit hindi na ako nakapagtimpi sa kasunod. She was sitting on the shotgun seat which is supposed to be mine. Gusto kong umiyak pero walang luhang pumapatak. Tuyong-tuyo na. Nanginginig ako sa galit habang nakatingin sa malaking wedding portrait namin ni Leon.
I hate you, Leon! mariin kong bulong sa aking sarili.
Sobrang sakit. Animo'y pinagpira-piraso ang puso ko dahil sa mga taong walang kakontentuhan.
I believed him. Yet he chose to break my heart.
***
Isang kulay mahogany na pinto ang aking nakita. No. 302. Pinipilit kong hawakan ngunit naglalaho ito tuwing malalapitan ng aking kamay.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa pintuang ito. Nagtataka ako kung bakit hindi naka-lock at nakatiwangwang lang. Tinulak ko ang pinto. Napatingkayad ako upang huwag makalikha ng ingay at makita pa nila ako. Para akong lumilipad. What is happening?
BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
Roman d'amourWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...