Pagkatapos ng aming almusal, dinala na niya ako sa labas kung saan matatagpuan ang ilang sasakyang nakaparada. Mas lalo lamang akong nalula. Ngayon ko napasadahang mabuti ang paligid.
Ang ganda!
“Saan tayo pupunta, Leon?” tanong ko sa kanya habang nakasakay sa isang golf cart.
“You'll see, when we get there. Don't worry, they'll love you!”
Mas malawak ang bandang likuran ng mansion patungo sa maberdeng kabundukan. Hindi ko na maaninag ang electric fence sa magkabilang dulo. Huminga ako ng malalim. Ninanamnam ang preskong hangin, malayo sa maingay at mausok na syudad.
Parehong trimmed ang damuhan. May ilang tauhan ang aking nakikitang pumuputol ng mga damo gamit ang lawn mower. Katulad ng golf course nina Kuya Louis. Minsan na rin akong pumunta roon tuwing bakasyon. Pero kadalasan, dahil nandoon si Leon kaya kahit mainit sinusubukan kong pumunta, makasilip man lang kahit konti sa kanya.
Just a glimpse of him and my heart skipped a beat!
Excited na ako sa mga taong ipapakilala niya. Wala akong ideya.
Suot ang mahaba kong dress na umaabot hanggang sakong na pinaresan ng sandal at malaking sun hat. Bumagay ang puti kong damit dahil simple lang siyang nakaputing shirt at black na jogging pants. Kahit na ganun namumukod-tangi pa rin ang kanyang kakisigan. Lumalabas ang mga ugat sa kanyang braso habang nagmamaneho .
Unti-unting umabot sa aking tanaw ang isang 'di kalakihang bahay. Namumukod-tangi.
It was situated in the middle of the lawn.
Napakapit ang aking kanang kamay sa sombrerong suot nang umihip ang malakas na hangin.
Una siyang bumaba. Umikot sa harapan papunta sa aking kinaroroonan bago hinawakan ang aking kamay at giniya na ako pababa.
“We're here. Come!”
Marmol ang kalahating dingding na komokonekta sa rehas na bakal patungo sa kulay kayumangging bubong. Pinaghalong puti at ginto ang pintura. May patio sa gilid na nakaharap sa malawak na golf course. Ang mga hanging vines na kumukunyapit sa mga poste nito ay namumulaklak na may iba't-ibang hugis at kulay.
Bigla akong natigilan. Huminto ako nang hindi pa man nararating ang salamin na pintuan kaya napalingon siya sa akin. Ngayon, naging klaro ang lahat.
Parang kinukurot ang aking puso. Ito ba ang mga taong ipapakilala niya?
“L-leon?!” utal kong tawag sa kanya.
“Come with me! Believe me, it's my first time, too!”
Naguguluhan akong sumunod sa kanya. Hila niya ako hanggang marating namin ang mga kumikinang na nitso. Maaliwalas at malinis. Halatadong araw-araw na inaalagaan.
Bumalik ang titig ko sa kanya. Walang tigil ang pagtaas baba ng kanyang adams apple habang nakapamulsa ang kanyang magkabilang kamay. Pulang-pula ang mga mata na mariing nakatutok sa mga kwadradong pahabang libingan. May likido mang namuo roon ngunit pinipilit niyang pigilan at umaktong masaya.
Nasasaktan ako para sa kanya!
Hindi ko man batid kung anong nangyari ngunit ramdam ko ang bigat ng dinadala niya.
Bumaha ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko alam. Wala akong alam kung gaano siya kalungkot na lumaking mag-isa.
“Don't cry!”
I faked a smile.
Tumango ako. Lumalabo na ang aking paningin dahil sa masaganang luha na pumapatak ngunit hindi ko talaga mapigilan. Ang kalungkutan niya ay kalungkutan ko rin. Sobrang bigat sa dibdib. Kung pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya, gagawin ko.

BINABASA MO ANG
Bolts Of Desire
RomansaWhat happens when a handsome bachelor wake up with a young girl? ***** He was deeply inlove with someone else who was forbidden. When the love of his life married his friend, he promised to himself not to marry in this lifetime. But a young girl ca...